Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA PAGKAKAMALI NG MAKABAGONG EBANGHELISMO

(PANGARAL BILANG 2 SA EBANGHELISTIKONG PANGANGARAL)

ERRORS OF MODERN EVANGELISM
(SERMON #2 ON EVANGELISTIC PREACHING)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
ng Gabi sa Araw ng Panginoon, ika-17 ng Mayo taon 2008

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).


Palagay ko ang mga bersong ito sa Ebanghelyo ni Juan ay walang kapintasang inilalarawan ang mali sa makabagong ebanghelismo. Ang dalawang pinaka kilalang makabagong mga pagkakamali ay ang mga ito:


1.  Ang walang hanggang buhay ay dumarating sa pamamagitan ng paniniwala sa sinasabi ng Bibliya.

2.  Ang walang hanggang buhay ay dumarating sa pamamagitan ng paniniwala sa sinasabi ng Bibliya, at saka pagpanatang maging masunurin.


Ang dalawang pangalan na karaniwang tawag sa mga ito ay,


1.  Madaling paniniwala.

2.  Kaligtasan [sa paglalagay kay Kristo sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang tao. Ang pagbibigay halaga sa taong gawa, at pag-gawa ng kabutihan kaysa sa Dugo ni Kristo o sa Krus].


Ang parehong pagkakamali ay karaniwang itinuturo ngayon. Ngunit pareho silang iniwasto ng Juan 5:39-40. Sa pangaral na ito magpapakita ako ng tatlong mga bagay: (1) na ang walang hanggang buhay ay hindi dumarating sa pamamagitan ng paniniwala sa Bibliya, at na ito ay hindi dumarating sa pamamagitan ng paniniwala ng Bibliya saka pagpanatang maging masunurin; (2) ang taong iyan ay hindi lalapit kay Kristo sa kanyang natural na kalagayan; (3) na ang lahat na lumapit kay Kristo ay tumatanggap ng buhay.

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).

I. Una, ang walang hanggang buhay ay hindi dumarating sa pamamagitan
ng paniniwala sa Bibliya, o sa paniniwala sa Bibliya saka sa panata.

Malinaw na ang mga taong kinausap ni Hesus ay naniwala sa Bibliya. Sa katunayan ang kanilang pag-asa ng walang hanggang buhay ay nakasalalay sa kanilang paniwala sa Kasulatan,

“sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon [sa mga Kasulatan] ay mayroon kayong buhay na walang hanggan” (Juan 5:39).

Ipinapakita nito na ang kanilang “pananampalataya” ay hindi mas mahigit kesa iyon sa isang demonyo. Ang mga demonyo ay naniniwala sa Diyos.

“Ikaw ay sumasampalataya na ang Dios ay iisa; mabuti ang iyong ginagawa: ang mga demonio man ay nagsisisampalataya, at nagsisipanginig” (Santiago 2:19).

Ngunit naniwala ang mga demonyo higit pa riyan. Naniwala rin sila na si Hesus ay ang Anak ng Diyos.

“At ang mga karumaldumal na espiritu, pagkakita sa kaniya, ay nangagpatirapa sa kaniyang harapan, at nangagsisisigaw, na nangagsasabi, Ikaw ang Anak ng Dios” (Marcos 3:11).

Tinawag din Siya ng mga demonyong,

“Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan?” (Lucas 8:28).

At naniwala rin ang mga demonyo sa Impiyerno, at naniwala sila na mayroong kapangyarihan si Kristong itapon sila sa Impiyerno.

“At narito, sila'y nagsisigaw, na nangagsasabi, Anong aming ipakikialam sa iyo, ikaw na Anak ng Dios? naparito ka baga upang kami'y iyong pahirapan bago dumating ang kapanahunan?” (Mateo 8:29).

(Ang mga kaisipang ito ay kinuha mula sa “The Demon’s Creed,” pangaral mula sa ideya mula sa Wayne Jackson, Pulpit Helps, Abril 2008, pp. 16-17).

Gayon maliwanag na ang mga demonyo ay naniwala sa Diyos; naniwala sila na si Hesus ay Anak ng Diyos, maging “Anak ng Dios na Kataastasan”; at mayroong isang lugar na tinatawag na Impiyerno, at si Hesus ay may kapangyarihang magdala ng isa doon. Kaya, malinaw na ang isang tao ay kayang paniwalaan ang lahat ng iyong mga aral na nauukol sa Bibliyang tungkol kay Hesus, at maging kasing ligaw pa rin gaya ng isang demonyo!

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).

Ano naman ang ibang mapagpipiliang ibinibigay na napaka dalas ngayon? Ang ibang mga pagpipilian ay ang paniwalaan kung ano ang sinasabi ng Bibliya, saka pagpapanatang maging masunurin. Ngunit hindi ba iyan mismo ang ginawa ng mga Fariseo, ang mga tao na kinakausap ni Hesus sa ating teksto? Hindi lamang pinaniwalaan ng mga Fariseo ang Bibliya, ngunit ginawa rin nila ang lahat ng makakayang sundin ang Bibliya!

“Ang Fariseo ay nakatayo at nanalangin sa kaniyang sarili ng ganito, Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito”
      (Lucas 18:11).

Pagkatapos, siyempre, kailangan nating bigyang pansin ang makabagong pagkakamali ng maling pagpapaliwanag ng Mga Taga Roma 10:9-14, na ikinakawing ang kaligtasan sa pagsasabi ng mga salita ng isang panalangain. Wastong sinabi ni Dr. John Gill,

Ang apostol dito [sa Mga Taga Roma 10:10] ay nagpapaliwanag ng kalikasan at gamit ng parehong pananampalataya at kumpisal; dahil ang tunay na pananampalataya ay hindi nakasalalay sa simpleng pagtutugma ng isipan sa Ebanghelyo…kaya nakasalalay man, na hindi sa utak, kaya rin hindi sa dila, ngunit sa puso; hindi ito isang guni-guning kaalaman ng mga bagay na dapat paniwalaan; o sinasabi ba nito na naniniwala ang tao; ngunit ito’y gawain ng puso, isang paniniwala ng buong puso…ito ay isang paglabas ng kaluluwa patungo kay Kristo…nagbabakasakali sa kanyang pagharap, pinakukumbaba ang sarili sa kanyang paa… sumasandal at umaasa sa kanya (isinalin mula sa isinulat ni John Gill, D.D., An Exposition of the Old and New Testaments, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume 8, p. 521).

Kaya, nakikita natin, na ang walang hanggang buhay ay hindi dumarating sa pamamagitan ng paniniwala sa Bibliya, o sa pamamagitan ng paniniwala sa Bibliya saka sa panata, o sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga salita ng isang panalangin! Lahat ng mga ito ay makataong mga kaisipan at makataong gawain. Wala sa kanila, o kahit anong pagsasama-sama nila, ang magliligtas ng kahit sino.

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).

II. Pangalawa, ang tao sa kanyang angking kalagayan
ay hindi lalapit kay Kristo.

Ang teksto ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay patay.

“At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Ipinapakita nito na wala silang buhay. Hindi sila hinihikayat ni Kristong kumapit sa Kanya. Hindi Niya sinasabi sa kanilang lumapit sa Kanya. Hindi ng anoman. Inilalarawan Niya ang kanilang kalagayan. Sinasabi Niya, “Ayaw kayong magsilapit sa akin.” Iyan ang kalagayan ng likas na tao. Ang likas na tao ay nasa isang “Hindi ako lalapit sa Kanyang” kalagayan. At, tiyak Siya ay tama sa paglarawan sa kanila, at ng lahat ng tao sa kanilang likas na kalagayan, sa ganitong paraan. “Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo;y magkaroon ng buhay.” Iyan ang kalagayan ng katauhan. Ipinapakita, sa pamamagitan ng implikasyon, na ang tao ay patay, na wala siyang buhay. At sa ganitong patay na kalagayan ang tao ay hindi lalapit sa Kanya at, gayon, mananatiling walang buhay.

Mayroong tatlong paraan na ikaw ay patay. Una, ikaw ay patay sa alinsunod sa batas. Nabasa ko sa peryodiko na ang isang lalake ay binitay noong huling linggo. Ngunit siya ay patay sa alinsunod sa batas ng ilang buwan bago pa siya ibinitay. Inihayag ng hukom ang parusa ng kamatayan. Pagkatapos ang mga abugado ay nagtrabaho ng urong sulong upang maapela ito. Hindi nila nagawa. Kaya, sa wakas, ang lalake ay ibinitay. Ngunit siya ay patay alinsunod sa batas matagal na bago pa, noong unang inihayag ng hukom sa kanya ang parusa ng kamtayan. Siya ay ipininid sa selda sa bilangguan, patay alinsunod sa batas.

At iyan ang iyong kalagayan. Hindi dahil ikaw ay makokondena sa Huling Paghahatol. O, hindi! Sinasabi ng Bibliya na ikaw ay,

“hinatulan na” (Juan 3:18).

Ikaw ay hinatulan na. Sa sandaling nagkasala ka ang iyong pangalan ay naitala na sa itim na aklat ng katarungan. Ikaw ay hinatulan ng Diyos ng kamatayan sa sandaling iyon. “Hinatulan na,” binubuhay mo na ang mga araw hangang sa ang paghahatol ay sa wakas maisagawa, di mapapakiusapang maisasagawa, napagtibay, di mai-uurong, matatag, tiyak na isagawa, dahil ikaw ay “hinatulan na.” Ikaw ay alisunod sa batas ay patay na. At sa iyong alinsunod sa batas na patay na kalagayan,

“Ayaw kayong magsilapit [kay Kristo], upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Ngunit ikaw ay patay sa espiritwal. Noong ang iyong mga naunang mga magulang ay kumain ng pinagbabawal na prutas namatay sila. At ang nakalalason na kamatayan ay naipasa sa iyo sa pamana.

“At sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao” (Mga Taga Roma 5:12).

Sinabi ni Spurgeon,

At ngayon, ang bawat tao, hinggil sa mga espiritwal na mga bagay, ay “patay sa paglalabag at mga kasalanan”…O ang kaluluwa ay mas kakaunting patay sa tao ng laman, kaysa sa katawan ay kapag [ito ay] tapat sa hukay; ito ay sa totoo ay positibong patay…Hindi ka perpekto; iyang dakilang salitang, “kasiraan,” ay nakasulat sa iyong puso, at ang kamatayan ay nakatatak sa iyong espiritu. Huwag kang mag-akala, O taong moral, na ikaw ay makakatayo sa harap ng Diyos sa iyong kamoralan, dahil ikaw ay wala kundi isang bangkay na inembalsamo alinsunud sa batas, isang bangkay [na nakadamit] ng isang magandang balabal…Maliban na lang kung ang Espiritu ng Diyos [ay magtutuon ng pansin] sa iyong kaluluwa, ikaw sa paningin ng Diyos ay kasing [lamig ng nabubulok] na bangkay ay sa iyong sarili. Hindi mo pipiliing mabuhay kasama ang isang [patay na katawan] na nakaupo sa iyong mesa; o gustohin ng Diyos na ikaw ay dapat maging nasa kanyang paningin (isinalin mula sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “Free Will – A Slave,” The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 reprint, volume I, pp. 396-397).

Ikaw ay patay sa espiritwal pati alinsunod sa batas.

“At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Ang kamatayan sa espiritwal at kamatayang alinsunod sa batas ay naghahatid sa kung anong tinatawag ng Bibliyang “pangalawang kamatayan.”

“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan” (Apocalipsis 21:8).

Ang “ikalawang kamatayan” at ang “dagatdagatang apoy” ay magkapareho.

“At ang kamatayan at ang [Impiyerno] ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy” (Apocalipsis 20:14).

“Ang ikalawang kamatayan” ay hindi nangangahulugan na ang pamamalagi mo ay matitigil. Ang ibigsabihin nito ay na ikaw ay magiging puspusang nakababatid sa Impiyerno.

Ang iyong kaluluwa ay pupunta sa harap ng Diyos sa Huling Paghahatol. Bubuksan ng Diyos ang Kanyang mga aklat. Babasahin Niya ang iyong pangalan. Babasahin Niya ang iyong mga kasalanan isa isa. Ngunit ang pinaka-matinding kasalanang Kanyang babasahin ay ito,

“At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Sinabi ng mangangaral, “Lalapit ka ba kay Hesus?” Sinabi mo, “Hindi.” Ang mga salitang iyon ay babalik upang mamalagi sa iyo sa Huling Paghahatol. “Hindi, hindi ako lalapit kay Hesus.” Sa libong mga taon, habang ang walang hanggan ay gugulong ng paulit-ulit, ang pagpaparusa ng iyong kaluluwa sa walang katapusang parusa ay mamarkahan ng mga salitang iyon,

“At ayaw kayong [lumapit] sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Sa oras na ang mga takip ng bintana ng buhay ay magsara, wala ng pangalawang pagkakataon. Wala ng pag-asa. Wala ng takas. Wala ng paghahango.

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).

III. Pangatlo, iyong mga lumalapit kay Kristo ay mayroong buhay.

Sinabi ni Hesus,

“At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).

Walang buhay sa Diyos Ama para sa isang makasalanan. Walang buhay sa Espiritu Santo para sa isang makasalanan. Ang buhay lamang ay na kay Hesus, ang Anak ng Diyos. Sinabi ni Hesus,

“Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw” (Juan 6:35).

“At ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

Mayroong buhay na alinsunod sa batas kay Kristo. Nagkasala kang alinsunod sa batas kay Adan. Ang kanyang kasalanan ay nanatili sa iyo. Ngunit mayroon ka ring mga sariling kasalanan, kasalanan pagkatapos ng isang kasalanang nakatambak sa iyong talaan. Ngunit sa sandaling ikaw ay na kay Kristo, lahat ng mga pagkakautang mong alinsunod sa batas ay bayad na, lahat ng paglalabag mong alinsunod sa batas ay nakakaltas na, at ikaw ay napapatawad para sa lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng pakikipagpalit na kamatayan ni Kristo, sa iyong lugar, para sa iyong mga kasalanan, sa Krus ng Kalbaryo, dahil si Hesus ay pumunta sa Krus,

“ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami”
      (Marcos 10:45).

Kay Kristo lahat ng pagpaparusa ng kasalanan ay nawawala, bayad na sa Kanya sa iyong lugar, sa Krus na iyon.

“Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Mga Taga Roma 8:1).

Siya ay hinampas upang bayaran ang halaga ng iyong mga kasalanan. Sinabi ni Isaias,

“Sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).

Siya ay ipinako sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan.

“Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5).

“Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Mga Taga Roma 8:1).

Kapag ikaw ay na kay Kristo mayroon kang alinsunod sa batas na buhay.

Mayroon ka ring espiritwal na buhay kay Kristo. Kahit na ikaw ay patay sa espiritwal sa kasalanan, ang Diyos ay mayroong espiritwal na buhay para sa iyo kay Kristo. Patay na makasalanan, espiritwal na patay kahit na ikaw nga ay patay, mayroong buhay kay Kristo Hesus.

Maaring nakinig ka ng matagal, na matagal sa pangangaral ng Ebanghelyo. Ngunit wala itong epekto. Naupo ka gaya ng isang patay na bangkay, katulad ng isang patay na katawan, at ang lahat ng mga ipinangaral ay lumampas lang sa iyo. Ngunit biglang, parang ang iyong mga tengga ay nabuksan sa pagpasok ni Kristo ng Kanyang mga daliri dito, ang tunog ng Ebanghelyo ay sa wakas pumasok sa iyong puso. Ang kamay ng Diyos ay humahawak sa iyong puso at buhay ay pumapasok sa loob, pinipitpit ang iyong kahambunggan, ginigising ka sa iyong mga kasalanan, tinutunaw ang iyong puso ng may pagdurusa at pangingilala sa kasalanan, itinataas ang iyong mga mata upang tuminggin kay Hesus, inaakit kang lumapit sa Kanya sa simpleng pananampalataya. Marami sa atin dito ngayon ay naalala, noong ang biyaya ng Diyos ay gumigising sa atin mula sa kamatayan, iyong mga sakit ng konsyensiya, iyong mga luha, ang pagtatalo at hapis ng ating kaluluwa ay nakaraos noong tayo ay sa wakas lumapit sa ating Tagapagligtas. Noong tayo ay dumaan sa muling pagkabuhay mula sa kamatayan, natagpuan natin na ito ay lahat sa biyaya, na ito ay ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo na nagdala sa atin palabas ng ating espiritwal na kamatayan. Sinabi ni Kristo kay Lazarus, “Lumabas ka,”

“Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon” (Juan 11:44).

At, kapag tatawagin ka lamang ni Hesus sa Kanyang sariling, magagawa mo, sa pamamagitan ng Kanyang higit sa kaya ng taong kapangyarihang, lumapit sa Kanya, gaya ng paglapit ni Lazarus sa Kanya mula sa hukay.

Sa wakas, mayroong walang hanggang buhay kay Kristo. Ang walang hanggang buhay sa Impiyerno ay kasuklamsuklam malayo pa sa ating kakayahang maglarawang ng nararapat na makataong mga salitaan. Ngunit kapag ikaw ay na kay Kristo walang pagkakataon na makikita mo kailanman, lalo ng makapasok, sa mga apoy noong kakilakilabot na lugar, dahil

“Siya'y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya” (Sa Mga Hebreo 7:25).

Si Hesus ay nagliligtas ng tao na nasa Kanya sa pinaka lubos ng kanyang kasalanan, at sa pinaka lubos na panahon ng kanyang pagkabuhay. Kay Hesus, ikaw ay ligtas panghabang buhay, mayroon kang buhay panghabang buhay, mundong walang katapusan. Ligtas sa lubos, o gaya ng pagsabi natin ngayon sa makabagong Ingles, “Siya'y nakapagliligtas [magpakailanman] sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya” (Sa Mga Hebreo 7:25).

Si Hesus ay hindi magbibigay ng buhay doon sa mga nasa Kanya, at pagkatapos ay babawiin. Sa isang mas kaunting sensitibo sa lahing panahon matatawag natin ang isang gumawa nito na isang “Nagbibigay na Indiyan,” isang taong nabibigay ng isang bagay at pagkatapos at kinukuha ito pabalik. Hindi pa ako nakakikilala ng isang Katutubong Amerikanong gumawa nito, ngunit isa itong matandang kasabihan. Masasabi ko sa iyo ng tiyak, na si Hesus ay hindi isang nagbibigay na Indiyan. Kapag ipinawalang bisa Niya ang iyong mga kasalanan at bibigyan ka ng espiritwal na buhay, hindi Niya ito kukunin muli – hindi kailanman Niya kukunin muli ang buhay na binibigay Niya sa mga nasa Kanya, dahil sinasabi Niya,

“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol” (Juan 10:28).

Walang Impiyerno ang nag-aantay sa isang lalake o babaeng na kay Hesus, dahil sinabi Niya,

“At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol” (Juan 10:28).

Matatagpuan mo, na kapag lumapit ka kay Hesus, na ang iyong kaluluwa ay hindi malayang makaliliko palayo sa Kanya muli. Ito ay iniingatan ng Diyos kay Kristo,

“Sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan” (I Pedro 1:5).

Lahat ng ito ay mga malaking mga matatamo na mahahanap kay Hesus, at wala ng iba. Ang utang ng kasalanan ay bayad na kay Hesus. Ang Espiritwal na buhay ay muling nabuhay kay Hesus. Lahat ng kasalanan ay napatawad at napawalang bisa kay Hesus. Ang Impiyerno ay hindi na isang banta o isang ikakatakutan sa kanya na na kay Hesus. Ngunit ang pagbabaluktot ng iyong puso, ang paglapastangan ng iyong katangian, ang pagkapatay ng iyong kaluluwa ay nagtatago sa iyo mula kay Hesus. Ang kaisipang ito ay dapat pumasok sa iyong puso: “Ako’y napaka-makasalanan sa likas na hindi ako lalapit kay Hesus. Ang puso ko ay mandaraya at desperadong malupit na hindi ako lumalapit kay Hesus. Nararapat sa aking ipadala sa Impiyerno dahil dito.” At kung ang kaisipang iyan ay hindi winasak ang iyong puso at nangumbinsi sa iyo ng iyong mga kasalanan, hindi ko nakikita kung paanong ang kahit ano ay magagawa ito. Naway ang Diyos ay magpakumbaba sa iyo, at kumbinsihin ka ng iyong mga kasalanan, at dalhin ka kay Hesus, ay ang aking panalangin. Sa Kanyang ngalan, Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

BALANGKAS NG

MGA PAGKAKAMALI NG MAKABAGONG EBANGHELISMO

(PANGARAL BILANG 2 SA EBANGHELISTIKONG PANGANGARAL)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).

I.   Una, ang walang hanggang buhay ay hindi dumarating sa pamamagitan
ng paniniwala sa Bibliya, o sa paniniwala sa Bibliya saka sa panata,
Juan 5:39; Santiago 2:19; Marcos 3:11; Lucas 8:28; Mateo 8:29;
Lucas 18:11.

II.  Pangalawa, ang tao sa kanyang angking kalagayan ay hindi pupunta kay
Kristo, Juan 5:40; Juan 3:18; Mga Taga Roma 5:12; Apocalipsis 21:8;
Apocalipsis 20:14.

III. Pangatlo, iyong mga lumalapit kay Kristo ay mayroong buhay, Juan 5:40;
Juan 6:35, 37; Marcos 10:45; Mga Taga Roma 8:1; Isaias 53:5;
Juan 11:44; Sa Mga Hebreo 7:25; Juan 10:28; I Ni Pedro 1:5.