Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MADALIANG PANGANGAILANGAN NG MULING
PAGBABANGON NGAYON – HINANGO MULA KAY
DR. MARTYN LLYOD-JONES


THE URGENT NEED FOR REVIVAL TODAY –
ADAPTED FROM DR. MARTYN LLOYD-JONES

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles ng Umaga
sa Araw ng Panginoon, ika-20 ng Enero taon 2008

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno - KJV]” (Marcos 9:28-29).


Sa umagang ito bibigyan ko kayo ng isang tinalupang salin ng pangaral ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Ang Madaliang Pangangailangan ng Muling Pagbabangon Ngayon” (isinalin mula sa isinulat ni D. Martyn Llyod-Jones, M.D., Muling Pagbabangon, Crossway Books, 1994 printing, pp. 7-20). Iiwanan ko ang umpisa ng kanyang pangaral, at mag-uumpisa gamit ang kanyang paglalahad ng teksto. Babaguhin ko at aayusin ang ibang mga sinabi niya, habang sinusubukan ko ang lahat ng aking makakayang ibigay sa inyo ang damdam ng kanyang tanyag na pangaral. Si Dr. Lloyd-Jones ay naging isa sa mga pinakadakilang mangangaral ng pandalawampung siglo. Ang kanyang maagang paglilingkod ay namarkahan ng tunay na muling pagbabangon sa Wales at Inglatera. Mayroon siyang malawak na kaalaman sa mga Puritan at ang Dakilang Paggising ng ika-labing walong siglo. Maaring pakinggan natin siya ngayong umaga.

Tayo na’t mag-umpisa sa pamamagitan ng paggugunita sa pangyayaring ito sa Marcos 9, at pagkatapos ay ipagitna ang mga huling bersong ito,

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aanuyo - KJV]” (Marcos 9:28-29).

Sa pinaka-unang mga berso, tayo ay sinabihan kung paano ni Kristo kinuha si Pedro at Santiago at Juan at nagtungo sa “isang mataas na bundok malayo” sa kanila. At doon sa Bundok ng Pagbabagong Anyo nakita nila ang isang nakamamanghang mga pangyayari na nangyari doon. Ngunit noong sila ay bumababa mula sa bundok, nakahanap sila ng pulong ng mga tao na pinapaligiran ang mga naiwang disipolo, ng may maraming pagtatalo at pagtatanong. Si Hesus, Pedro, Santiago at Juan ay hindi maintindihan kung tungkol saan ang lahat ng ito. Bigla na lang isang lalake ang humakbang palabas ng pulong at nagsabi, “Sa isang paraan, ako ang may responsibilidad nito. Mayroon akong isang anak rito, isang kawawang batang lalake na nagkaroon ng pag-iihit, pag-atake ng kombulsiyon, mula pa sa kanyang pagkabata.” “At,”itinuloy niya, “dinala ko ang aking anak dito para pagalingin mo. Lumapit ako sa mga disipolo mo at wala silang magawa. Sinubukan nila, ngunit hindi sila nagwagi.”

Tinanong ni Kristo ang lalake ng ilang mga tanong, tumanggap ng tiyak na impormasiyon tungkol sa anak ng lalake, at pagkatapos ay napakasimpleng nagpatuloy sa pagtataboy ng demonyo palabas ng bata, at ang bata ay napagaling at nanumbalik sa ilang sandali.

Pagkatapos si Kristo ay pumunta sa bahay, at ang mga disipolo ay sumama sa kanya. At noong nakarating sila sa bahay, lumapit ang mga disipolo kay Kristo at nagsabing, “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” Madaling maintindihan ang kanilang naramdaman. Sinubukan nila ang lahat na kanilang makakaya upang maitaboy ang demonyo ngunit sila’y nabigo. Nagwagi sila sa maraming ibang sitwasyon, ngunit dito sila’y nabigo ng lubusan. At gayon man, sa ilang sandali, ng may matinding kadalian, nagsalita lang si Kristo ng isang salita at ang bata ay napalaya at napagaling. “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” ang sabi nila, at sumagot si Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno].”

Ngayon gusto kong kunin ang paglalarawan na ito at gamitin bilang isang tumpak na tanda ng ating problema ngayon. Dito, sa batang lalakeng ito, nakikita ko ang mga makabagong tao sa mundo na mga ligaw, kung sino ay nasa “silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban” (II Timoteo 2:26). At sa mga disipolo nakikita ko ang ating mga makabagong simbahan sa kasalukuyang oras. Hindi ba napaka-simpleng makita na ang simbahang nangangaral ng Ebanghelyo ay nabibigong kahabag-habag na mapagbagong loob ang mga ligaw? Sigurado na ang mga simbahan ay walang ebanghelistikong kapangyariahan na mayroon sila noon sang daan taon ang nakalipas. Pinapakita ng buong pangyayari na iyan ay totoo. At ngayon mayroon tayong mga simbahang, tulad ng mga disipolo, na ginagawa ang lahat ng makakaya, sa isang kamalayan na mas masikap kaysa kung papaano sila noon, at gayon man maliwanag na nabibigong pansinin ang mga ligaw. Kahit yoong mga kabataan na pinalaki sa isang simbahan ay karaniwang nawawala. [Tayo ay sinabihan ng mga mananaliksik na ang mga ebanghelikong simbahan ngayon ay nawawalan ng 88% ng kanilang kabataan bago nila marating ang edad na labin-lima, na hindi bumabalik kailanman.]* At nakikita natin iyan sa loob ng poot ng lahat ng ating ebanghelistikong gawain, gayon man hindi tayo nakakakita ng tagumpay. At kaya ang katanungan ngayon na dapat lang nating itanong, at itanong ng masinsinan ay “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” Ano ang problema? Ano ang nagdudulot ng ating pagkukulang? Ano ang dahilan ng pagkukulang ng ating ebanghelismo?

Dito sa ating teksto tila tinatalakay ni Kristo ang pinaka tanong na iyan. Pinaghiwahiwalay nila ang mga tanong sa tatlong mga pangunahing punto. Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? Ang unang sagot ay “ang ganito” ang diablo. Diyan ay mayroon tayong isang mahalagang pahayag. “Paano ito na siya’y hindi naming napalabas?” Sinabi ni Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno - KJV].” Sinasabi Niya sa kanila, sa ibang salita, na kailangan nilang matutunan na makita ang pagkakaiba sa pagitan ng isang kalagayan sa isa pa. Ang mga disipolo ay ipinadala ni Kristo upang mangaral at magpalayas ng mga demonyo, at nagawa nila ang mga bagay na iyon. At yumapak sila sa ibabaw ng mga ahas at mga alakdan “at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway” (Lucas 10:19). Bumalik sila na puno ng kasiglahan. Sinabi nila na mga demonyo mismo ay sumuko sa kanila, at nakita na nilang si Satanas mismong bumagsak sa harapan nila.

Kaya, noong dinala ng lalake ang kanyang sinapian ng demonyong anak na lalake sa kanila mayroon silang matinding paninigurado at lakas ng loob na kaya nilang palabasin ito. At gayon man, sa loob ng poot ng lahat ng kanilang mga pagsubok ang bata ay hindi gumaling. Siya ay kasing demonyo gaya ng siya ay unang dinala ng kanyang ama sa kanila. Sila ay nasa gulo, at tinulungan sila ni Kristo sa puntong ito. Sinabi niya, “Ang ganito” – ay mayroong pagkakaiba sa gitna nitong “ganito” at ng uring kinalakal ninyo noon, yoong mga napagtagumpayan ninyo.

Ito ay isang prinsipyo na hindi mo matiis mapansin sa pagbabasa ng Bagong Tipan. Ito, tulad ng ibang mga kalagayan, ay isang dulot ng isang pananapi ng demonyo. Ah, oo, ngunit may isang pagkakaiba sa gitna ng isang uri ng demonyo at ibang pa. Sa kaharian ng kasamaan ni Satanas mayroong mga baitangbaitang, iba-ibang mga uri ng demonyo. Ang Apostol Pablo ay nagsabing,

“Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.” (Mga Taga Efeso 6:12).

May mga uri ng demonyo, at ang puno nilang lahat ay si Satanas mismo,

“Pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway”
      (Mga Taga Efeso 2:2).

Doon kasama ni Satanas ang lahat ng kanyang malakas na kapangyarihan. Ngunit sa ilalim niya ay ang iba-iba pang mga uri ng demonyo, itong mga espiritu at kapangyarihan at mga lakas, alin ay may iba-ibang antas ng lakas at kapangyarihan.

Kung gayon napakadaling italakay ng mga disipolo yoong mas mahihina, at maging bihasa sa mga ito, at itaboy sila, papalabas. Ngunit dito, ay sinabi ni Kristo, ay isang demonyo ng matinding kapangyarihan. Hindi siya katulad noong ibang mas mahinang espiritu na inyong napalabas. “Ang ganito” ay lahat kakaiba, at kaya ay mas matinding problema.

Importante para sa atin na malaman ito, dahil ito ay tunay pa rin ngayon katulad kung paano ito noon. Ngunit ito ay pulos na pagkasira ng ulo at pagaaksaya ng lakas na subukan ang kahit anong uri ng gamot hanggang sa gumawa ka ng isang wagas na pagsusuri, hanggang sa alam mo na kung ano ang totoong dulot ng problema. Mayroong panganib sa pagmamadali sa gawain bago mo maisip ang lubusang taglay ng problema na alin ay iyong tinatalakay.

Kaya, habang tinitignan natin ang pahayag na, “ang ganito,” ako’y nagtataka kung batid ba ng mga Kristyano ang tunay na kalaliman ng problema na hinaharap natin, sa isang espiritwal na kaisipan, dito sa kasalukuyang panahon. Tinatanong ko ito dahil mukhang malinaw, mula sa gawain ng maraming Kristyano, na hindi pa nila naumpisahang maintindihan ang problema. Pumupunta sila agad sa paggamit ng mga tiyak na paraan ng ebanghelismo alin ay minsan maaring naging tagumpay, ngunit hindi nila naisip na hindi lang sila nagkulang palad, ngunit hindi sila magtatagumpay, dahil hindi nila naiintindihan ang taglay ng problemang humaharap sa kanila ngayon.

Noong dinala ng lalakeng ito ang kanyang anak sa mga disipolo nagkaroon ng isang malinaw na pangangailngan. Hindi alam ng mga disipolo kung ano ito. Ang problema natin ngayon ay pareho – ang malaman ang tiyak na taglay ng pangangailangan na ito. Ano ba talaga ito? Ang isang doktor ng medisina [si Dr. Lloyd-Jones na nagsanay ng medisina bago pa siya naging isang lingkod] ay dapat alam ng husto kung ano ang problema ng kanyang mga pasiyente bago pa siya mag-opera o magtakda ng reseta ng isang uri ng medisina o gamot. Kung hindi niya alam kung ano ang problema ng pasiyente, hangal na mag-umpisa na siyang mag-opera o magtakda ng reseta ng mga uri ng medisina.

Ngayon alam ng lahat na mayroong isang pangangailangan para sa ebanghelismo sa mga simbahan, alin ay hindi nangyayari. Ngunit ano ba talaga ang pangangailan na iyon? Nakikita ko ang isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng ngayon sa nakaraan. Pagbumalik ng dalawang daang taon, walang karaniwang pagkakaila ng Kristyanong pananampalataya. Karaniwan na hindi lang talaga ito sinasanay ng mga tao. Higit o kulang nilang pinaniniwalaan ito. Ang kailangan mo lang gawin ay istorbohin sila at gisingin sila mula sa kanilang tulog. Ang kailangan mo lang sa panahon na iyon ay isang napapanahong ebanghelistikong pangangampanya upang mapukaw ang mga tao at magising sila. At iyan ay sapat na – noon.

Ngunit ang tanong ay kung iyan pa rin ba ang solusyon. Ano “ang ganito”? Ano ang demonyong suliranin na ating hinaharap ngayon? Nadarama ko na ang demonyong suliranin na hinaharap natin ay magkasabay na masmalalim at mas-walang pag-asa kaysa kahit anong humarap sa mga Kristyanong simbahan ng maraming mga siglo. Ang problema sa atin ay hindi lamang kapabayaan. Ito ay mas higit na mas malalim at nauukol sa diablo, at dinemonyong masama. Para sa akin mukhang maging isang lubusang pagkawalan ng malay, pati isang pagtanggi, ng espiritwal na mga bagay sabay-sabay. Ang buong kaisipan ng espiritwal ngayon ay wala na. Ang pinaka paniniwala sa Diyos ng Bibliya ay halos naglaho na. Hindi natin kailangang hanapin ang mga nagdulot nito, ngunit ang katotohanan ay ang karaniwang tao ngayon ay naniniwala na lahat nitong paniniwala pa tungkol sa Diyos at kaligtasan, at ang lahat ng turo ng simbahan, ay isang bagay na walang lugar sa ating sekular na lipunan, o sa ating buhay sa karaniwan. Ang karaniwang tao ay naniniwala na ang Kristyanong relihiyon ay pumipigil, tumatangan, sa pag-usbong at pagsulong ng katauhan. Iniisip nila na ang Kristyanismo ay delikado, at dapat ay alisin ng sabay-sabay. Ayaw ng makabagong tao ang Kristyanismo at tinitiwalag ito ng lubusan mula sa kanyang buhay at isipan. [Siguradong, kayong mga kabataan na pumapasok sa isang sekular na kolehiyo ay alam na si Dr. Lloyd-Jones ay tama. Hindi ba?]

Ang Bibliya, gaya ng Salita ng Diyos, ay nilalabanan na nagkakaroon ng maraming kamalian. Ang pagkadyos ni Kristo bilang isang Diyos-na-tao ay pinagkakaila. Ang kanyang birhen na pagkapanganak ay pinagkakaila. Ang kanyang pagkakasundo sa Krus upang bayaran ang multa ng ating kasalanan ay pinagkakaila. Lahat iyan na talagang mahalaga sa atin na tungkol kay Kristo ay pinagkakaila, at si Kristo ay ibinaba sa isang pulos na taong halimbawa, o isang dakilang guro, siguradong hindi isang Diyos sa loob ng laman ng tao. Siguradong hindi upang sundin bilang isang May-gawa ng Sanlibutan!

At pagkatapos, tayo ay hinaharap ng paraan ng buhay ng tao. Hindi na lamang ito isang tanong ng imoralidad. Ito ay naging isang lipunan na wala ng dangal o wala ng moral. Ang pinaka isipan ng “moralidad” ay hindi na kinikilala ng tao ng lubusan.

Ngayon, siguradong, panahon na na tayong mga Kristyano ay magkaroon ng masma-iging pang-unawa ng labag sa Kristyanong pag-iisip na tumatayo laban sa atin dito sa walang-diyos na lipunan. Walang ibig-sabihin ang ating Ebanghelyo sa kanila. Marami silang pera. Kaya nilang bilhin ang kahit anong gusto nila, wala silang pag-aalala para sa mga bagay na espiritwal – gaya ng pagdarasal, ang kamatayan ni Kristo bilang pagkakasundo para sa mga kasalanan, ang pangangailangan ng mga tao sa simbahan – wala silang hangad sa kahit anong mga ito: walang hangad sa kanilang mga kaluluwa, walang hangad sa kapisanan kasama ang Diyos. Ang kanilang mga hangad lamang ay sa pagkain, pag-inom, pagkakaron ng walang kabuluhang pagtatalik, pang-aaliw ng sarili, pangunguna sa negosyo upang sila ay yumaman at masiyahan sa buhay – sa mundo! Nasa kanila na ang mga gusto nila, at ang lahat na hindi nila maantay na gawin ay ang kumapit rito, at itago ito hangang sa makakaya nila.

Pagkatapos diyan, gaya ng pagkakita ko nito, ay “ang ganito” – ang demonyong suliranin alin ay hinaharap natin kapag sinusubukan nating pagbaguhing loob ang makabagong Makanlurang mundo ngayon. Ngayon, mahalagang maunawaan ito dahil nagpatuloy si Kristo sa pagsabing, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno - KJV].”

Ang kapangyarihan na mayroon ang mga disipolo ay isang mabuting kapangyarihan, at ito ay sapat na upang magpalayas ng mga mahihinang demonyo, ngunit wala itong kakayahan upang tulungan ang batang ito. Hangang sa ikaw at ako’y makita ito, hangang sa makita natin ang mas matinding pangangailangan na mayroon tayo sa ebanghelismo ngayon, tayo ay magpapatuloy na lubusang walang-bisang makakita ng mga pagbabagong loob, sa tunay na muling pagbabangon.

Ano ang ilang mga bagay na walang kabuluhan? Ako’y magsisimula sa apolohetiko, pananalita laban sa – isang saklaw na sumusubok na magpatunay na ang Kristyanong pananampalataya ay talagang katanggap-tanggap ngayon. Hindi lang talaga ito gumagana. Ibig kong sabihin hindi nito nahihikayat ang karaniwang tao. Hindi nagkabisa sa kanya ang mga librong “nagpapatunay” ng Kristyanong pananampalataya. Ang nag-iisang halaga ng apolohetiko ay ang magpatibay ng pananampalataya ng isang tao na Kristyano na. Kakaunti ang naakit ang loob nito. Kakaunti ang napapagbagong loob nito.

Paano naman ang mga “makabagong” Bibliya? Tayo ay sinabihan na ang makabagong bersyon ay makatutulong sa mga taong maligatas mula sa “ganito.” Ngunit hindi ko ito nakikitang nangyayari. Lahat ay bumibili ng mga “bagong pagsasalin,” ngunit binabasa ba nila ito? At kung binabasa nga nila, natutulungan ba sila nito? Mahirap ba ang lumang lenguahe ng King James? Hindi. Ito ay magaling kailanman. Ano man ang kanilang binibigyang halaga, ang mga bagong bersyon ay hindi makalulutas ng mga problema.

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno - KJV]”
      (Marcos 9:29).

[Sigurado akong isasali ng Doktor ang isang talata sa musika kung ibinigay niya ang pangaral na ito ngayon. Madalas siyang sumulat ng papuna sa makabagong musika. Pakiramdam niya marami masyadong musika sa mga paglilingkod at na madalas ito ay makamundo. Dapat nating tanongin ang ating mga sarili, Ito bang pagdidiin na ito sa musika ay nakatutulong ng tao? Naidadala ba nito ang mga tao mula sa mundo patungo sa isang Kristyanong pagbabagong loob? O nakalilihis ito mula sa mensahe ng Ebanghelyo? Naiisip ko na sasabihin ng Doktor na nakalilihis at hindi nakatutulong.

]

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno - KJV]”
      (Marcos 9:29).

Muli, ang sinasabi nila ay kailangan natin ng bagong panitikan at bagong mga maiiksing sulatin. At sila’y nagsi-alis upang mamigay ng mga maiiksing sulatin. Sinusulat nila ito sa isang sikat na anyo. Ngayon maiintindihan na ng mga tao ang mensahe, ang sabi nila. Ngunit nakikita natin na ang mga maiikling sulatin ay halos walang halaga ngayon. [Sinabi nila na halos palagi nilang inilalahad ang isang “desisiyonistang” mensahe, at hindi naman ito binabasa ng tao.] Hindi sila ang sagot.

Pagkatapos ay mayroong mga kilalang ebanghelistikong pagpupulong. Bawat paraan na kilala ng makabagong tao ay inilalagay sa mga pagpupulong ito. Ngunit naisip ko na ang oras ay dumating na upang itanong ang simpleng katanungan: Ano ang mga resulta? Ang makabagong “ganito” ay natatalakay ba? Mayroon bang kahit sinong naidadagdag, maliban na lang siguro ang iilan na nasa simbahan na? [Natulungan na ba tayo ng kilusan ni Billy Graham? Naging epektibo ba ang mga Pista ni Franklin Graham? Nakadagdag na ba sina Robert Schuller o Benny Hinn ng marami (kung mayroon man) sa kanilang lokal na simbahan na dati ay hindi masimbahan? Nakadaragdag ba si Rick Warren ng maraming bagong, hindi masimbahang tao sa mga simbahan? O sa karamihan ay naglilipat ng malaking bilang ng mga tao mula sa ibang mga simbahan? May kilala ba kayong maraming pumapasok mula sa mundo papunta sa kanilang mga pagpupulong? May kilala ba kayong kahit sino? Sa lahat ng nagawa nila ang mga resulta ay nakaaawang maliit.]** Ang lipunan ba ay natatamaan gamit ng lahat ng ating mga gawain?

Ang sagot ko ay ang lahat ng mga gawaing ito ay nalalagay sa parehong posisyon ng mga disipolo noong sinabi nilang, “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” Sa anong paraan ngayon sila mapalalabas?

“Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno - KJV]”
      (Marcos 9:29).

Nagkulang kayo diyan, ang sinabi ni Hesus sa naging bunga ng kanyang mga disipolo, dahil wala kayong sapat na kapangyarihan mula sa Diyos. Hindi ninyo kailanman malalabanan “ang ganito” maliban na lang kung nakapagdasal kayo sa Diyos ng masikap para sa paghihikayat at pagbabagong loob na kapangyarihan ng pagbabangong muli. Dapat mong matanto na ikaw ay hinaharap ng isang masamang kapangyarihan na masyadong malakas para sa iyong mga paraan upang mapalabas ito, o malabanan. Kailangan mo ng isang bagay na makapupunta sa ilalim niyang masamang kapangyarihan, at durugin ito, at mayroon lamang iisang bagay na makagagawa nito, at iyan ang kapangyarihan ng Diyos.

Kailangan nating madama ang ating kawalan ng kapangyarihan hangang sa mawalan tayo ng pag-asa. Kailangang lubusan at buongbuong mahikayat tayo ng ating pangangailangan. Kailangan nating matanto na kahit anong dakila “ang” ganito ay, ang kapangyarihan ng Diyos ay walang hanganang mas dakila. Kailangan natin ng isang kapangyarihan na makapapasok sa mga kaluluwa ng mga tao at sirain at basagin sila at pakumbabahin sila, at ipakilala sila sa kanilang kasalanan, at pagkatapos ay gawin silang bagong mga likha. At kailangan nating tapangan ang loob na ang mayroon ang Diyos nitong kapangyarihan na ito kasing dami’t lakas ngayon gaya noong mayroon Siya isang daang taon ang nakalipas, at dalawang daang taon ang nakalipas. At kaya kailangan tayong magsimulang magdasal para sa kapangyarihan ng Diyos na hikayatin ang tao ng kanilang kasalanan at pagbaguhing loob sila kay Kristo.

Kailangang gawin natin ang hindi natin magawa sa sarili natin – pagbaguhing loob ang mga nawawalang makasalanan mula sa kamalian ng kanilang masasamang puso. Ang Diyos lamang ang makapaglalaban ng “ganito.” At ang Diyos ang may kapangyarihan ngayon, kasing higit ng mayroon Siya sa panahon ni Kristo, kasing higit ng mayroon Siya sa panahon ni Edwards at Whitefield at Wesley! Ang Diyos ay may parehong kapangyarihan ngayon!

Hindi marapat tayong maging interesado sa tunay na pagbabagong loob hangang sa matanto natin ang kawalan ng kabuluhan, ang inutilan ng lahat ng ating mga gawain at pagsisikap at ang lubos at buong pangangailangan ng panalangin, at paghahanap ng nakapagbabagong loob na kapangyarihan ng Diyos lamang.

“Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno - KJV]”
      (Marcos 9:28-29).

*Impormasyon ng mananaliksik na si George Barna.
** Ang bahaging itong idinagadag ni Dr. Hymers, sa diwa, kung hindi sa salita, ni Dr.
    Lloyd-Jones. Nagsulat ang Doktor laban sa “desisyonistang” sistema at nakahiwalay
    mula kay Billy Graham sa ibabaw nito.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Lucas 11:1-13.
Kumantang Mag-isa Bago ang Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buhayin Muli Ang Iyong Gawa” (isinalin mula sa
“Revive Thy Work” ni Albert Midlane, 1825-1909).