Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BUHAY MULI! ANG MGA PAGPAPAKITA NI KRISTO ALIVE AGAIN! THE POST-RESURRECTION APPEARANCES ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipingaral sa Bapstist Tabernacle ng Los Angeles ng umaga “Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw” (Lucas 24:46). |
Ito ang sinabi ni Kristo noong bumangon Siya mula sa pagkapatay. Bagaman hindi ko ini-endorso ang lahat ng isinulat nila, gusto ko ang salaysay na ibinigay ng dalawang modernong Maka-bagong Tipan na dalubhasang, sina Dr. Walter A. Elwell at Dr. Robert W. Yarbrough,
Walang nagkukunwaring naiintindihan [ang paliwanag] ng lubusan, ngunit mga tiyak na bagay ay kapansin-pansin bilang ganap na mahalaga kung ating iintindihin [ang paliwanag] sa kahit anong paraan. Ang una ay ang pagkakaiba ni Hesus. Hindi lamang siya isang relihiyosong pinuno, katumbas o kaya mas higit pa kesa kay Mohammed, Buddha, o Moses. Siya ay nasa nag-iisang uri mag-isa. Ang mga naunang naniwala ay hindi makahanap ng masmabuting paraan upang ilarawan siya kundi tawagin siyang, “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga Panginoon,” tiyak, ang Diyos mismo. Bagaman hindi mababagong monoteyistiko, nadama nilang tama na ginagawa nila ito dahil gumawa si Hesus ng mga gayong pahayag at ang Hesus na kanila lamang naalala ay ang Hesus na nagturo sa kanila ng may ganap na kapangyarihan, gaya ng hindi pa kalianman pananalita ng isang karaniwang tao.
Pangalawa, ang kwento ni Hesus ay pangkaraniwan mula sa umpisa hangang sa huli. Kahit anong pagtatangkang alisin ang elementong ito mula sa mga paliwanag ay winawasak sila ng lubusan. Ang kwento ay nanagana ng mga pagtukoy sa Diyos, mga anghel, demonyo, si Satanas, milagrosong pangyayari, banal na paggagamot, ang Espirito Santo, at ang walang-hangang dimensiyon na naghihimasok sa loob ng panahon. Ang pinaka batayan ng lahat ng apat na Ebanghelyo ay naglalaman ng maraming isa-isang pangyayari sa buhay ni Hesus, gaya ng birheng pagkapanganak, ang kanyang pagbabagong anyo, ang kanyang muling pagkabuhay mula sa pagkapatay, ang kanyang pag-akyat sa langit. Ito ay hindi mga lumang kathang-isip, ngunit mga nakaraang katunayan, ang saligan na kung saan ang Kristyanong pananampalataya ang naiwan.
Pangatlo…kung tatapak tayo sa pananmpalataya tayo ay magiging bagong mga tao sa katulad na paraan noong may kilala kay Hesus habang siya ay nasa lupa ay nagbagong anyo noon isinuko nila ang kanilang mga puso sa kanya. Wala ng ibang paraan upang matuklasan kung sino talaga siya.
Pang-apat, ang kwento ni Hesus ay nagsasabi sa atin na ang kamatayan ay hindi katapusan…Gaya ng pagsira ni Hesus sa kapangyarihan ng hukay, gayon din ang kapangyarihan ng kamatayan sa atin ay masisira habang tayo ay naniwala sa kanya. [Sinabi] Niya [kay Martha], “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon may mabubuhay siya; At sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man” (Juan 11:25-26). Ito ay mga pangkaraniwang salita, ngunit iyan ang pangako. Dahil nabubuhay si Hesus, yoong mga nagtitiwala sa kanya ay mabubuhay magpakailanman kasama siya.
Sa wakas, lahat ng mga ito ay totoo dahil ang pang-huling punto ay totoo – na si Hesus ay buhay at ang mga pangakong makakasama tayo ngayon hangang sa katapusan ng panahon…Ang parehong Hesus na naglakad sa mga pampang ng Galileyo, pinagaling ang mga may karamdaman [at] pinatawad ang mga makasalanan para sa kanilang mga pagkakasala (isinalin mula sa isinulat ni Walter A. Elwell, Ph.D., and Robert W. Yarbrough, Ph.D., Encountering the New Testament, Baker Books, 1998, pp. 134-135).
At gayon tayo’y magpunta, ngayong umaga, sa pisikal na muling pagkabangon ni Hesu-Kristo mula sa pagkamatay. Noong Siya ay bumangon, sinabi ni Hesus,
“Ganyan ang pagkasulat, na kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw”
(Lucas 24:46).
Sinabi ni Dr. A. T. Robertson,
Limang pagpapakita [ng bumangong si Kristo] ang ibinigay bilang gumanap sa araw ng kanyang muling pagkabuhay, at pagkatapos lima ay ibinigay sa loob noong [sumunod] na apat na pung mga araw. Ang limang pagpapakita sa araw na ito [Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay] ay (1) kay Maria Magdalena (Juan at Marcos); (2) sa iba pang mga kababaihan (Mateo); (3) doon sa dalawa [na] papupunta sa Emmaus; (4) kay Simon Pedro (Lucas 24:34); (5) sa sampung mga apostol at mga iba pa (isinalin mula sa isinulat ni A. T. Robertson, D.D., A Harmony of the Gospels, Harper and Row, Publishers, 1950 edition, page 172).
1. Una, nagpakita si Hesus kay Maria Magdalena ng maaga ng umaga ng Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay:
“Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan. Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin malaman kung saan nila siya inilagay. Umalis nga si Pedro, at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan. At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay Pedro, at dumating na una sa libingan; At nang kaniyang yukuin at tingnan ang loob, ay nakita niyang nangakalatag ang mga lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob. Dumating si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga lino, At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga lino, kundi bukod na natiklop sa isang tabi. Nang magkagayo'y pumasok din naman ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya. Sapagka't hindi pa nila alam ang kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay. Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan. Nguni't si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan; At nakita niya ang dalawang anghel na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus. At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya. Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios. Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito”
(Juan 20:1-18).
2. Pangalawa, si Hesus ay nagpakita sa ilang iba pang mga kababaihan na pumunta sa libingang walang laman:
“At narito, sila’y sinalubong ni Hesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila’y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya’y sinamba. Nang magkagayo’y sinabi sa kanila ni Hesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo’y makikita nila ako” (Mateo 28:9-10).
3. Pangatlo, Si Hesus ay nagpakita sa dalawang tao sa daan papuntang Emmaus:
“At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo sa dalawa sa kanila, nang sila'y nangaglalakad na patungo sa bukid. At sila'y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba: at kahit sa kanila'y hindi rin sila nagsipaniwala” (Marcos 16:12-13).
4. Pang-apat, nagpakita si Hesus kay Simon Pedro:
“At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama. Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon, At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay” (Lucas 24:33-35).
5. Panglima, si Hesus ay nagpakita sa sampu ng kanyang mga Apostol, maliban kay Tomas:
“At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paaAt samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43).
6. Pang-anim, wala si Tomas doon ng gabi sa Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ang sumunod na gabing Linggo si Tomas ay kasama ng ibang Disipolo,
“At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya” (Juan 20:26-29).
7. Pangpito, sa loob ng sumunod na maraming araw, pito ng mga Disipolo ay naglakbay pabalik sa Galilea, at sila’y nangingisda sa Dagat ng Tiberias (tinatawag ring Dagat ng Galiliea), noong si Hesus ay nagpakita sa pampang,
“Sinabi sa kanila ni Jesus, Magsiparito kayo at mangagpawing gutom. At sinoman sa mga alagad ay hindi nangahas na siya'y tanungin, Sino ka? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon. Lumapit si Jesus, at dinampot ang tinapay, at sa kanila'y ibinigay, at gayon din ang isda. Ito'y ang ikatlong pagpapakita ni Jesus sa mga alagad, pagkatapos na siya'y magbangon sa mga patay”
(Juan 21:12-14).
8. Pangwalo, sa loob nitong panahong ito, si Hesus ay nagpakita sa mas higit pa kesa sa limang daang katao sa bundok ng Galiliea,
“Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y nangatulog na” (I Mga Taga Corinto 15:6).
“Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok na sa kanila'y itinuro ni Jesus. At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan. At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan” (Mateo 28:16-20).
9. Pangsiyam, Siya rin ay nagpakita sa Kanyang sariling kalahating-kapatid na si Santiago,
“Saka napakita kay Santiago” (I Mga Taga Corinto 15:7).
10. Pangsampu, sa katapusan ng apat na pung araw, si Hesus ay nagpakita sa mga Apostol,
“At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin: Sapagka't tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa. Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito? At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan. Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin. At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit; Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:4-11).
11. Pang-labing-isa, Siya ay nagpakita sa Apostol Pablo sa daan papuntang Damascos (Mga Gawa 9:3-6; I Mga Taga Corinto 15:8) at sa loob ng Templo (Mga Gawa 22:17-21; 23:11).
12. Pang-labin-dalawa, Siya ay nagpakita kay Esteban, sa labas ng Jerusalem (Mga Gawa 7:55), at kay Juan sa Isla ng Patmos (Apocalipsis 1:10-19).
Isa sa pinakamatibay na mga patunay na nakita ng mga kalalakihang ito ang bumangong si Kristo ay na silang lahat ay nagdusa ng kamatayan ng mga martir dahil sa pangangaral na nakita nila Siya pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay. Si Juan lamang ang nakatakas sa pagkamtay ng martir, ngunit halos hindi rin, ng siya’y itinapon sa kumukulong mantika.
Si Santiago, ang kalahating-kapatid ng Panginoon, ay itinapon mahigit pa sa 100 sukat ng paa mula sa tuktok ng templo at pagkatapos ay binugbog sa kamatayan gamit ang mga pamalo dahil sa pagpapangaral na ang kanyang kapatid ay bumangon mula sa pagkamatay.
Si Judas, isa na namang kalahating-kapatid ni Hesus ay, namatay sa mga tama ng mga pana dahil sa paglabag na itakwil na si Hesus, ang kanyang kalahating kapatid, ay bumangon mula sa pagkamatay.
Si Santiago, ang anak ni Zebedee, ay pinugutan ng ulo sa Jerusalem. Namamanghang nakinig ang Romanong sundalo na nagbantay kay Santiago habang inilahad ni Santiago ang muling pagkabuhay ni Kristo sa kanyang paglilitis. Sa ilang sandali, ang parehong Romanong sundalo ay lumakad sa tabi ni Santiago sa lugar ng pagbibitay. Ang sundalo ay nilamon ng kanyang pagkakumbinsi na kanyang inilahad ang kanyang sariling pananampalataya sa muling nabuhay na si Kristo sa hukom, at lumuhod sa tabi ni Santiago upang tangapin ang kamatayan ng isang martir, at pinugutan ng ulo bilang isang Kristiyano kasama si Santiago. Si Santiago ay pinugutan dahil sa pangangaral na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay.
Si Mateo, ay nagdusa ng kamatayan ng isang martir sa Ethiopia, namatay sa isang sugat ng espada, dahil ipinangaral niya ang muling pagbabagong loob ni Hesus.
Si Marcos namatay sa Alexandria, kinaladkad ng mga kabayo sa mga kalsada hangang sa siya ay namatay, dahil siya rin ay nangaral ng muling pagbabagong loob ni Hesus.
Si Lucas ay binitay sa leeg sa Gresya dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Hesus.
Si Juan ay ibinanling buhay sa isang malaking palanggana ng kumukulong mantika noong mga magkakasunod na pag-uusig, dahil ipinangaral niya ang muling pagkabuhay ni Kristo. Siya’y kahima-himalang nakawalang buhay, ngunit naging kakilakilabot na natakot sa natitira niyang buhay. Siya ay mayamayang ipinatapon sa Isla ng Patmos dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Kristo, kung saan siya ay namatay sa mahigit na 90 taong gulang. Siya ay pinahirapan at itinapon dahil sa pangangaral na si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay.
Si Pedro ay ipinako sa krus ng baligtad sa isang hugis-X na krus, dahil sinabi niya doon sa mga pumatay sa kanya na hindi siya nararapat na mamatay sa paraang katulad ng pagkamatay ni Hesus. Pinatay nila si Pedro dahil sa pangangaral na si Heus ay bumangon mula sa kamatayan.
Si Bartolomeo, kilala rin bilang Nataniyel, ay isang misyonaryo ng Romanong probinsya ng Asia. Siya ay hinagupit hangang kamatayan dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Hesus.
Si Tomas una ay pinagdudahan ang muling pagkabuhay ni Kristo, ngunit pagkatapos ay nakatagpo niya ang bumangong Tagapagligtas. Siya ay sinibat hangang kamatayan sa Indiya dahil sa pangangaral ng muling pagbabangon ni Hesus.
Si Matiyas, ang apostol ay napili upang palitan ang traidor na si Hudas, ay pinagbabato at pagkatapos ay pinugutan dahil sa pangangaral ng muling nabuhay na si Hesus.
Si Barnabas ay binato hangang sa kamatayan sa Salonika dahil sa pangangaral na ang katawan ni Hesus ay bumangon mula sa patay.
Si Pablo ay pinahirapan at pagkatapos ay binitay ng masamang Emperor na Nero sa Roma. Tiniis ni Pablo ang isang mahabang pagkabilanggo. Habang siya ay nasa bilangguan, isinulat ni Pablo ang Mga Liham ng Pagkabilanggo. Pinanhik ko at ni Gng. Hymers pababa ang isang hagdan papunta sa Bilangguan ng Mamertine, sa Roma, ilang taon dati, doon sa selda kung saan si Pablo ay itinago habang isinulat niya ang I at II Timoteo. Si Pablo ay inilabas sa labas noong madilim na bilangguan at pinugutan ng ulo ni Nero dahil sa pagtuturo at pangangaral na si Hesus ay bumangong pisikal mula sa pagkamatay.
Inilatag ng lahat ng mga Apostol na ito ang kanilang pinaka buhay para sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Kristo. Pagkatapos na bumangon si Hesus mula sa pagkamatay, nangaral ang mga Apostol kung saan saan, “Nakita namin ang Panginoon” (Juan 20:25). Lahat sila ay namatay na inihahayag ang sinabi ni Pedro at Juan noong sila ay dinakip dahil sa pangangaral ng muling pagkabuhay ni Kristo,
“Hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig” (Mga Gawa 4:20).
Nakilala nila si Kristo pagkatapos Niyang bumangon, at “napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw” (Mga Gawa 1:3). Hindi sila mapigilan mula sa pananalita tungkol sa mga bagay na nakita nila gamit ang sariling mga mata.
Maari mo ring makilala ang bumangong si Kristo, gaya nila. Gaya ng sinabi ni Dr. Elwell at Dr. Yarbrough, “Kung tatapak tayo sa labas ng ating pananampalataya tayo ay magiging bagong mga tao sa parehong paraan noong mga kakilala si Hesus habang siya ay asa lupa ay nag-ibang anyo noong isinuko nila ang kanilang mga puso sa kanya. Wala ng ibang paraan na matuklasaan kung sino talaga siya.”
Upang isarado ang paglilingkod na ito, si Gg. Griffith ay lalapit upang kantahin ang kanta ng ebanghelistang si Paul Rader muli. Maaring sumali sa koro.
Pinagmasdan Siya ni Maria, at “Panginoon!” tumangis,
Pagkatapos Siyang dumating mula sa libingan;
Biglaang tumayo si Hesus sa gitna nila,
Pumasok sa mahigpit na saradong silid.
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Nawasak ang matibay, mayelong hawak ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
Pinagmasdan Siya ni Pedro doon sa pampang,
Kumain kasama Siya doon sa dagat;
Sinasabi ni Hesus, na may labing minsa’y patay,
Pedro, mahal mo ba Ako?
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Nawasak ang matibay, mayelong hawak ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
Pinagmasdan Siya ni Tomas doon sa silid,
Tinawag Siyang kanyang Senyor at Panginoon,
Inilagay ang kanyang mga daliri sa mga butas
Gawa ng mga pako at espada.
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Nawasak ang matibay, mayelong hawak ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
(“Buhay Muli” isinalin mula sa “Alive Again”
ni Paul Rader, 1878-1938).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
I Mga Taga Corinto 15:1-8.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhay Muli” isinalin mula sa “Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).