Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




TUNAY NA KRISTIYANISMO – ISANG PASKO NG
PAGKABUHAY NA MENSAHE

REAL CHRISTIANITY – AN EASTER MESSAGE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipingaral sa Bapstist Tabernacle ng Los Angeles
ng gabi sa Araw ng Panginoon, ika-23 ng Marso taon 2008

“At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17).


Sa gabing ito, ako’y magsasalita sa paksa ng “Tunay na Kristiyanismo.” Mayroon tayong matinding kaganapan ng mapagkunwaring-Kristiyanismo at huwad na Kristiyanismo ngayon. Paano masasabi ang tunay mula sa huwad? Iyan ang aking paksa ngayong gabi. Bibigyan ko kayo ng apat na tunay na mga bagay na totoo sa wagas na ukol sa Bibliyang Kristiyanismo.

I. Una, ang tunay na Kristiyanismo ay nagtuturo na si Kristo ay talagang
bumangon mula sa pagkamatay.

Ang buong nilalaman ng bahaging ito sa I Mga Taga Corinto ay naglalahad na ang Apostol na si Pablo ay nagsasalita ng literal, at pisikal na pagbabangong muli ng katawan ni Kristo. Nagkaroon ako ng isang liberal na propesor sa isa sa mga seminariyong pinasukan ko na nagsbi na si Hesus ay bumangaon mula sa pagkamatay sa mga isipan ng mga Disipolo. Iyon ay isang nakalilinlang na paraan ng pagsasabi na ang Kanyang katawan ay hindi talaga bumangon, bumangon lang ito sa “isipan ng mga Disipolo.” Ngunit iyan ay hindi tunay sa mga katotohanan. Sa katunayan hindi naniwala ang mga Disipolo “sa kanilang isipan” na si Hesus ay bumangon mula sa kamatayan hangang sa pagkatapos na talagang nakita na nila Siya. Noon lamang na nakita nila Siya at nahawakan nila Siya na sa wakas, nagaalinlangang, naniwala na ang Kanyang katawan ay bumangon. Ang buong relihiyon ng Kristyanismo ay nakasalalay sa bagay na si Hesus ay totoong bumangong pisikal mula sa hukay. Noon lamang habang ang Kanyang mga tagasunod ay nakita si Kristo, at nasalubong si Kristo, na sila ay sa wakas naudyok na Siya ay bumangon. At hindi isang espiritu ang bumangon. Hindi sa kahit anong paraan. Noong nagpakita si Hesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay ng muli sa kanyang labing-isang mga Disipolo, sinabi Niya,

“Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa”
      (Lucas 24:36-40).

Nakita nila ang mga marka ng pako mula sa pagkapako sa Kanyang mga kamay at mga paa. Sinabi pa Niya sa Disipolong si Tomas, “Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin” (Juan 20:27).

Ang mga bersong ito ng Kasulatan ay nagpapakita na si Hesus ay talagang bumangon mula sa pagkamatay ng pisikal, ng pisikal mula sa libingan. At walang isang paraan upang maiwasan ang katotohanan na ang Kanayang katawan mismo ay bumangon, laman at buto, mula sa kamatayan. Ang pisikal na katawan ni Hesus ay bumangon mula sa kamatayan sa loob ng libingan kung saan inilibing Siya, ang libingan na sinelyado, na may mga Romanong mga bantay na binabantayan ito buong araw at gabi. Ngunit si Hesus ay bumangon at winasak ang mga gapos at humarap ng pisikal, bumangong muli mula sa kamatayan.

Iyan ang una kong punto. Naniniwala tayo sa pisikal na pagbabangong muli ni Hesu-Kristo dahil iyan ang sinasabi ng natala ng apat na Ebanghelyo. Hindi natin kailangan ng ibang patunay. Ito na ang paniniwala ng mga milyong mga tao mula sa araw na ang katawan ni Kristo ay lumakad palabas na buhay mula sa libingan. Ang lahat ng iba pa sa tunay na Kristyanismo ay tumatayo o bumabagsak sa talaan ng apat na Ebanghelyo, na nagsasabi sa ating Siya’y bumangon. Alisin ang milagro ng pisikal na muling pagbabangon ni Kristo at wala ng saligan ng kahit ano ang Kristiyanong mensahe. Naniniwala kami na ang muling pagbabangon ni Kristo ay isang tunay na muling pababangon ng Kanyang katawan. Hindi Siya isang espiritu; Siya na ngayon ay isang nabubuhay na tao na muling ibingangon mula sa kamatayan. Iyan ang katotohanang saligan ng Kristiyanong pananampalataya. Naniniwala kami sa muli pagbabangon ni Hesu-Kristo! Ginawang malinaw ito ng Apostol Pablo noong sinabi niya sa ating teksto,

“At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17).

II. Pangalawa, ang tunay na Kristiyanismo ay nagtuturo na si Kristo ay
talagang namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng kasalanan.

Naniniwala kami na si Hesu-Kristo ay namatay ng isang tunay na kahalileng pagkamatay upang bayaran ang ating mga kasalanan. Sinasabi ng Bibliya,

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).

Si Kristo ay tunay na namatay sa Krus, upang bayaran ang tunay na mga kasalanan ng mga tunay na makasalanan. Bukod pa rito, nagbuhos Siya ng tunay na Dugo sa Krus upang mahugasan ang tunay na mga makasalanan mula sa mga tunay na kasalanan. Ang mga ito ay hindi lamang mga marikit na mga kwento o mga kathang isip, ito ay mga katotohanan, at ang mga ito ay totoong mga bagay. Maniwala sa mga totoong bagay na ito tungkol sa tunay na bikaryong kahalileng pagkamatay, at maniwala sa nakalilinis na kapangyarihan ng Kanyang Dugo, at ikaw ay maliligtas. Tanggihan ang mga ito at ikaw ay matutungayaw. Ito ay lubhang totoo, at lubhang importante. Si Hesus Mismo ay nagsabing,

“Ang sumasampalataya…ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).

Ang iyong walang-hangang kapalaran ay nakasalalay sa iyong paniniwala sa mga tunay na mga bagay na ito tungkol sa pagkamatay ni Hesus; upang iligtas ka mula sa kasalanan, at pagkatapos sa pagpunta sa Kanya sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya, at pagbigay sa Kanya ng iyong puso at buhay. Pagkatapos ikaw ay talagang maliligtas.

III. Pangatlo, ang tunay na Kristiyanismo ay natuturo na kailangan mo ng
tunay na pagbabagong loob.

Aming pinanghahawakan na dapat kang maniwala sa mas higit pa sa mga pulos na mga bagay na ito tungkol kay Kristo. Mayroong mas higit pa rito kaysa sa paniniwala ng mga bagay na iyon. Kailangan mong lumapit kay Kristo at totoong makatagpo ang nabubuhay na Kristo, at sa ganitong paraan ay maging tunay na napagbagong loob. Walang huwad na pagbabagong loob ang maaring tanggapin. Ang kailangan mo ay isang tunay na pagbabagong loob, maari kang magkaroon nito kung ililigpit mo ang iyong kahambungan at kapinsalaan at lumapit kay Hesus, sa isang harapang pagtatagpo kasama ang nabubuhay na Kristo, ngayon ay nasa Langit at nasa kanang kamay ng Diyos. Huwag tatangap ng kahit anong kapalit para sa isang tunay na pagbabagong loob kay Kristo. Lahat ng kapalit ay makaliligtaang iligtas ka. Sinabi ni Hesus,

“Sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik…hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).

Walang kapalit para sa isang tunay na pagbabagong loob. Kung gayon dapat mong hanapin ang isang tunay na pagbabagong loob kay Kristong-Hesus. Kung mayroon kang huwad na pagbabagong loob mawawala mo ang iyong kaluluwa ng panghabang-buhay sa mga apoy ng Impiyerno, na madalas pag-usapan ni Kristo sa apat na mga Ebanghelyo. Sinabi ni Hesus,

“Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7).

Ang tunay na pagkapanganak ay nasa ibang panig ng pagbabagong loob. Dapat kang maipanganak muli at mapagbagong loob, o hindi ka maaring maging isang tunay na Kristiyano kahit gaano ka pa man magdasal at magpunta sa simbahan. Wala sa mga iyan ang makatutulong sa iyo nang kahit anong paraan maliban na lang kung ikaw ay tunay na maipanganak muli at mapagbagong loob, sa isang tunay na pagbabagong loob.

IV. Pang-apat, ang tunay na Kristiyanismo ay nagtuturo na ang isang tao na
tunay na napagbagong loob ay bubuhay ng isang tunay na
Kristiyanong buhay.

Maari ka lamang bumuhay ng isang tunay na Kristiyanong buhay pagkatapos mong pabagbagong loob. Maari kang maging relihiyoso ng hindi napagbabagong loob, ngunit wala sa mga ito ay totoo sa iyo hangang sa ikaw ay pumunta kay Kristo, at ihagis ang iyong sarili sa Kanya, at tangapin ang walang hangang buhay, isang bagong buhay, na papayagan kang bumuhay ng isang tunay na Kristiyanong buhay sa lokal na simbahan. Oo, naniniwala kami na maari ka lamang bumuhay ng isang tunay na Kristiyanong buhay pagkatapos mong maranasan ang isang tunay na pagbabagong loob. Sinabi ni Hesus,

“Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya” (Juan 3:36).

Mahal kong kaibigan, ito ay mga tunay na bagay, mga bagay na dapat mong tangapin ng masinsinan, at akapin bilang isang katunayan, kung mamanahin mo ang walang-hangang buhay. At lahat ng ito ay nag-uumpisa kung ikaw ay totoong maniwala na si Hesu-Kristo ay totoong pisikal na bumangon mula sa kamatayan. Sinasabi ng ating teksto,

“At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17).

“Kung si Kristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan [walang saysay, walang silbe].” Panalangin ko na makita mo ang kawalang kabuluhan ng buhay kung hindi ka pumunta sa bumangong Kristo at nagtiwala sa Kanya ng buong puso. Gawin iyan, at ang lahat noong ibang mga punto ay magiging malinaw, at ikaw ay mapagbabagong loob, pagiging isang tunay na Kristiyano ng unang beses sa iyong buhay. Naway ang muling nabuhay na Kristo ay maging isang nabubuhay na katotohanan sa iyong kaluluwa at sa iyong buhay. Gaya ng paglagay nito ng lumang-panahong ebanghelistang si Paul Rader, sa isa sa mga kanta niya,

Pinagmasdan Siya ni Maria, at “Panginoon!” tumangis,
   Pagkatapos Siyang dumating mula sa libingan;
Biglaang tumayo si Hesus sa gitna nila,
   Pumasok sa mahigpit na saradong silid.
Siyang namatay ay buhay muli!
   Siyang namatay ay buhay muli!
Nawasak ang matibay, mayelong hawak ng kamatayan –
   Siyang namatay ay buhay muli!

Pinagmasdan Siya ni Pedro doon sa pampang,
   Kumain kasama Siya doon sa dagat;
Sinasabi ni Hesus, na may labing minsa’y patay,
Pedro, mahal mo ba Ako?
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Nawasak ang matibay, mayelong hawak ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!

Pinagmasdan Siya ni Tomas doon sa silid,
Tinawag Siyang kanyang Senyor at Panginoon,
Inilagay ang kanyang mga daliri sa mga butas
Gawa ng mga pako at espada.
Siyang namatay ay buhay muli!
Siyang namatay ay buhay muli!
Nawasak ang matibay, mayelong hawak ng kamatayan –
Siyang namatay ay buhay muli!
(“Buhay Muli” isinalin mula sa “Alive Again” ni Paul Rader, 1878-1938).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:

Lucas 24:36-43.

Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:

“Buhay Muli” isinalin mula sa “Alive Again” (ni Paul Rader, 1878-1938).

ANG BALANGKAS NG

TUNAY NA KRISTIYANISMO – ISANG PASKO NG
PAGKABUHAY NA MENSAHE

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17).

I.   Una, ang tunay na Kristiyanismo ay nagtuturo na si Kristo
ay talagang bumangon mula sa pagkamatay,
Lucas 24:36-40; Juan 20:27.

II  Pangalawa, ang tunay na Kristiyanismo ay nagtuturo na
si Kristo ay talagang namatay sa Krus upang bayaran
ang multa ng kasalanan, I Mga Taga Corinto 15:3;
Marcos 16:16.

III. Pangatlo, ang tunay na Kristiyanismo ay natuturo na kailangan
mo ng tunay na pagbabagong loob, Mateo 18:3; Juan 3:7.

IV. Pang-apat, ang tunay na Kristiyanismo ay nagtuturo na ang
isang tao na tunay na napagbagong loob ay bubuhay ng isang
tunay na Kristiyanong buhay, Juan 3:36.