Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB REAL CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral ng Gabi sa Araw ng Panginoon, ika-25 ng “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). |
Ngayong gabi ako ay mangangaral ng isang payak na pangaral. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya na madaling maintindihan ito. Gayon man kahit na ito ay payak, ito ay mapaghimagsik at maaring nakakagulat para sa maraming mga ligaw na mga bagong-ebangheliko.
Maliwanag na sinabi ni Hesus, “Malibang kayo’y magsipanumbalik…hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.” Kaya, ginawa Niya itong ganap na maliwanag at malinaw na kailangan mong maranasan ang pagbabagong loob. Sinabi Niya na kung hindi mo mararanasan ang pagbabagong loob ika’y “hindi […] magsisipasok sa kaharian ng langit.” Kaya, kailangan nating ilapag ang tanong – ikaw ba ay napagbagong loob? Halos lahat sa Amerika ay nagiisip na sila ay napagbagong loob, ngunit talagang kakaunti ang mga napagbagong loob. Bakit? Dahil karamihan sa mga mangangaral ay pinalitan ang pagbabagong loob sa isang makataong “pagpapasya,” bilang isang resulta ng isang huwad na pagtuturo ni Charles G. Finney. Ngayon, kaunting mga tao ang talagang napagbabagong loob.
Mas makabubuti sa iyo na isipin ang sarili bilang isang hindi napagbagong loob. Iyan ang pinaka-ligtas na bagay na gawin. Kung mali ka, hindi mo ito ikasasama. Sa kabilang dako, kung iniisip mo na ikaw ay napagbagong loob, at hindi naman, ang kaluluwa mo ay masasamang palad ng walang hangan sa Impiyerno. Kaya, mas ligtas na isipin mo ang iyong sarili bilang isang hindi napagbagong loob – alin naman ay ang walang dudang katotohanan. Yamang ang Bibliya ay nagtuturo ng walang hangang katiwasayan, hindi ikasasama kahit kaunti na isipin ang sarili bilang isang hindi napagbagong loob kung ikaw nga ay hindi napagbagong loob. Ngunit kung hindi ka napagbagong loob, ang pag-iisip na ikaw ay napagbagong loob ay magpapasamang palad sa iyo tungo sa walang katapusang mga apoy. Kaya ang pinaka-ligtas na bagay na gawin ay ang isipin na ikaw ay hindi napagbagong loob.
Ngayong naipaliwanag na natin iyan – mas marahil na ikaw nga ay hindi napagbagong loob. Saan tayo mapupunta mula doon? Sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyayari sa isang tao na nakararanas ng pagbabagong loob. Sinabi ni Spurgeon na, “Maaring mayroong isang bagay na gaya ng pananampalataya sa unang tinggin, ngunit karaniwan naaabutan natin ang pananampalataya sa pamamagitan ng mga yugto” (isinalin mula sa sinabi ni C. H. Spurgeon, sa Around the Wicket Gate, Pasadena, Texas: Pilgrim Publications, 1992 reprint, p. 57). Narito ang mga “yugto” na pinapagdaanan ng karamihang tao.
I. Una, pumupunta ka sa simbahan para sa ibang dahilan
kaysa mapagbagong loob.
Halos lahat ay ginagawa ito. Ginawa ko ito. Ganoon din si Gg. Griffith, ang ating diakono at solowista. Gayon din ikaw, sa lahat ng pangyayari.
Pumunta ko sa simbahan ng isang binata dahil ako ay nag-iisa, at inimbita ako ng kapit bahay na pumunta sa simbahan kasama sila kasama ang kanilang mga anak. Kaya nagsimula akong pumunta sa simbahan noong taon 1954 dahil ako ay nag-iisa, at ang mga kapit bahay ko ay mabait sa akin. Ako ay “lumapit sa harap” sa katapusan ng unang pangaral na aking nadinig at nabinyagan. Ganyan ako naging isang Bautista. Ngunit hindi ako napagbagong loob. Nagdaan ako sa isang mahabang pagpupunyagi na tumagal ng pitong taon bago ako sa wakas napagbagong loob noong taon 1961, noong narinig ko si Dr. Charles J. Woodbridge na nangaral sa Kolehiyo ng Biola (ngayon ay Unibersidad ng Biola).
Paano naman ikaw? Pumunta ka ba sa simbahan dahil ikaw ay nag-iisa – o dahil dinala ka ng iyong mga magulang sa simbahan na isang supling? Kung ikaw ay narito sa gabing ito dahil sa nakagawian na, gaya ng isang batang pinalaki sa simbahan, hindi ibig sabihin na ikaw ay napagbagong loob. O pumunta ka ba gaya ko, dahil nag-iisa ka at mayroong nag-imbita sa iyo, at mabait ang mga tao sa iyo? Kung oo, hindi ibig sabihin na ikaw ay napagbagong loob. Huwag kang magkamali sa pag-iisip ng mga sinabi ko, maligaya ako na narito ka – maging dahil sa nakagawian na gaya ng isang bata sa simbahan, o dahil sa pag-iisa, katulad ko noong ako ay labin tatlong taong gulang. Iyan ay mga sakdal na mga maiging dahilan upang pumunta sa simbahan – ngunit hindi ka nila maililigtas. Dapat kang magkaroon ng tunay na pagbabagong loob upang maligtas.
Hindi mali na narito ka dahil sa nakagawian na o dahil ikaw ay nag-iisa. Masyado lang itong mababaw. Mayroon ka dapat mas higit pa upang mapagbagong loob.
II. Pangalawa, magsisimula kang malaman na mayroon
talagang isang Diyos.
Maaring alam mo na na buhay ang Diyos bago ka pa man pumunta sa simbahan. Ngunit maraming mga tao ang mayroon lamang malabong paniniwala sa Diyos bago pa sila maharap ng Ebanghelyo. Iyan rin marahil ang iyong kalagayan, kung mayroong nagdala sa iyo rito.
Kung ikaw ay pinalaki sa simbahan, marami ka ng alam tungkol sa mga Kasulatan. Madali mong mahahanap ang tamang lugar sa Bibliya. Alam mo ang panukala ng kaligtasan. Marami kang alam na berso sa Bibliya at mga himno. Ngunit ang Diyos ay malabo pa rin sa iyo.
Pagkatapos, maging isa ka mang bagong tao o isang batang simbahan, mayroong magsisimulang mangyari. Matatanto mo na mayroon talagang isang Diyos – hindi lang magsalita tungkol sa Diyos. Ang Diyos ay magiging lubos na tunay na tao sa iyo. Naging lubos na nabatid ko ang katunayan ng Diyos sa edad na labin lima na ako ay bumagsak sa lupa sa isang sementeryo, sa ilalim ng mga puno, sa araw na ang aking lola ay inilibing. Alam ko na ang Diyos ay totoo, isang nabubuhay na tao. Ngunit hindi pa ako napagbabagong loob.
Nakaranas ka na ba ng isang bagay na tulad niyan? Ang Diyos ba ay isang tunay na tao sa iyong buhay? Iyan ay lubos na mahalaga. Sinasabi ng Bibliya,
“Kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios [i.e. na Siya ay nabubuhay]” (Sa Mga Hebreo 11:6).
Ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng isang maasahang dami ng pananampalataya – ngunit hindi ito nakapagliligtas na pananampalataya. Ito ay hindi pagbabagong loob. Madalas sabihin ng aking ina, “Palagi akong naniniwala sa Diyos.” Walang pagdududa sa aking isipan na siya nga ay naniniwala. Pinaniniwalaan niya ang Diyos mula pa noong siya’y bata. Ngunit hindi siya napagbagong loob hangang siya ay 80 taong gulang. Mahalagang siya ay naniwala sa Diyos, ngunit mayroon dapat mas higit pa riyan ang mangyari para ang isang tao ay tunay na mapagbagong loob.
Kaya, sinasabi ko, na marahil ay pumunta ka sa simbahan ng hindi kilala ang tunay na katotohanan ng Diyos. Pagkatapos ay, siguro dahan-dahan, siguro mas mabilis, nakikita mo na mayroon nga talagang isang Diyos. Iyan ang pangalawang yugto, ngunit hindi pa ito ang pagbabagong loob.
III. Pangatlo, matanto mo na naalipusta at nagalit mo ang Diyos sa
pamamagitan ng iyong mga kasalanan.
Sinasabi ng Bibliya, “Ang nangasa laman [i.e. yoong mga hindi napagbagong loob] ay hindi makalulugod sa Dios” (Mga Taga Roma 8:8). Gaya ng isang hindi napagbagong loob na tao, wala sa mga ginagawa mo ang makakalugod sa Diyos. Sa katunayan, araw araw ang iyong “pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan” (Mga Taga Roma 2:5). Sinasabi ng Bibliya:
“Dios na may galit araw-araw” (Mga Awit 7:11).
Pagkatapos mong matuklasang mayroon talagang isang Diyos, magsisimula mong matanto na naalipusta mo ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakasala. Naalipusta mo rin ang Diyos sa pamamagitan ng hindi pagmamahal sa Kanya. Ang mga kasalanan na nagawa mo ay laban sa Diyos at Kanyang mga utos. Ito ay magiging napakalinaw sa iyo na ito ay totoo. Ang kakulangan ng pagmamahal mo sa Diyos makikita mo rin bilang isang dakilang kasalanan sa yugtong ito.
Ang yugtong ito ay madalas tawaging yugto ng “pagkagising” ng mga Puritan. Ngunit hindi maaring magkaroon ng pagkagising kung walang isang matalim na kamalayan ng kasalanan at malalim na pagkondena sa sarili. Madarama mo ang gaya ng nadama ni John Newton noong sinulat niya:
O Panginoon, napaka hamak ko, hindi banal at madungis!
Paano ako mangahas magbakasakali ng malapit
Ng may mabigat na kasalanan?
Ito bang madungis na puso Isang tahanang para sa Iyo?
Dumudumog, Sa aba! Sa bawat bahagi, anong
kasamaan ang aking nakikita!
(“O Panginoon, Napaka-hamak ko” isinalin mula sa
“O Lord, How Vile Am I” ni John Newton, 1725-1807).
Mag-iisip ka ng malilim, pagkatapos, tungkol sa panloob na pagkamakasalanan ng iyong isipan at puso. Maiisip mong, “Ang puso ko ay napaka-makasalanan, at napaka layo mula sa Diyos.” Magagambala ka nito. Mababalisa ka sa sarili mong makasalanang mga pag-iisip at ang sarili mong pagkakulang ng pagmamahal sa Diyos. Ang malamig na pagkawalang buhay ng iyong puso tungo sa Diyos ay ikaliligalig mong malalim. Matatanto mo na ang isang tao na may makasalanang puso na tulad na sa iyo ay wala ng pag-asa. Makikita mo na tama at nangangailangang ipadala ka ng Diyos sa Impiyerno – dahil nararapat sa iyo ang Impiyerno. Iyan ang maiisip mo kung ikaw ay tunay na magigigsing at matanto na naalipusta mo ang Diyos at napagalit mo Siya ng iyong mga kasalanan. Ang yugto ng pagkagising ay isang mahalagang yugto, ngunit hindi pa ito pagbabagong loob. Ang isang taong nakikita kung gaano siya kamakasalanan ay nagising – ngunit hindi pa napagbagong loob. Ang pagbabagong loob ay malayo pa kaysa sa simpleng pagkilala sa sariling kasalanan.
Maaring matanto mo na napasama mo ang loob ng Diyos, o ang isang pagkabatid ang maaring lumago mula sa isang pulos na doktrina patungo sa isang mas puspos na pag-uunawa na ang Diyos ay naalipusta at ay lubos na napasama ang loob sa iyo. Noon lamang na ikaw ay puspos na nagising sa katotohanan na ikaw ay makasalanan at hindi banal ay magiging handa para sa pang-apat at panghuling “yugto” ng pagbabagong loob.
Dumating si Charles Spurgeon sa pagkabatid na ito ng kanyang kasalanan noong siya ay labing limang taong gulang. Ang kanyang ama at lolo ay parehong mga mangangaral. Nabuhay sila sa isang araw noong ang modernong “desisyonismo” ay hindi pa nagagawa maputik at malabo ang tunay na pagbabagong loob. Gaya ang kanyang ama at kanyang lolo ay hindi siya “itinulak” na gumawa ng panlabas na “desisyon para kay Kristo.” Sa makatuwid, nagantay sila para sa Diyos na gumawa ng puspusang paggawa ng pagbabagong loob sa kanya. Naisip kong sila ay tama.
Noong siya ay labin lima sa wakas si Spurgeon ay dumating sa ilalim ng malalim na pagkilala ng kasalanan. Ipinaliwanag ni Spurgeon ang kanyang pagkagising sa kanyang pagkamakasalanan gamit ang mga salitang ito:
Bigla na lamang, nasalubong ko si Moses, na buhat sa kanyang kamay ang utos ng Diyos, at habang tinitignan niya ako, mukhang inaaral niya ako ng maigi gamit ang kanyang mga mata ng apoy. Sinabihan niya akong basahin ang ‘sampung salita ng Diyos’ – ang sampung utos – at habang binabasa ko sila para bang nagsamasama silang lahat sa paninisi at pagkondena sa akin sa paningin ng tatlong-banal na Jehovah.
Nakita niya, sa kanyang karanasan, na siya ay isang makasalanan sa paningin ng Diyos, at walang dami ng “relihiyon” o “kabutihan” ang makaliligtas sa kanya. Ang batang si Spurgeon ay dumaan sa isang panahon ng matinding paghihirap. Sinubukan niya sa maraming paraan na magkamit ng kapayapaan sa Diyos gamit ang kanyang sariling paggawa, ngunit lahat ng kanyang pagsubok na makipag-payapa sa Diyos ay hindi nagtagumpay. Noon lamang siya naging handa para sa pang-apat na yugto – ang huling kilos ng pagbabagong loob mismo.
IV. Pang-apat, lalapit ka kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, para sa
paglilinis mula sa kasalanan.
Noong si Spurgeon ay minumulat sa kanyang kasalanan, sa umpisa hindi siya naniwala na siya ay maliligtas sa pamamagitan ng simpleng paglapit kay Hesus. Sinabi niya:
Bago ako pumunta kay Kristo, sinabi ko sa sarili ko, “Tiyak na hindi maari na, kung ako ay maniwala kay Hesus, bilang ako, hindi ako maliligtas? Dapat akong makadama ng isang bagay; Dapat may gawin ako.”
Ngunit wala siyang “madama” na kahit ano, at wala siyang “magawa” na kahit ano! Siya ay abang-aba. Mabuti! Iyan ang magdadala sa isang tao palayo sa kanyang sarili – patungo kay Hesus, ang Tagpagligtas!
Nadaanan ni Spurgeon ang isang bagyong niyebe sa isang maliit na simbahan. Kakaunti lamang ang nandoon. Kahit ang pastor ay nailayo ng umuungol na bagyo. Isang payat at maliit na lalake ang tumayo at nagbigay ng isang biglaang pangaral. Simple lang na sinabi ng lalake, “Tumingin kay Kristo.” Sa wakas, pagkatapos ng lahat ng kanyang paghihirap at loobing pagkalito, iyan mismo ay ang ginawa ng batang si Spurgeon – tumingin siya kay Hesu-Kristo sa pananampalataya ng unang beses sa kanyang buhay! Sinabi ni Spurgeon – “Ako ay niligtas gamit ang dugo! Dapat ay sumayaw ako sa daan pauwi!” Simpleng tuminggin lang siya kay Hesus! Simple ito, ngunit ang pinaka malalim na karanasan na maaring maranasan ng isang tao. Iyan, aking naliligaw na kaibigan, ay isang tunay na pagbabagong loob!
Pagtatapos
Huwag mong payagan na kahit ano ang pipigil sa iyong paghahanap kay Kristo sa isang tunay na pagbabagong loob. Tandaan na sinabi ni Hesus:
“Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).
Katulad ng pangunahing tauhan sa Pilgrim’s Progress, huwag kang makontento sa kahit anong panlabas na “desisyon” kay Kristo.” Huwag! Huwag! Siguraduhin mo na ang iyong panunumbalik ay tunay, dahil kung hindi ka talaga tunay na napagbagong loob, “ay hindi kayo [makakapasok] sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).
Upang magkaroon ng tunay na panunumbalik
1. Dapat kang mapunta sa isang lugar ng tunay na paniniwala na mayroong isang Diyos – isang tunay na Diyos sinusumpa ang mga makasalanan sa Impiyerno, at dinadala ang mga ligtas sa Langit kapag sila ay mamatay.
2. Dapat mong malaman, na sa kailalimang loob, na ikaw ay isang makasalanan na naalipusta ang Diyos ng lubusan. Maari kang magpatuloy na ganito sa mahabang panahon (o maaring mas maikli para sa iba). Sinabi ni Dr. Cagan, ang ating diakono, “Nilabanan ko ang mga walang mga tulog na gabi ng maraming buwan pagkatapos na naging totoo ang Diyos sa akin. Mailalarawan ko lamang ang panahon na ito sa aking buhay bilang dalawang taon na paghihirap ng isipan” (isinalin mula sa isinulat ni C. L. Cagan, Ph.D., From Darwin to Design, Whitaker House, 2006, p. 41).
3. Dapat mong malaman na hindi ka makakagawa ng kahit anong mabuting bagay upang maipagkasundo ka sa isang naalipusta at galit na Diyos. Wala sa mga sasabihin, o matutunan, o magagawa ang makatutulong sa iyo. Iyan dapat ay maging malinaw sa iyong isip at puso.
4. Dapat kang lumapit kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, para sa paglilinis sa Kanyang Dugo, at ang pagmumungkahi ng Kanyang pagkatuwiran sa iyo sa pamamagitan ng pananmpalataya sa Kanya. “Naalala ko, sa tiyak na ilang mga Segundo, noong pinagkatiwalaan ko si [Hesus]….mukhang biglaang hinaharap ko na si [Hesus]….ako ay siguradong nasa harapan ni Hesu-Kristo at Siya ay walang pagdududang nakahain para sa akin. Sa maraming taon tinanggihan ko Siya, kahit na parati Siyang nariyan para sa akin, nagmamahal na nag-aalay sa akin ng kaligtasan. Ngunit sa gabing iyon alam ko na ang oras ay dumating na para sa akin na pakatiwalaan Siya. Alam ko na dapat akong lumapit sa Kanya o lumayo. Sa oras na iyon, sa kakaunting mga Segundo, lumapit ako kay Hesus. Hindi na ako isang mapagtiwala sa sariling hindi naniniwala. Pinagkatiwalaan ko si Hesu-Kristo. Naniwala ako sa Kanya. Iyon ay ganoong kasimple. Sa maikling oras na iyon, sa isang nag-iisang gawa ng pagtitiwala…‘tumawid’ ako tungo kay Hesu-Kristo sa pinaka mahalagang pangyayari na maaring mangyari sa buhay ng isang tao – pagbabagong loob. Buong buhay ko ako’y tumatakbo, ngunit sa gabing iyon lumingon ako at pumunta ng diretso at agad-agad kay Hesu-Kristo” (isinalin mula sa isinulat ni C. L. Cagan, ibid., p. 19). Iyan ay isang tunay na pagbabagong loob. Iyan ang dapat mong maranasan upang mapagbagong loob kay Kristo-Hesus!
Namatay si Kristo sa Krus upang pagbayaran ang iyong mga kasalanan at ipagkasundo ka sa isang galit na Diyos. Si Kristo ay bumangon mula sa kamatayan at umakyat pabalik sa Langit, kung saan Siya na ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos nagdarasal na ikaw ay maligatas.
“Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa”
(Colosas 3:1-2).
Tumingin kay Kristo! Tumingin sa Diyos Anak! Malinisan mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Ikaw ay agad-agad na maliligtas. Katulad ng sinabi ni Joseph Hart,
Sa oras na ang isang makasalanan ay naniniwala,
At nagtitiwala sa kanyang ipinakong Diyos,
Ang kanyang pagpapatawad ay agad agad kanyang tatanggapin,
Kaligtasang buo sa pamamagitan ng Kanyang dugo,
(“Sa Oras na ang isang Makasalanan ay Naniniwala” isinalin mula sa
“The Moment a Sinner Believes” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Iyan ang nangyari kay Spurgeon. Iyan ang nangyari kay Dr. Cagan. At iyan ang dapat mangyari sa iyo, dahil sinasabi ng lahat ng himnong ito ni Joseph Hart!
Sa oras na ang isang makasalanan ay naniniwala,
At nagtitiwala sa kanyang ipinakong Diyos,
Ang kanyang pagpapatawad ay agad agad kanyang tatanggapin,
Kaligtasang buo sa pamamagitan ng Kanyang dugo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Mga Taga Efeso 2:1-7.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nakagugulat na Biyaya” (isinalin mula sa “Amazing Grace”
ni John Newton, 1725-1807).
BALANGKAS NG TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB REAL CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). I. Una, pumupunta ka sa simbahan para sa ibang dahilan kaysa II. Pangalawa, magsisimula kang malaman na mayroon talagang isang III. Pangatlo, matanto mo na naalipusta at nagalit mo ang Diyos sa IV. Pang-apat, lalapit ka kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, para sa |