Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG GABING ANG MGA DISIPOLO AY SA WAKAS NA
PAGBAGONG LOOB

THE NIGHT THE DISCIPLES WERE FINALLY CONVERTED

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipingaral sa Bapstist Tabernacle ng Los Angeles
ng gabi sa Araw ng Panginoon, ika-30 ng Marso 2008

“Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan” (Lucas 24:45).


Ang mga Disipolo ay nagpulong lahat na ang mga pintuan ng bahay ay nakandado. Takot sila sa mga Fariseo at mga punong saserdote na naging responsable sa pagkapako sa krus ni Hesus tatlong araw ang nakalipas. Linggo ng gabi ng Pasko ng Pagkabuhay noon. Nalaman ng mga punong saserdote at ang mga matatanda na ang katawan ni Hesus ay naglaho. Inakusa nila ang mga Disipolo sa pagnanakaw nito (Mateo 28:11-13). Ngayon ay hinahanap na nila ang mga Disipolo. Dahil sa dahilan na ito ang mga Disipolo ay nagtago sa silid na ito, na ang mga pinto at nakakandado (Juan 20:19). Ito ang araw na si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay – ang pinaka-maluwalhati, kamangha-manghang araw sa buong kasaysayaan ng tao! Ngunit ano ang mga ginagawa ng mga Disipolo? Sila ay nagtatago sa isang nakakandadong silid! Si Judas, na nagtaksil kay Kristo, ay nagpakamatay. Si Tomas ay wala roon. Ang ibang sampung mga Disipolo ay nagsitaklob sa takot sa isang silid sa Linggo ng gabi ng Pasko ng Pagkabuhay.

Bigla-bigla “Siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo” (Lucas 24:36). Sila ay nagulat. Akala nila ito ay isang espiritu.

“At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila. At sinabi niya sa kanila, Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit. Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan” (Lucas 24:38-45).

Sa oras na iyon “binuksan” ni Kristo ang kanilang “mga pagiisip upang mapagunawa nila ang mga kasulatan” (Lucas 24:45). Ang Griyegong salita na isinalin na “binuksan” ay “dianogo.” Ang ibigsabihin ay “buksan ng lubusan” (isinalin sa sinabi ni Strong). “Dianoigo” ay kaparehong Griyegong salita na ginamit sa Mga Gawa 16:14 upang ilarawan ang pagbabagong loob ni Lidia,

“na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo” (Mga Gawa 16:14).

Binuksan ng Diyos ang puso ni Lidia upang tangapin ang Ebanghelyo, gaya ng pagbukas Niya ng mga puso ng mga Disipolo.

“Nang magkagayo’y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan” (Lucas 24:45).

Ako ay nakumbinsi na ito ang oras kung saan yoong sampung Disipolo ay napagbagong loob. Kita mo, hangang sa puntong ito mayroong isang “talukbong na nakatakip sa kanilang puso” (II Mga Taga Corinto 3:15).

“Datapwa’t ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas: sapagka’t hanggang sa araw na ito, pagkabinabasa ang matandang tipan, ang talukbong ding iyon ay nanatili na hindi itinataas, na ito’y naalis sa pamamagitan ni Cristo” (II Mga Taga Corinto 3:14).

Tuwing mayroong bumabaling kay Kristo, ang talukbong ay naalis, ang nabulag na isipan nila ay nabuksan, at ang taong ito ay pumupunta kay Kristo sa tunay na pagbabagong loob. Sinabi ni Mathew Henry na noong “binuksan [ni Kristo] ang kanilang pagiisip,” nagbigay Siya ng “kaisipan…sa loob ng salita ng Diyos, kung saan narinig at nabasa nila, na ang pananampalataya sa muling pagkabuhay ni Kristo ay nakapalupot sa kanila, at ang lahat ng kahirapan ay nawala” (isinalin mula sa isinulat ni Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, sulat sa Lucas 24:45).

Ngayon ilipat ninyo sa Juan 20:22. Ito ang kaparehong pagpapakita ng muling nabuhay na si Kristo sa mga Disipolo sa Linggo ng gabi ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Tumutukoy ito ng husto sa parehong kaganapan na isinasalita sa ating teksto,

“Nang magkagayo’y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan” (Lucas 24:45).

Ngunit dito, sa Juan 20:22, tayo ay sinabihan kung paano Niya binuksan ang kanilang pag-iisip. Magsitayo at basahin ng malakas ang Juan 20:22.

“At nang masabi niya ito, sila’y hiningahan niya, at sa kanila’y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:22).

Maari ng umupo.

Ngayon gusto kong makinig kayo sa dalawang komento sa bersong iyan. Ang una ay galing sa The Applied New Testament Commentary (Kingsway Publications, 1996, p. 448),

Tapos nito sila ay naipanganak muli sa Espiritu…Tapos nito nila tinanggap ang totoo at buong pananampalataya. Tapos nito nila tinanggap ang espiritwal na buhay.

Ang pangalawang komento ay galing kay Dr. J. Vernon McGee, ang tanyag-sa-buong-mundo na guro ng Bibliya, sinabi ni Dr. McGee,

Sa sarili ko naniniwala ako na sa oras na ang ating Panginoon ay huminga sa kanila, at nagsabing, “Tangapin ninyo, ang Espiritu Santo,” ang mga kalalakihang ito ay muling nabuhay muli [naipanganak muli]. Bago pa sa oras na ito binahayan ng Espiritu ng Diyos…huminga si Hesu-Kristo sa mga kalalakihan ng walang-hangang buhay sa pagbibigay sa kanila ng Espiritu ng Diyos (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume IV, p. 498).

Iyan ang aking paninindigan. Naniniwala ako sa sinabi ni Dr. McGee, na sa oras na ito ang mga kalalakihang ito ay naipanganak muli, muling mabuhay, napagbagong loob, at tumanggap ng walang-hangang buhay. Hindi ko mabasa ang Lucas 24:45 at Juan 20:22 na hindi napupunta sa katapusan na sila ay mga hindi napagbagong loob na mga kalalakihan hangang sa oras na iyon sa unang Linggo ng gabi ng Pasko ng Pagkabuhay, noong si Kristo ay

“[nagbukas ng]…kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan” (Lucas 24:45).

noong si Kristo ay

“[huminga]…, at sa kanila’y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:22).

Ipinapakita nito sa atin ang mga maraming dakilang mga bagay na mahalaga sa atin ngayon:

1.  Una, ipinapakita nito na maari mong subukang sundin si Kristo na hindi naipapanganak muli. Maari kang pumunta sa simbahan. Maari mong basahin ang Bibliya. Maari mong memoryahin ang mga Kasulatan. Maari kang magdasal. Maari mong gawin ang lahat ng iyan, gaya ng ginawa ng mga Disipolo, at hindi pa rin mapanganak muli.

2.  Pangalawa, ipinapakita nito na maaring ang iyong mga panalangin ay masagot, gaya ng mga Disipolo, at hindi pa rin maipanganak muli.

3.  Pangatlo, ipinapakita nito na maari kang gumawa ng isang desisyong sumunod kay Kristo, gaya ng ginawa ng mga Disipolo, at hindi pa rin mapanganak muli.

4.  Pang-apat, ipinapakita nito na maari mong marinig ang Ebanghelyo ng paulit-ulit, gaya ng mga Disipolo, at hindi pa rin mapanganak muli.

5.  Panglima, ipinapakita nito na maari kang “maglakad kasama ang Panginoon,” gaya ng literal na ginawa ng mga Disipolo, at hindi pa rin mapanganak muli.

6.  Pang-anim, ipinapakita nito na maari mong malaman ang mga salita ng Bibliya, maging pamilyar sa Bibliya, gaya ng mga Disipolo, at hindi pa rin mapanganak muli.

7.  Pangpito, ipinapakita nito na maari kang gumawa ng mga panlabas na makapangyarihang gawa para sa Diyos, gaya ng ginawa ng mga Disipolo, at hindi pa rin mapanganak muli.


Aking kaibigan, ang kailangan mo ngayon ay isang tunay na bagong pagsilang at isang tunay na pagbabagong loob. At iyan ay karaniwang sinusundan ng modelong nangyari sa mga Disipolo:

1.  Una, pumupunta ka sa simbahan at pinapakinggan ang Salita ng Diyos na ipinangangaral gaya ng pagpunta ng mga Disipolo at pakikinig kay Kristong mangaral.

2.  Pangalawa, natutunan mo ang mga simpleng katotohanan ng Ebanghelyo, gaya ng ginawa ng mga Disipolo.

3.  Pangatlo, ikaw ay pawang malakas ang loob na kaya mong sundan si Kristo, katulad ng mga Disipolo.

4.  Pang-apat, ang pansariling lakas ng loob mo ay na-alog, at nag-uumpisa mong makita ang pagkamakasalanan mo, gaya ng mga Disipolo.

5.  Panglima, sinusubukan mo ang isang paraan at iba pa upang madaig ang iyong sariling pagkamakasalanan, gaya ng mga Disipolo.

6.  Pang-anim, sa wakas ay nakukumbinsi ka na na ikaw ay lubusang masama, isang nawawalang makasalanan walang pag-asa o natural na kakayahan, gaya ng mga Disipolo. Nakakulong sa isang silid dahil sa takot sa mga may-kapangyarihan, nadama nilang lubusang walang pag-asa at walang tulong.

7.  Pangpito, sa wakas ang iyong pag-iisip ay nabuksan, at ang Espiritu Santo ay nakikipag-isa sa iyo kasama si Kristo, nagpapahinga ka kay Kristo, ay nahugasan sa Kanyang Dugo, at maipanganak muli, gaya ng mga Disipolo noong sila ay sa wakas maipanganak muli.


Sa karaniwan, iyan ang nangyari sa mga Disipolo. At iyan ang dapat mangyari sa iyo. Naway malapit na itong mangyari. Sa ngalan ni Hesus, Amen.

Isang pinuno ay minsa’y lumapit kay Hesus ng gabi
Upang tanungin sa Kanya ang daan sa kaligtasan at ilaw;
Ang Senyor ay sumagot sa mga salitang totoo at simple,
“Kayo’y dapat maipanganak muli.”
“Kayo’y dapat maipanganak muli, Kayo’y dapat maipanganak muli,
Tunay, na tunay, sinasabi ko sa inyo,
Kayo’y dapat maipanganak muli.”

Kayong mga anak ng tao, pag-isipan ang Salita,
Napaka-taimtim na sinabi ni Hesus ang Panginoon;
At huwag pabayaan na ang mensaheng ito ay mawalang saysay,
“Kayo’y dapat maipanganak muli.”
“Kayo’y dapat maipanganak muli, Kayo’y dapat maipanganak muli,
Tunay, na tunay, sinasabi ko sa inyo,
Kayo’y dapat maipanganak muli.”
   (“Kayo’y Dapat Maipanganak Muli” isinalin mula sa
      “Ye Must Be Born Again” ni William T. Sleeper, 1819-1904).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Lucas 24:36:45.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kayo’y Dapat Maipanganak Muli” isinalin mula sa
“Ye Must Be Born Again” (ni William T. Sleeper, 1819-1904).