Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG DI-NAGBABAGONG KRISTO – THE UNCHANGEABLE CHRIST – A CHRISTMAS SERMON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at |
Iyo’y isang madilim na gabi na ang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa mga pastol at inihayag ang pagkapanganak ni Kristo. Ang mundo ay madilim muli ngayon. Ito’y laban sa kalagayan ng mundong ito sa kadiliman na ang Paskong mensahe ay nagkakahulugan.
Si Dr. Carl F. H. Henry ay isang tanyag na ebanghelikal na teyolohiyan ng ika-dalawam pung siglo. Tungo sa katapusan ng kanyang buhay sumulat si Dr. Henry ng isang aklat na tinatawag na Hating Gabi ng isang Dakilang Sibilisasiyon [Twilight of a Great Civilization]. Narito ay ilan sa mga pagsisipi mula rito. Sinabi ni Dr. Henry,
Ang ating generasyon ay naliligaw sa katotohanan ng Diyos…Dahil sa kawalang ito ito’y nagbabayad higit sa isang mabilis na pagbagsak sa paganismo…Ang mga mababangis na mga tao ay parating. Ang buong generasyon ay lumalaki ng walang pagkaalam ng muling pagbabangon [ang bagong umpisa]…Ginigising ng mga mababangis ang alikabok ng imoral na sibilisasyon at gumagapang na sa anino ng isang pilay na simbahan (isinalin mula sa isinulat ni Carl F. H. Henry, Ph.D., Twilight of a Great Civilization, Crossway Books, 1988, pages 15-17).
Isang dekada pagkatapos ng ipinaglabang nominasyon sa Korte Suprema, sinabi ng Tagahatol na si Robert Bork,
Ang ating kultura ay nasa pagbagsak sa halos lahat ng sakop, mula sa popular na musika tungo sa relihiyon (isinalin mula sa Christianity Today, ika-19 ng Mayo 1997, p. 30).
Sinabi niya na tayo ay nagiging
…isang inabuso at magulong kultura…bumabagsak sa isang higit kailan mang nakasusukang kababaan (isinalin mula sa isinulat ni Robert H. Bork, Slouching Toward Gomorrah: Modern Liberalism and American Decline, HarperCollins, 1996, page 140).
Sinabi ni Billy Graham, “Tayo ay isang lipunan na nakatindig sa dulo ng paninira ng sarili” (isinalin mula sa Los Angeles Times, ika-3 ng Mayo taon 1996, p. A-10). Sinabi ni Hesus,
“Mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan … Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan…At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:6-12).
Iyang prediksyon ni Kristo ay mukhang nagkakatotoo sa ating panahon. Araw araw naririnig natin ang teribleng prediksyon ng pag-iinit ng buong mundo, terorismo, digmaan, ang matindi’t maramihang paglalaglag, paggutom at paninira ng mga bagong sakit. Nakakikita tayo ng pagbabago at pagbulok sa ating buong paligid. At maari nating itanong, “Mayroon bang kahit anong permanente? Mayroon bang kahit ano na hindi nabubulok at nagkakawatak-watak?” Sinasabi ng Bibliya na mayroon ilang bagay na hindi kailan man nagbabago.
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 13:8).
I. Una, si Kristo ay pareho ng kahapon.
Sinasabi sa ating ng Bibliya na Siya’y
“Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan”
(Apocalipsis 13:8).
Sinabi ni Dr. Gill sa bersong iyan,
[Si Kristo] ay itinakda sa hinaharap, bago pa ng pundasyon ng mundo, upang iligtas ang kanyang mga tao sa kanyang dugo (isinalin mula sa isinulat ni John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume III, p. 793).
“Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan”
(II Timoteo 1:9).
Itinuturo ng Bibliya na si Kristo ay isang walang hanganang Anak, anak hindi ginawa, ang walang hangganang Pangalawang Tao ng Santisima Trinidad. Maari nating sabihin, kasama ang Apostol Pablo, na ang Dios ay
“lumalang ng lahat ng mga bagay [sa pamamagitan ni Hesu-Kristo]” (Mga Taga Efeso 3:9).
“Sapagka’t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya’y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya”
(Mga Taga Colosas 1: 16-17).
At masasabi natin kasama ng Apostol Juan,
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya”
(Juan 1:1-3).
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 13:8).
At iyon ay “kahapon,” sa isang dumaang panahon, na si Kristo ay bumaba mula sa Langit upang mabuhay sa lupang ito.
“Datapuwa’t nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan” (Mga Taga Galacias 4:4).
Iyan ang ibig sabihin ng Pasko – ang pagkakatawang tao ng Diyos ang Anak! Bumaba siya mula sa Langit, ay bihis sa laman ng tao, nanirahan kasama natin! Ang mga kasalanan ng sanglibutan ay inilagay sa Kanya sa Hardin ng Getsamane,
“At nang siya’y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Dinakip nila Siya at pinalo Siya gamit ang isang latigo. Ipinako nila siya sa isang krus, kung saan namatay Siya “dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3). Ngunit “siya’y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:4). Noong nakabangon na Siya mula sa pagkamatay, sinabi Niya,
“Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin” (Lucas 24:39).
“At nangyari, na samantalang sila’y binasbasan niya, ay iniwan niya sila; at dinala siya sa itaas sa langit” (Lucas 24:51).
Lahat ng iyan ay nangyari ng nakaraan. Ngunit ang ating teksto ay nagpapatuloy na magsabi pa ng mas marami, alin ay nagdadala sa atin sa sunod na punto.
II. Pangalawa, si Kristo ay pareho ngayon.
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon …”
(Sa Mga Hebreo 13:8).
Sinabi ng propeta Isaias na
“pahahabain niya [ng Diyos] ang kaniyang mga kaarawan”
(Isaias 53:10).
Nagsasalita sa bersong iyan, sinabi ng dakilang si Spurgeon,
“Pahahabain niya ang kanyang mga kaarawan.” Oo, pagpalain ang kanyang pangalan, noong namatay siya hindi niya tinapos ang kanyang buhay. Hindi na siya maaring maging isang bilanggo ng matagal sa puntod. Ang pangatlong umaga ay dumating, at ang Mananakop, bumabangon…sinisira ang bakal na sinturon ng kamatayan, at pumunta sa harapan mula sa bilangguan, hindi na kailan man mamatay. Inantay niya ang kanyang apat na pung araw, at pagkatapos kasama ng mga sigaw ng mga banal na kanta, “dinala niya ang pagkabilanggo na mabilanggo at umakyat pataas sa itaas.” “Diyan siya’y namatay namatay siya sa kasalanan ng isang beses; ngunit diyan siya’y nabuhay siya’y nabuhay sa Diyos,” hindi na kailan man mamatay.
Ngayon sa tabi ng kanyang Ama siya nakaupo,
At ang kanilang tagumpay ay naghahari,
ang nananakop sa ibabaw ng kamatayan at impiyerno (isinalin mula sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “The Death of Christ,” The New Park Street Pulpit, Pilgrim Publications, 1981 reprint, volume III, p. 72).
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon …”
(Sa Mga Hebreo 13:8).
Pinahaba ng Diyos ang Kanyang mga araw, at si Kristo ay kasing buhay at totoo ngayon gaya noong nakaraan – noong namatay Siya sa Krus at bumangong pisikal mula sa pagkamatay. Ang mga Apostol sa kanilang maagang paglilingkod ay halos hindi pa makapagpangaral ng isang sermon na hindi sinasabihan ang mga taong “Siya’y buhay! Siya’y buhay! Siya’y buhay!” Halimbawa, sa Araw ng Pentekos, “itinaas [ni Pedro] ang kaniyang tinig” (Mga Gawa 2:14) at nagsabing,
“Ang Jesus na ito’y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito’y mga saksi kaming lahat…Palibhasa nga’y pinarangal ng kanang kamay ng Dios…ay ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig” (Mga Gawa 2:32-33).
At doon sa kanang kamay ng Diyos sa Langit, ang bumangong Kristo’y,
“Laging nabubuhay […] upang mamagitan sa [atin]”
(Sa Mga Hebreo 7:25).
Mayroong nagdarasal para sa iyo upang mapagbagong loob. Marami sa inyo ay mayroong Kristiyanong mga ina at mga ama na nanalangin araw araw para sa iyong kaligtasan. Ngunit mayroong ilang mga kabataan dito ngayong umaga na maaring ibitin ang kanilang mga ulo at magtanong, “Wala bang magdadasal para sa akin na maligtas?” Oo, siyempre mayroon! Ang pinaka-dakilang tao ng panalangin na kailan man ay ipinanganak ay nagdarasal para sa iyo! At ang Kanyang pangalan ay Hesus ng Nazaret. Siya kailan ma’y nabubuhay upang manalangin para sa iyong kaligtasan sa Langit! Si Hesus ay nagdarasal para sa iyo! At malapit na na Kanyang mga panalangin ay masasagot. Malapit nang ika’y mapunta sa ilalim ng pagkakakilanlan ng sala, makita ang iyong pangangailangan sa Kanya, at mag-apura sa Kanyang nag-aantay na mga bisig, dahil Siya’y
“Laging nabubuhay […] upang mamagitan sa [atin]”
(Sa Mga Hebreo 7:25).
Iyo’y parehong Hesus na nananalangin para sa kaligtasan ng iyong kaluluwa, ang pinaka parehong Hesus, na lumakad sa mga kalye ng Jerusalem, at namatay sa Krus para sa iyong mga kasalanan. Iyang parehong Hesus ay magpapatuloy manalangin para sa iyo hanggang sa ika’y mapagbagong loob. At naniniwala ako na ang Kanyang panalangin para sa iyo ay tatanggapin gaya ng maligayang sagot, gaya ng ginawa ng aming mga panalangin para sa isang dalaga sa ating simbahan na napunta sa dulo ng kamatayn ilang linggo ang nakalipas. Ibinangon Niya siya mula sa pisikal na kamatayan, at itataas ka Niya mula sa kamatayan sa “mga pagsalangsang at kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1), dahil
“Laging nabubuhay […] upang mamagitan sa [atin]”
(Sa Mga Hebreo 7:25).
Siya ay,
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon …”
(Sa Mga Hebreo 13:8).
Siya ay pareho ngayon gaya noon. At naniniwala ako na ang Kanyang mga panalangin para sa iyo ay malapit ng masagot. Lahat kami’y maging masaya pagkatapos, kapag humarap ka sa Kanyang nagmamahal sa iyo, at maligtas – sa sagot sa Kanyang mga panalangin! Ngunit mayroong isa pang kaisipan sa ating teksto, na nagdadala sa atin sa huling punto ng sermong ito.
III. Pangtalo, si Kristo ay pareho magpakailan man.
Magsi-tayo ang lahat at basahin ang ating teksto, Sa Mga Hebreo 13:8, ng malakas. Basahin ito ng mabuti at malakas, nagbibigay diin sa tatlong huling mga salita.
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 13:8).
Maari ng magsi-upo.
Kahit na niniwala ako na si Billy Graham ay mali sa “desisiyonistang” kaligtasan, buong puso akong sumasang-ayon sa kanya noong sinabi niyang,
Itinuturo ng Bibliya na si Kristo ay magiging Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon. Mayroong isang oras sa oras ng Diyos kapag si Kristo’y babalik sa mundong ito. Malinaw ang Bibliya sa pagdeklara na si Hesus ay…babalik. Hindi pa nalilimutan ng Diyos ang mundo, at mula sa nasususnog na mga abo ng umaapoy na sibilisasyon, ihuhubog ng Diyos at popormahin ang isang [Kaharian] kung saan si Kristo ang magiging Hari…Gayon kinuha ni Kristo sa mahabang wakas ang kanyang tamang lugar upang mamuno sa lupang ito (isinalin mula sa isinulat ni Billy Graham, D.D., “The King is Born,” Decision Magazine, Disyembre 2007, p. 5).
Kapag ang araw na iyan ay dumating si Hesus ay babalik mula sa Langit, at Siya’y magkakaroon ng isang pangalan na nakasulat sa Kanyang damit na nagsasabing, “HARI NG MGA HARI, AT PANGINOON NG MGA PANGINOON” (Apocalipsis 19:16).
“Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan man” (Apocalipsis 11:15).
Pagkatapos ang buong kahulugan ng ating teksto ay maging simple para makita ng buong sanglibutan,
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 13:8).
Gaya ng kinanta ni Gg. Griffith ilang oras ang lumipas,
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang parehong Hesus, itinanggi ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ng may kapangyarihan at dakilang luwalhati,
Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa
“He Is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
“Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Sa Mga Hebreo 13:8).
At isa pang salita. Ang di-nagbabagong Kristo ay bukas para sa iyo ngayong umaga. Lumapit sa Kanya. Magtiwala sa Kanya, at tatakpan Niya sa talaan ng Diyos ang bawat kasalanan na iyong nagawa, o kailan man gagawin! At ililigtas Niya ang iyong kaluluwa magpakailan man, sa buong walang hanggan. Naway nalalapit ka ng lumapit kay Hesus! Sa Kanyang ngalan. Amen.
(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Juan 1:1-4, 14.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Siya’y Darating Muli” isinalin mula sa
“He Is Coming Again” (ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
BALANGKAS NG ANG DI-NAGBABAGONG KRISTO – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at (Mateo 24:6-12) I. Una, si Kristo ay pareho ng kahapon, Apocalipsis 13:8; II. Pangalawa, si Kristo ay pareho ngayon, Isaias 53:10; Mga Gawa 2:14, III. Pangtalo, si Kristo ay pareho magpakailan man, Apocalipsis 19:16; |