Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG SALITANG GINAWANG KATAWAN – THE WORD MADE FLESH – A CHRISTMAS SERMON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14). |
Ang tag-init na tirahan ng Reyna ng Inglatera ay sa Palasyong Balmoral sa Scotland. Kapag ang Reyna Victoria ay naroon, minsan ay lumalakad siya sa labas sa mga lupain ng palasyong nakabalatkayo sa lumang pananamit. Ang kaniyang gwardyang si John Brown ay sumusunod sa kanya. Habang siya ay naglalakad sa daan narating niya ang isang kawan ng mga tupang gabay ng isang batang lalake. Sumigaw siya sa kanya, “Umalis ka sa daan, matandang gungong.” Ngumiti lang Reyna, ngunit hindi nagsalita. Ilang sandali ang lumipas ang kanyang gwardya ay lumapit sa bata at nagsabing, “Tumahimik ka, iyan ay ang Reyna.” “Dapat siyang manamit tulad ng isang reyna!” sagot ng bata.
Ganoon din kay Hesus.
“Siya’y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta’y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan”
(Juan 1:10).
“Siya’y naparito sa sariling kaniya, at siya’y hindi tinaggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11).
Ang “sanglibutan [sa karamiha’y, di] siya nakilala.” Sa karamihan, ang kanyang sariling mga tao’y “hindi [siya] tinaggap […].”
Sa unang Pasko, ang hinanap ni Haring Herodes “ang sanggol upang siya’y puksain” (Mateo 2:13). Hindi ito naiiba ngayon. Bawat taon tuwing Pasko, ang mga tao ng mundong ito’y tinatanggihan Siya. Para sa kanila ang Pasko ay isa lamang “pista,” simpleng panahon upang magbakasyon, at makakita ng magkakasamang walang halagang mga pelikula, magpunta sa Las Vegas, o malasing. Ngunit doon sa mga tumanggap kay Kristo, ito’y isang panahon upang magpunta sa simbahan sa Linggo ng Pasko, at tandaan na ang
“nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan”
(Juan 1:14).
Iyan ang isa sa pinakamalalim na berso sa lahat ng Bibliya. Gayon man nabibigay ito ng isa sa pinakamalinaw na salaysay tungkol sa pagkakatawang tao ni Hesu-Kristo. Hindi ko mailabas ang lahat ng kabuuan ng tekstong ito sa isang sermon. Ngunit bibigyan ko kayo ng tatlong pangunahing mga kaisipan mula rito.
I. Una, si Kristo ang walang hanggang Salita ng Diyos.
Ang teksto’y nagsimula sa “[…] ang Verbo [salita]” sa orihinal na Griyego ay “Logos.” Ibig-sabihin nito’y “salita, kaisipan, pananaw, at pagpapahayag nito,” ang sinasabi ni Dr. Ryrie (isinalin mula sa The Ryrie Study Bible, Moody Press, 1978, sulat sa Juan 1:1). Ginamit ng mga Griyegong pilosopo ang salitang “Logos,” ngunit ang kanilang kaisipan sa “verbo [salita]” ay malayang naiiba mula sa ibig sabihin ni Juan rito. Sinabi ni Dr. Criswell,
Sa kabuuan, ang salita ay nagpapakita sa isang kakaibang pag-uusap. Pinatutunayan ni Juan na noong hiniling ng Diyos na ipamigay ang mahalagang pag-uusap tungkol sa Kanya sa tao, naisagawa Niya ito sa katawang tao (isinalin v. 14) sa pamamagitan ng Logos…inihayag ni Juan na mula sa umpisa na ang Logos ay namamalagi. Siya’y walang iba kundi ang Diyos Mismo, hindi lamang dinadala ang Salita kundi isinasali ito sa Kanyang sariling tao, buhay at nilalang. Dagdag pa rito, ang Logos ay “nakaharap” sa Diyos na nagpapakita ng isang pagkakaiba ng mga tao sa loob ng punongDiyos [ang Santisima Trinidad]. Panghuli ang Logos ay isang walang hanggang Diyos. Wala kailan mang panahon na ang Logos ay hindi pulos na Diyos. Bilang resulta, maoobserbahan ng isa iyan sa pinaka panimula ng ebanghelyo ni Juan sinasabi niya ang kanyang pananaw, partikular na si Hesus ay ang walang hanggang Diyos ng panahon na dumating sa katawang tao. Ito rin ay ang panghuling pagsubok ng pagkatradisiyonal. Ang isa ay hindi maaring manghawak ng isang [huwad] na Kristolohiyo [Christology] [isang huwad na pananaw ni Kristo] at sa kasabay nito’y maging tama sa ibang mahalagang elemento ng teyolohiya. [Ang pananaw kay Kristo na pinanghahawakan ng isa] ay ang huling pagsubok ng pagkatradisiyonal [ang huling pagsubok maging ang iyong paniniwala ay totoo sa mga Banal na Kasulatan]. Ang isa’y hindi maaring makapanghawakan ng isang [huwad na pananaw kay Kristo] at sa parehong beses ay maging tama sa ibang punto ng [Kristiyanong pananampalataya] (isinalin mula sa isinulat ni W. A. Criswell, Ph.D., The Criswell Study Bible, Thomas Nelson Publications, 1979, sulat sa Juan 1:1).
Ang dahilan na ang salitang “Pasko” ay napalitan ng “mga pista” ay dahil ayaw ng mga taong isipin ang pagkapanganak ni Kristo. Sila’y naiinis sa pinaka salitang “Pasko” dahil ito’y nagpapaalala sa kanila ng “Verbo [Salita].” Sila’y nagrerebelde laban sa isipan na si Hesus ay ang Salita ng Diyos, ang espesyal na pahayag ng Diyos. Sa ibabaw ng lahat, sila’y nagsihiyaw at nakikipaglaban laban kay Kristo bilang ang Tanging Salita ng Diyos sa ating bumagsak na sanglibutan. Dahil sa ating teksto tinawag si Hesus ang “Verbo [Salita].” Si Kristo bilang “ang Verbo [Salita] ay masyadong espesyal at makitid para sa kanilang binulag ng kasalanang mga isipang makaintindi, dahil Siya ay “ang Verbo [Salita].” Tinatangi Niya ang lahat ng iba pang mga “salita.” Kung Siya ay “ang Verbo [Salita],” tinatangi Niya ang kaisipan ng mga matatandang rabay na Siya ay isang impostor. Kung Siya ay “ang Verbo [Salita],” tinatangi Niya ang ideya ng mga Muslim na Siya ay isang simpleng propeta. Kung Siya ay “ang Verbo [Salita],” tinatanggi Niya ang pananaw ng mga Saksi ni Jehovah sa Kanya bilang isang simpleng nilikhang nilalang. Kung Siya ay “ang Verbo [Salita],” tinatanggi Niya ang liberal na pananaw sa Kanya bilang isang simpleng dakilang halimbawa. Kung Siya’y “ang Verbo [Salita],” tinatanggi Niya ang “Espiritung-Kristo” ng maraming mga Pentekostal at Karismatiko. Dahil, gaya ng sinabi ni Dr. Criswell, Sa kabuuan, ang salita ay nagpapakita sa isang kakaibang pag-uusap” – at iyang kakaibang, nag-iisang uring, pakikipag-usap sa tao ay si Hesu-Kristo, ang walang hanggang Salit ng Diyos! Lahat ng kailangan nating malaman tungkol sa Diyos at tao ay sinabi sa atin sa mga Banal na Kasulatan sa pamamagitan ni Hesus – ang Salita ng Diyos.
At “ang Verbo [Salita]” ay walang hangganan. Wala kailan man isang panahon na si Kristo ang Logos ay hindi namalagi. Sinasabi ng Bibliya,
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).
Hindi na ang Salita ay “isang” diyos, gaya ng maling pagsasaling ng mga Saksi ni Jehovah sa Juan 1:1, sa kanilang sariling pagkasira. Ang Griyegong pagkagawa ay maari lamang totoong maibigay bilang ganito sa Bibliyang King James, “at ang Verbo ay sumasa Dios” (Juan 1:1). Hindi na Siya ay parehong “tao” gaya ng Ama o ng Banal na Espiritu, ngunit kahit na nagkakaroon ng parehong “kahulugan” kasami nila, Siya mag-isa ay ang banal na Logos – ang walang hanganang Salita – ang Pangalawang Tao ng Santisima Trinidad.
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).
Gayon, ang tanging tunay na Biblikal na posisiyon ay na si Hesus ay ang walang hanganang Salita, ang una at huling pagkikipag-usap ng Diyos sa makasalanang tao. Siya ay ang walang hangang Logos, ang walang hangang Salita, alin ay sumalita ng sanglibutan sa pagkabuhay nito. At si Hesus ay nagpapatuloy sa buong walang hanggan bilang Pangalawang Tao ng Santisima Trinidad. Sa katapusan ng panahong ito, sa Aklat ng Apocalipsis, tinatawag Siya ng Bibliyang, “Ang Verbo ng Diyos” (Apocalipsi 19:13). Mula sa walang hanggang nakaraan hangang sa walang hangang hinaharap si Hesus ay ang Salita ng Diyos!
Pansinin na ang Apostol, sa Aklat ng mga Hebreo, ay nagsasabi na ang Diyos,
“Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak…na sa pamamagitan niya’y ginawa ang sanglibutan” (Sa Mga Hebreo 1:2).
Kung gayon, prinoproklama natin ng may lubusang kasiguraduhan na si Hesus ay “ang Verbo [Salita],” ang walang hanggang Logos, at na walang tao, o kahit anong ibang relihiyon o politikal na pinuno o pilosopo sa buong kasaysayan, ay makagagawa ng ganoong deklarasyon ng pagiging “ang Verbo [Salita]” ng nabubuhay na Diyos, ang Pangalawang Tao ng Santisima Trinidad. Mula sa walang hangganang nakaraan hanggang sa panahon ng walang hangganang hinaharap mayroon lamang isang walang hanggang Salita – ang Kanyang pangalan ay Hesus!
II. Pangalawa, si Kristo ay ang nagkatawang taong Salita ng Diyos.
Pagtumitingin pabalik sa ating teksto, nakikita natin na Siya’y hindi lamang ang walang hangang Salita, kundi na Siya rin ay nagkatawang taong Salita. Ang salitang “nagkatawang tao” ay nangangahulugang “dinamitan ng laman.” Totoo, ang salitang “nagkatawang tao” ay hindi nagpapakita sa Bibliya, ngunit ang paglalarawan ng pagkakatawang tao ay nakikita ng paulit-ulit sa Banal na Kasulatan. Ang salitang “pagkakatawang tao” ay ginagamit ng mga dalubhasa ng Bibliya upang ipaliwanag ang ibig sabihin n gating teksto, alin ay nagsasabing,
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin”
(Juan 1:14).
Ang pinaka Salita ng Diyos, na namalagi kasama ng Ama at ng Espiritu Santo mula “nang pasimula” (v. 1) bumaba mula sa Kanyang upuan sa kanang kamay ng Diyos at nabuhay sa gitna natin sa katawang tao. Iyan mismo ang sinasabi ng ating teksto,
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin”
(Juan 1:14).
Sinabi ni Arthur W. Pink,
Ang walang katapusan ay naging may katapusan. Ang di-nakikita ay naging nahahawakan. Ang nakabubuhay ay naging aantabayanan. Iyon na malayo ay naging [malapit]. Iyon na malayo sa abot ng taong isipan ay naging iyon na [nakikita]… “Nagkatwang-tao ang Verbo:” Siya’y naging isang hindi Siya noon naging. Hindi Siya natigil maging Diyos, ngunit Siya’y naging isang tao (isinalin mula sa isinulat ni Arthur W. Pink, Exposition of the Gospel of John, Zondervan, 1971, p. 32).
Sa mahinang manatiling pagkakaugnay ng Diyos at tao, sa sinapupunan ng Birhen, si Hesus ay naging taong-Diyos! Siya ay lubusang Diyos at lubusang tao sa pagkakatawang-tao, noong Siya ay ipinanganak ng Birhen isang gabi sa maliit na barangay ng Bethlehem. Sa gabing iyong isang bagong nilalang ay nagpakita sa lupa, na hindi kailan man nakita ng tao. Iyong gabing, si Hesus, ang taong-Diyos, ay ipinanganak sa isang sabsaban at nakabalot ng pira-pirasong mga tela, at nakahiga sa isang batyang pinag-iinuman ng mga hayop, dahil wala ng silid sa bahay-panuluyan. Dito sa mapakumbabang lugar, sa Salita ng Diyos naging isang tao, at nagsimula ang Kanyang buhay sa gitna natin bilang ang tanging taong-Diyos na hindi pa kailan man nabuhay sa lupang ito!
“Datapwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganal ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan” (Mga Taga Galacia 4:4).
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan”
(Juan 1:14).
Iyan ang ibig sabihin ni Charles Wesley,
Si Kristo, sa pinakamataas na langit ay sinasamba;
Si Kristo Walang Hangganang Panginoon!
Palipas ng panahon panoorin Siyang dumating,
Inianak ng sinapupunan ng Birhen:
Nakatalukbong ng laman ang punong-Diyos tignan;
Hirangin ang nagkatawang-taong kabanalan,
Maligaya bilang tao kasama ng mga taong upang manirahan,
Si Hesus, ating Emanuel,
(“Dinggin, ang May-dala ng Mensaheng mga Anghel Nagsisikanta”
isinalin mula sa “Hark, the Herald Angels Sing”
ni Charles Wesley, 1707-1788).
Ngunit mayroong isa pang kaisipan na gusto kong makita ninyo sa ating teksto.
III. Pangatlo, si Kristo ay ang nalalapitang Salita ng Diyos.
Tumingin sa ating teksto, sa Juan 1:14. Magsitayo at basahin ito ng malakas.
“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan”
(Juan 1:14).
Maari nang magsi-upo. Maraming mga bagay sa katapusan ng bersong ito na maari akong magkumento, ngunit gusto kong pag-isipan natin ang isa sa mga bagay na sinabi ni Juan. Siya’y isa lamang binata noong si Kristo ay nasa lupa, gayon nagawa niya itong nakamamanghang salaysay na “ang Verbo, at tumahan sa gitna natin at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian” (Juan 1:14). Sinasabi sa atin ni Juan na nabuhay siya kasama ni Kristo at personal na nakita ang Kanyang kaluwalhatian. Si Juan ay hindi sumusulat ng tungkol sa isang teyoriya ng pilosopiya. Siya ay naroon! Siya ay nabuhay kasama ni Kristo! Nakita niya mismo ang kaluwahatian ni Kristo! Alam niya na si Kristo ay ang walang hangganang Salitang ginawang laman dahil nakita niya si Kristo, dahil nakita niya mismo ang kaluwalhatian ni Kristo.
Bandang huli, sa kanyang Sulat, sinabi ni Juan,
“Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay” (I Juan 1:1).
Doon muli, tinatawag ni Juan si Hesus ang “Salita” – ang “Salita ng Buhay.” Ipinapakita nito sa atin na si nalalapitan si Hesus. Siya ay hindi isang miteryosong Logos ng Philo o ang mga Griyegong pilosopo – ilang mga espiritu “salita” na hindi natin talaga malalaman. Maari rin nating makilala si Hesus gaya ni Juan. Ginawa niya itong malinaw sa I Juan 1:3.
“Yaong aming pakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo” (I Juan 1:3).
Sinasabi ni Juan sa iyo na ikaw rin ay maaring magkaroon ng pakikisama “sa amin” at “sa kaniyang Anak na si Hesu-Kristo.”
Ngunit upang magkaroon ng yaong uri ng pakikisama kay Hesus, dapat kang mapagbagong loob. Dapat kang makumbinse ng kaitiman ng iyong kasalanan. Dapat mong makita ang kasamaan ng iyong sariling masamang puso. Dapat mong pandirian ang iyong pagkamakasalanang sarili. Dapat kang lumapit kay Hesus at magtiwala sa Kanya. Pagkatapos ang iyong mga kasalanan ay malilinisan ng Kanyang Dugo, ibinuhos sa Krus. Pagkatapos, ikaw rin ay magsasabing, “[Siya’y] tumahan sa gitna natin at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian.” Iyan ang dahilan kung bakit itinutulak naming kayong lumayo mula sa makasalanan at mayabang na Amerikanong “pista” at tumingin kay Kristo, at mapagbagong loob. Iyan ang dahilan na itinutulak naming kayong hanapin si Kristo ng buong puso hanggang sa mahanap mo Siya. Dahil sinabi Niya sa pamamagitan ng propetang Jeremias,
“At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong siyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Hanapin mo Siya hanggang sa mahanap mo Siya!
Kaya sinasabi naming na dapat nandito ka sa simbahan para sa dakilang Paskong hapunan sa gabi ng Linggo, ika-23 ng Disyembre, 6:00 ng gabi. Sumama sa mga tao ng Diyos sa gabi ng Linggo ng Pasko. Ito’y maging isang paraan ng biyaya sa iyo habang hinahanap mo si Hesus. Huwag mong payagan ang kahit anong pigilan ka mula sa pagpunta rito para sa pangangaral, ang pagkakanta, ang pagsasamba ng walang hanggang Salita ng Diyos, ang Panginoong Hesu-Kristo! Gaya ng paglagay nito noong lumang paskong kanta,
Salita ng Ama, Ngayon sa katawan ay nagpapakita;
O humayo’t sambahin Siya, O humayo’t sambahin Siya,
O humayo’t sambahin Siya, si Kristo ang Panginoon.
(“O Humayo, Lahat Kayong Nananampalataya”
isinalin mula sa “O Come, All Ye Faithful,”
isinalin ni Frederick Oakeley, 1802-1880).
(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 1:1-14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dinggin, ang May-dala ng Mensaheng mga Anghel Nagsisikanta”
isinalin mula sa “Hark, the Herald Angels Sing” (ni Charles Wesley, 1707-1788)/
“O Humayo, Lahat Kayong Nananampalataya” isinalin mula sa “O Come, All Ye Faithful”
(isinalin ni Frederick Oakeley, 1802-1880).
ANG BALANGKAS NG ANG SALITANG GINAWANG KATAWAN – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14). (Juan 1:10, 11; Mateo 2:13) I. Una, si Kristo ang walang hanggang Salita ng Diyos, Juan 1:14a, 1; II. Pangalawa, si Kristo ay ang nagkatawang taong Salita ng Diyos, III. Pangatlo, si Kristo ay ang nalalapitang Salita ng Diyos, Juan 1:14c; |