Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




WALANG EMOSIYON! ITO’Y KAGILAGILALAS!
(PANGARAL BILANG ISA SA EBANGHELISTIKONG PANGANGARAL)

NO EMOTION! IT’S MARVELOUS!
(SERMON #1 ON EVANGELISTIC PREACHING)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
ng umaga sa Araw ng Panginoon, ika-11 ng Mayo taon 2008

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).


Si Dr. Charles C. Ryrie ay isang magaling na dalubhasa. Madalas ko siyang sinisipi. Ngunit ang sulat sa Juan 16:8 ay hindi tama. Sinasabi niya,

Ang ibig sabihin ng pagkilala sa sariling sala ay ihain ang katotohanan ng Ebanghelyo sa isang malinaw na madali, na magagawang tanggapin ng mga tao o tanggihin ito ng may talino; halimbawa, upang kumbinsihin ang mga tao ng pagkamakatotohanan ng Ebanghelyo (isinalin mula sa The Ryrie Study Bible, Moody Press, 1978 edition, note on John 16:8).

Iyan lahat ay matunog na magaling, ngunit, hindi ito ang sinasabi ng Juan 16:8. Hindi sinasabi ng teksto na ang Espiritu Santo ay “[maghahain] ng katotohanan ng Ebanghelyo.” Hindi nito sinasabi na “[kukumbinsihin] ang mga tao ng pagkamakatotohanan ng Ebanghelyo.” Hindi, sinasabi nito na Kanyang “susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan.” Ang unang gawain ng Espiritu Santo, kung gayon, ay upang “[sumbatan]” ang isang tao ng kanyang kasalanan.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Ngayon, ang tekstong ito ay nagpapakita sa atin ng dalawang mahalagang-mahalagang mga punto.

I. Una, ang problema ng tao ay hindi nauukol sa talino.

Yamang ang unang gawain ng Espiritu ng Diyos ay ang “[magsumbat]” ng kasalanan, hindi upang “[maghain] ng katotohanan ng Ebanghelyo,” maliwanag na ang pangunahing suliranin ng tao ay hindi nauukol sa talino. At ito mismo ang lugar kung saan marami ang nagkakamali. Iniisip nila na kaya nilang matutunan ang mga katotohanan ng Ebanghelyo, paniwalaan ang mga katotohanang iyon, at iyan lang ang lahat na mayroon ito. Ang iba ay nagsasabi na ang kaligtasan ay dumarating sa pamamagitan ng paniniwala sa mga bagay-bagay saka sa paggawa ng dedikasyon. Ngunit kapwa sila magkapareho sa pangangailangan. Para sa kanila, ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang “[maghain ng] katotohanan ng Ebanghelyo sa isang malinaw na madali, na magagawang tanggapin ng mga tao o tanggihin ito ng may talino.”

Ngayon, ito ay mali dahil ipinapagitna nito ang isipan ng tao. Ang ideya ay kung ang Ebanghelyo ay sapat na malinaw, gayon may kakayahan ang mga tao, sa kanilang sariling kalayaang, tanggapin o itakwil ito. Ngunit hindi iyan Protestanismo, o isang paniniwala ng taradisyonal na mga Bautista. Ito ay tiyak na isang anyo ng pagsasamasama, at sa maraming pagyayari humahanggan sa Pelagianismo. Ginagawang malinaw ng Espiritu Santo ang Ebanghelyo. Pagkatapos ay nagagawang tanggapin o itakwil ito ng mga tao – “ng may talino”! Ngunit hindi ito ang sinasabi ng ating teksto,

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Sinasabi ko na ang ating teksto ay hindi tumutukoy sa isipan, ngunit sa puso, sa damdamin, sa sentro ng emosiyon ng katauhan ng tao.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Nagbigay si Dr. Martyn Lloyd-Jones ng isang napaka mahalagang mensahe sa problemang ito, na kanyang tinawag na “Sandemanianism” (isinalin mula sa isinulat ni D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., The Puritans and Their Successors, The Banner of Truth Trust, 1996 edition, pp. 170-190). Ang kapitulong iyan ay talagang dapat aralin ng mabuti at ng may matinding pag-iisip ngayon, dahil ang kamalian sa “Sandemanian” ay nagpabago sa ebanghelismo mula sa kung ano ito sa tatlong Dakilang Pagkamulat. Isinulat ni Robert Sandeman (1718-1771) na “Ang bawat isang nakaiintindi [ng Ebanghelyo] na totoo…ay napatunayan” (isinalin mula sa isinulat ni Lloyd-Jones, p. 174). Iyan ay isang napaka galing na kahulugan ng Sandemaniang kamalian. Nakahanap ito ng isang makabagong pamamahayag sa sulat ni Dr. Ryrie sa ating teksto, at sa halos lahat ng ebanghelismo sa makabagong panahon.

Itinala ni Dr. Lloyd-Jones ang isang pag-uusap na nagkaroon siya kasama ang isang kilalang ebanghelikong pinuno noong isa sa mga kampanya ni Billy Graham sa London noong 1950s. Tinanong ng isang lalake si Dr. Lloyd-Jones kung nakapunta na siya sa kampanya:

Sinabi ko, “Hindi, wala pa akong pagkakataon sa ngayon.” Sinabi niya, “Ito’y kagilagilalas, ito’y kamangha-mangha. Ang mga tao ay umaagos papunta sa harap. Walang emosiyon! Ito’y kagilagilalas! Ito’y kamangha-mangha – walang emosiyon!” Siya ay gumagalak sa bagay na ang mga taong pumupunta sa harap upang irehistro ang kanilang desisiyon ay hindi nagpapakita ng kahit anong emosiyon sa kahit anong paraan; ito ay isang bagay na ika-gagalak. Dito lang na ang pagtuturo [ng Sandemanianismo] ay nagiging ubod ng seryoso. Maari ka bang magkaroon ng nakaliligtas na pananampalataya ng walang emosiyon? Maari ka bang maging Kristiyano ng walang emosiyon? (Isinalin mula sa isinulat ni Lloyd-Jones, p. 186).

Iyan ay naging sarili kong karanasan sa mga ebanghelistikong pagpupulong ng ganitong uri. Nakapunta na ako sa mga kampanya ni Billy Graham sa Los Angeles, San Francisco, Orange County, Fresno, at Pasadena, California. Sa lahat ng lima ng mga ebanghelistikong pagpupulong ang mga tao ay “nagpunta sa harapan” ng walang emosiyon. Ipinaliwanag ni Mr. Graham ang Ebanghelyo, at gumawa sila ng isang desisiyong paniwalaan ito. Walang emosiyon ang kinailangan. Ito ay mas higit naging isang pangkalakal na transaksiyon kesa sa isang pagbabagong loob. “Walang emosiyon! Ito’y kagilagilalas!” Ngunit sila ba ay napagbagong loob? Ngayon ay iniisip ko na ang buong kampanya ni Billy Graham ay maaring magpatuloy ng walang kahit anong pagbabagong loob. Wala.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Doon sa lugar na walang pagsusumbat ng kasalanan, walang tunay na mga pagbabagong loob, patay na “desisiyonismo” lamang. Minsan ay isang mayabang na binata ay nagsabi, “Gusto mo ba akong umiyak?” Sa kanyang kaso iyan ay isang mabuting umpisa. Ang uri ng pagkawalan ng emosiyon na ebanghelismo ay napuno ang ating mga simbahan ng mga hindi ligtas na mga tao na umaabot sa milyon.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Ang kailangan mo ay ang Espiritu Santong magpakilala sa iyo ng iyong mga kasalanan, na tumutusok sa iyong puso at pinaluluha ka,

“Mga kapatid, anong gagawin [ko]?” (Mga Gawa 2:37)

Gayon, nakikita natin na ang problema ng tao ay hindi nauukol sa talino. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi dumarating upang “kumbinsihin ang tao ng pagkamakatotohanan ng Ebanghelyo.” Ang isang tao ay maaring maging lubusang makumbinsi ng pagkamakatotohanan ng Ebanghelyo at nawawala pa rin! Sa buong paglilingkod ko nakilala ko ang hindi mabilang na mga tao na naniniwala sa mga katotohanan ng Ebanghelyo ng hindi napagbabagong loob, na nagdadala sa atin sa pangalawang punto ng pangaral na ito.

II. Pangalawa, ang problema ng tao ay kasalanan.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Ang Griyegong salita “susumbatan” ay nangangahulugang “magkumbinsi, kagalitan, ilantad” (isinalin mula sa W. E. Vine).

Sa oras na ang Espiritu ng Diyos ay pinakikitunguhan ang isang nawawalang tao gagawin Niyang makilala niya ang kanyang mga kasalanan. Ikagagalit ng Espiritu ang kanyang kasalanan. Ilalantad ng Espiritu ang kanyang kasalanan sa kanya. Hindi lamang ito sa gawain ng Espiritu ng Diyos na ang kahit sino ay makukumbinsi ng kanilang kasalanan. Ang sulat ng Bibliya ng Geneva sa ating teksto ay nagsasabing, “Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos ng may kapangyarihan sa pamamagitan ng pangangaral ng salita, na pinipigilan niya ang mundong…ikumpisal ang sarili nilang hindi pagkamatuwid” (isinalin mula sa The 1599 Geneva Bible, Tolle Lege Press, 2006 reprint, note on Juan 16:8). Sa ibang salita, “[Ang magkumpisal] ng sariling kasalanan” – iyan ay naghahatid sa pagsusumbat. Ito ang magpapasimula sa iyong mangumpisal, sumanga-ayon, at maramdaman na ikaw ay talagang isang tunay na makasalanan sa mata ng Diyos. Ang pastor ang nangangaral mula sa Bibliya. Ngunit ang Espiritu ng Diyos ay dapat magsabuhay ng Salita ng Diyos sa iyong puso, para ang pagkamakasalanan ng iyong puso at ng iyong buhay ay mailantad sa iyo, at maramdaman mong makasalanan ka. Tanging kapag ang iyong mga kasalanan ay malantad na ay ikaw ay makakikilala ng kasalanan.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Ngunit ang iyong nasirang puso ay lumalaban sa ganyang paglalantad at pagsusumbat. Ang parehong Griyegong salitang, naisaling “susumbatan” sa ating teksto, ay ibinigay sa Juan 3:20,

“Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:20).

Sinabi ni Dr. Gill, “Upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa; o mailantad, at maging kilala, at siya ay madala sa kahihiyan” (isinalin mula sa isinulat ni John Gill, D.D., An Exposition of the Old and New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume 7, sulat sa Juan 3:20). Gayon, kapag ang Salita ng Diyos ay naipangaral, ang Espiritu ng Diyos ay magsusumbat at maglalahad ng iyong kasalanan, ikaw ay “napopoot sa ilaw” at nilalabanan ito. Gumagawa ka ng mga palusot para sa iyong mga kasalanan. Pinapalusot mo ang iyong sarili sa pagsasabi na hindi ka mas masama kesa sa iba. Iyan marahil ay totoo, ngunit hindi ito isang palusot lamang

“ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama”
      (I Ni Juan 5:19).

Ang tunay na tanong ay kung ikaw ba ay maliligtas sa labas ng isang mundo na

“nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamgatigas ng kanilang puso”
      (Mga Taga Efeso 4:18).

Ang tanging paraan para ikaw ay maalis at mapalaya mula sa masamang mundong ito ay makagalitan dahil sa kasalanan, para ang pagkamakasalanan ng iyong puso at ng iyong buhay ay mailahad sa iyo, at guluhin ka. Bago ka magulo ng iyong kasalanan, hindi ka maaring maging isang tunay na Kristiyano. Ang iyong puso ay dapat magulo at magising ng iyong mga kasalanan. Dapat kang magawang makadama na ikaw ay makasalanan. Kung hindi ka nagugulo ng iyong kasalanan, hindi mo madarama ang pangangailangan kay Hesu-Kristo! Kaya, ipinapanalangin namin na ang Espiritu ng Diyos ay dumating at ilantad ang iyong kasalanan, at ipakilala sa iyo ang iyong mga kasalanan, at ikagalitan ka dahil sa iyong kasalanan, at gawing madama mo ang kasamaan ng iyong kasalanan.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Sa tinggin ko tama ang sinabi ni Dr. Lenski noong sinabi niyang,

Ang gawain ng Espiritu sa pagdating sa kasalanann ay ang harapin ang mundo ng may teribleng katotohanan ng pagkawalang paniniwala nito kay Hesus, ibigsabihin…na ang pagkawalang paniniwala ay nag-iiwan nito sa kanyang kasumpa-sumpang kasalanan, sinumpa at walang pag-asa magpakailanman…Ang pangingilala ng kasalanan hinggil sa kasalanan at natural na umaandar sa dalawang paraan. Pipitpitin nito ang ibang mga puso para sila ay matakot sa kanilang pagkawalang paniniwala at humiyaw katulad ng mga 3,000 sa Pentecost, “Mga kapatid, anong gagawin namin?”…o gagawin nitong lalong matigas ang mga lumalaban nitong pagpapakilala ng kasalanan na ito; sila ay magpapatuloy, nakilala ang kasalanan ngunit matigas ang ulo kaysa noon, nilalabanan laban sa pagpapakilala ng kasalanan hanggang sila ay mamatay (isinalin mula sa isinulat ni R. C. H. Lenski, Ph.D., The Interpretation of St. John’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1961 reprint, p. 1083).

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Anoman ang iba pang mga kahulugan ng bersong ito, hindi ibig sabihin na ang Espiritu ng Diyos ay mangungumbinsi ng mga tao “ng pagkamakatotohanan ng Ebanghelyo.” Anoman ang iba pang kahulugan, ito ay malinaw mula sa tekstong iyan,

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Nagtataka ako kung ikaw ay nakagalitan ng iyong kasalanan, maging ang iyong kasalanan ay nailantad, o maging ikaw ay nakumbinsi nito, at naipakilala ang iyong kasalanan nito, maging ang iyong mga kasalanan ay nagpapadama ng iyong kalupitan. Nagtataka ako kung ang iyong puso ay nagulo ng iyong kasalanan.

Paanong panalangin naming na ang Espiritu ng Diyos ay dumating at kutyain ka ng iyong kasalanan. Paanong panalangin namin na madama mo ang iyong pagkamakasalanan at maalala tungkol dito. Tanging kapag nagugulo ka ng iyong mga kasalanan na ikaw ay maging handa upang tanggapin ang Tagapagligtas. Tanging kapag ang iyong mga kasalanan ay madamang malabis na makasalanan na maiintindihan mo kung bakit si Hesus ay nangailangang mahampas, malatigo hanggang sa ang Dugo ay umagos sa Kanyang likod, “na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo” (I Pedro 2:24). Tanging kapag ang iyong mga kasalanan ay malantad sa lahat ng kapangitan nito at kasamaan na maiintindihan mo ang pagmamahal ni Kristo, tinataglay ang iyong mga kasalanan, nakapako sa Krus, binabayaran ang multa para sa iyong mga kasalanan, bilang kapalit, sa iyong lugar. Tanging kapag ikaw ay nakutya ng Espiritu ng kasalanan na makikita mo na nararapat na napunta ka sa Impiyerno, at mapunta sa Impiyerno, kung si Kristo ay hindi nagpunta sa Krus sa iyong lugar upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Paano mo matatanggihan ang Tagapagligtas kung ikaw ay nakumbinsi ng iyong kasalanan? Paano ka makakapag-alala sa paghahanap ng “tamang” paraan upang pumunta sa Kanya kung hindi mo pa nadarama na ang iyong puso ay napaka-makasalanan na hindi ito makagawa ng kahit anong “tama”?

Kung nagugulohan at mapanlaw ka sa kasalanan, gayon pumunta kay Hesus. Hindi ang “tamang paraan” ng pagpunta ang nakaliligtas sa iyo. O hindi! Ito’y si Hesus Mismo ang nakaliligtas! Pumunta sa Kanya sa maling paraan, o sa kahit anong paraan, at tatanggapin ka Niya at patatawarin ang iyong mga kasalanan!

Isang babae sa mga Ebanghelyo ay gumapang sa ilalim ng mesa at hinalikan ang Kanyang paa. Ang Fariseo ay nagalit dahil hindi siya pumunta kay Hesus sa “tama” o maayos na paraan. Ngunit walang pakialam si Hesus sa kahit anoman tungkol diyan. Siya ay pumunta kay Hesus sa “maling” paraan, ngunit sinabi ni Hesus sa kanya,

“Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:48).

Magpunta kay Hesus sa kahit anong paraang kaya mo. Basta pumunta ka lang sa Kanya, kahit anong mangyari! Tama o mali, basta pumunta sa Kanya, at sasabihin Niya sa iyo,

“Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:48).

Narinig ko ang tinig ni Hesus na nagsbing, “Pumunta ka sa akin at magpahinga;
   Ihiga mo, napapagod na isa, ihiiga mo
Ang iyong ulo sa aking dibdib.”
   Nagpunta ako kay Hesus bilang ako,
Pagod, at gasgas at malungkot;
   Nahanap ko Siya sa isang himlayan,
At pinaliligaya Niya ako.
   (“Nadinig ko ang Tinig ni Hesus Nagsabi” isinalin mula sa
      “I Heard the Voice of Jesus Say” ni Horatius Bonar, 1808-1899).

Magkaroon tayo ng isang sandali ng panalangin para doon sa mga nangangailangan kay Hesus na patawarin sila sa kanilang mga kasalanan.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Juan 16:7-11.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nadinig ko ang Tinig ni Hesus Nagsabi” isinalin mula sa
“I Heard the Voice of Jesus Say” (ni Horatius Bonar, 1808-1889).


BALANGKAS NG

WALANG EMOSIYON! ITO’Y KAGILAGILALAS!
(PANGARAL BILANG ISA SA EBANGHELISTIKONG PANGANGARAL)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

I.   Una, ang problema ng tao ay hindi nauukol sa talino, Juan 16:8;
Mga Gawa 2:37.

II.  Pangalawa ang problema ng tao ay kasalanan, Juan 3:20;
I Juan 5:19; Mga Taga Efeso 4:18; I Pedro 2:24; Lucas 7:48.