Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGBIBIGAY PASASALAMAT SA TSINA THANKSGIVING IN CHINA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang Pangaral na ipinangaral ng Umaga sa Araw ng Panginoon, “At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam? Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa? At sinabi niya sa kaniya, Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya” (Lucas 17:17-19). |
Ang pamagat ng pangaral na ito ay “Pagbibigay Pasasalamat sa Tsina.” Ang tunog niyan ay marahil hindi nababagay, isang pagsasalungat ng mga salita. Kung sa bagay, ang Pagbibigay Pasasalamat ay isang Amerikanong pista. Papaanong ito ay nakaugnay sa kahit anong paraan sa mga taong nakatira sa kabilang dako ng mundo, sa hamak na kahirapan, nagpapadausdos sa ilalim ng kapangyarihan ng Komunismo? At gayon man aking naisip na ang pinakaimportanteng bahagi ng kwentong ito, ang pinakapuso at kahulugan nito, ay dumarating ng malinaw sa tanaw kung ating ihahambing ang Tsina sa Amerika sa Pagbibigay Pasasalamat sa taong ito.
Ang tuos ay payak. Habang si Kristo ay dumaraan sa Samariya at Galileyo nakasalubong Niya ang sampung leproso. Siyam sa kanilang kalalakihan ay Hudyo, at isa sa kanila ay isang Samaritano. Ang mga Samaritano ay naghalong lahi ng mga tao na sumasamba sa Diyos, ngunit hindi kasama sa bansa ng mga Hudyo. Maari mong matandaan kung ano ang sinabi ng isang Samaritanang babae kay Kristo,
“Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano)”
(Juan 4:9).
Mahalaga para sa ating matandaan na “hindi nangakikipagusap ang mga Hudyo sa mga Samaritano” habang ating iniisip ang tuos ni Kristo sa pagpapagaling ng mga leproso. Pinagaling Niya ang siyam na mga Hudyong leproso na pumunta sa kanilang daan upang ipakita ang kanilang mga sarili sa mga saserdote sa Templo sa Jerusalem.
“At isa sa kanila, nang makita niyang siya'y gumaling, ay nagbalik, na niluluwalhati ang Dios ng malakas na tinig; At siya'y nagpatirapa sa kaniyang paanan, na nagpapasalamat sa kaniya: at siya'y isang Samaritano” (Lucas 17:15-16).
Naniniwala ako na ating nakikita ang tunay na kahulugan ng pangyayaring itong naulit – sa Amerika at Tsina ngayon. Ang Amerika ay nabiyayaan lampas pa sa sukat ni Kristo, ngunit siya sa karamihan ay nagpapatuloy sa kasiyahang paraan, na walang panahon para sa Kanya, walang tunay na Pagbibigay Pasasalamat sa Kanya sa kanyang puso. Ngunit ang Tsina! Siya ay bumabalik sa Tagapagligtas, nagbibigay sa Kanya ng pasasalamat! Ang Tsina ay kagaya niyang mapakumbabang Samaritano sa panahon ni Kristo. At kaya nga – tunay na Pagbibigay Pasasalamat sa Tsina – at isa na namang matakaw na hapunan sa Amerika! Ganito ang paraan ng pagsasabuhay ng mga salita mula kay Lucas 17 ngayong umaga.
I. Una, binabalewala ng Amerika ang mga biyaya ng Diyos.
Aking binabasa ang librong pinamagatang, Under the Influence: How Christianity Transformed Civilization ni Dr. Alvin J. Schmidt (Zondervan, 2001). Ipinapakita nito ang epekto ng Kristiyanismo sa Kanlurangang kultura. Ang kapitulo sa kabanalanan ng buhay ng tao ay inilalantad ng lubos. Ipinapakita nito ang pagpapatay ng mga bata, ang pag-aabandona ng mga bata, ang pagkalagas, ang pagpapatay sa sarili, at ang pagsunog ng bangkay ay lahat ginagawa ng lubusan ng mga pagano sa Roma. Kristiyanismo ang pumukaw sa kanilang lahat.
Ang Kristiyanong pananaw ng kabanalanan ng buhay ng tao ay isang direktong pagpapala sa ating kultura kung saan ngayon lamang ay kinakain ng modernong paganismo. Bakit tayo mayroong mga ospital? Dahil sa Kristiyanismo. Bakit wala tayong pag-aalipin? Dahil sa Kristiyanismo. Bakit tayo nainiwala sa kalayaan at katarungan para sa lahat? Dahil sa Kristiyanisnmo. Bakit ang mga kababaihan ay trinatranto ng may dignidad? Dahil sa Kristianismo. Saan nanggaling ang mga sistema ng edukasyon? Nahulaan mo – mula sa Kristiyanismo! Ngayon hindi mo iyan maririnig sa iyong sekular na kolehiyong silid aralan, ngunit iyan ang katotohanan mula sa kasaysayaan. Kunin ninyo ang libro at basahin ito – Under the Influence: How Christianity Transformed Civilization ni Dr. Alvin J. Schmidt, Zondervan, 2001. Ito ay nasa ating tindahan ng libro. Si Dr. Schmidt ay nagretiro bilang isang professor ng sosiyologio sa Kolehiyo ng Illinois noong 1999.
Isipin ninyo ito. Saan mo maspipiliing tumira – sa Indiya, Aprika, Tsina o sa Estados Unidos? Halos lahat, ang sagot ay sa Estados Unidos. Ngunit karamihan sa mga tao ay hindi naiintindihan na ang epekto ng mga siglo ng Kristiyanismo ang siyang gumagawa sa Amerika na maging isang kaakit-akit na lugar na tirahan. Hindi ko sinasabi na marami ang mga Amerikanong tunay na Kristiyano ngayon, ngunit sinasabi ko na ang ating kultura ay nakikinabang ng higit mula sa mga siglo ng mga Kristiyanong kinagisnan.
Ipinapakita ni Dr. Schmidt na ang mga Kristiyanong nag-aaruga sa mga itinapong mga sanggol, ang mga may-sakit, ang mga mahihirap, at ang mga matatanda ang nagpatalsik sa pagkawalang pagkatao ng mga Greko-Romang kultura. Ipinapakita niya na ang pagkahanap ng Kristiyano sa mga ospital noong ika-apat na siglo, ang umpisa ng mga ampunan at mga mapagkawanggawang organisasyon ang gumawa sa ating kultura na maging isang matiwasay at makataong daungan, kumpara sa mga kabangisan at pagkawalangpagkatao ng, sabihing, isang bansa katulad ng Indiya sa pinaka-araw na ito. Ipinakita rin ni Dr. Schmidt ang mga unibersidad at ang pinaka-ideya ng mataas na edukasyon ay nanggaling sa Kristyanismo. Ang pinaka-bansa na ating tinitirahan ang Estados Unidos, natuklasan ng mga naniniwala sa Bibliyang mga Kristyano, na dumating dito para ma-obserbahan ang Kristiyanismo ng hindi nauusig.
Ngunit ang Amerika, at ang Makanlurangang mundo sa karamihan, ay gaya ng siyam na leproso na napagaling at pumunta sa kanilang daan, ng hindi manlang nagpapasalamat kay Kristo sa pagpapagling sa kanila. Oo, ang ating kultura sa Europa at Amerika ay napagaling ng Kristiyanismo ng maraming karamdaman na bumaha sa sangkatauhan ng maraming siglo. Kaya ito ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagsisipunta pa rin sa Amerika. Hindi mo makikita ang kahit sinong sumusubok mamalagi sa Pakistan, Indiya, o kahit anong Arabong bansa! O hindi! Lahat sila’y gustong pumunta rito – dahil tayo ay lubos na biniyayaan sa ating kultura ng ating Kristiyanong pinagsimulan.
Ngunit tinalikuran na ng Amerika si Kristo. Tayo ay hindi higit na mapasalamat kesa doon sa siyam na leproso na pinagaling – at umalis ng walang tunay na pasasalamat kay Kristo.
Ngayon sa Amerika 74% ng mga tao ay nagsasabi na “gumawa ng pagkakasundo kay Hesu-Kristo.” Isang biro! Isang bagong pag-aaral ang nagpapakita na ang mga Bautismong nakatira sa Timog ay mas marahil na grupo ng mga diborsiyo. “Sa buong bansa 29 porsiyento ng lahat ng mga Bautismong matatanda ay naging diborsiyo na” (isinalin mula sa Barna Research Group, March 2000). Ang nakakagulat na katotohanan ay ang pinangalanang mga “born again” na Kristiyano ay mas marahil na grupo ng mga diborsiyo – mas maraming higit kesa sa mga Hudyo, Katoliko, o kahit anong mga grupo. Anong ipinapakita nito? Bakit, ipinapakita nito na ang Amerikanong Kristiyanismo ay magulo – iyan ang ipinapakita nito!
Sinabi ni Billy Graham mga ilang taon na ang nakalipas,
Mukhang ang moral na salopilan sa Kanlurang mundo ay nabibiyak ng pabukas. Ang mga bagay sa telebisyon at ang mga pelikula, at ang panunulat na binabasa ng mga tao, ay magagawang makaramdam ng hiya si Sodom at Gomorrah (isinalin mula sa prayer letter, January, 1998).
At ano ang tungkol sa mga simbahan sa Amerika? Sa 15.9 milyong Katimugang Bautismo, 10.7 milyon ang hindi pumupunta ng umaga sa Linggo. Tama yan – dalawa’t katlo noong tumatawag sa sariling Katimugang Bautismo ang hindi kailanman nagpunta sa simbahan! Higit pa sa kalahati ng lahat ng Katimugang Bautismo ang nagbigay ng kulang pa sa $1.00 bawat isa noong isang taon. Tama yan – maliit pa sa isang dolyar kada taon!
Ang Ebanghelikong Kristiyanismo sa Amerika ay isang biro. Halos wala itong epekto sa lipunan. Ang mga Ebanghelikong Kristiyano ay hindi nagdarasal, hindi nanalo ng mga kaluluwa, hindi nagbibigay ng abuloy, at hindi tapat sa kanilang lokal na simbahan tuwing Linggo, umaga at gabi. Anong kinabuti ng mga Amerikanong “Kristiyanong” ito? Sinasabi ko hindi sila mabuti sa kahit ano!
“Sapagka't sinasabi mo, Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad… isusuka kita sa aking bibig” (Apocalipsis 3:17, 16).
Ang karaniwang Amerikanong tinatawag na “born again” na Kristiyano ay isusuka mula sa bibig ni Kristo patungo sa apoy ng Impiyerno.
“Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga… sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22-23).
Paano ka? Ikaw ba ay isang Amerikanong “Kristiyano,” mabuti sa wala, tamad, malupit, laging wala sa simbahan, walang pananalangin, makasarili, niloloko ang sariling hindi napagbabagong loob na makasalanan – hangana’y Impiyerno? Sinasabi ko na ang mga Amerikanong “Kristiyanong” katulad mo ay kahihiyan sa pangalan ni Kristo! Asaan sila sa oras ng panalanging pagtitipon? Asaan sila sa oras ng pagsasaksi? Asaan sila ng karamihan ng mga gabi sa Linggo? Iyan ang sinabi ni Hesus tungkol doon sa siyam na mga leproso, “datapuwa't saan nangaroon ang siyam?” (Lucas 17:17). Nakakuha sila ng materyal na paggaling at materyal na tulong mula kay Hesus – at nagsipunta sa kanilang walang pasasalamat na daan – ligaw at papunta sa Impiyerno – katulad ng maraming mga Amerikano! Sinabi ni Hesus,
“Datapuwa't saan nangaroon ang siyam? Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa”
(Lucas 17:17-18).
II. Pangalawa, ang mga inuusig na mga Kristiyano sa Tsina
ay nagpapakita ng tunay na pagbibigay pasasalamat.
Ang Amerikanong Pagbibigay Pasasalamat sa kalakihan ay isang kadayaan – isang biro. Palalamunin ng tao ang kanilang mga sarili ng pagkain ng may maliit na pagiisip kay Kristo. Ngunit sa Tsina mayroong isang tunay na pagbibigay pasasalamat sa umagang ito.
Mga bagong arkeyolohikong ebidensiya ang naglalantad na ang Kristiyanismo ay unang dinala sa Tsina noong 86 A.D., sa loob ng panahon ni Apostol Juan. Ang Ebanghelyo ay tinanggihan ng Tsina sa panahon na iyon. Ang mga Nestoriang Kristiyano ang nagdala ng ebanghelyo sa Tsina sa pangalawang beses noong 635, sa ilalim ng pangangaral ni Alopen at ng iba pa. Ang Kristiyanismo ay nakakuha ng kapit pagkatapos ay ang mga tao ay napagbagong loob kay Kristo sa Tsina ng mga isang daan at anim na pu’t limang taon. Sa ika-siyam na siglo ang mga Nestoriang Kristiyano sa Tsina inusig at tinigil ang pamamalagi bilang isang grupo, bagaman ang ilan sa kanilang mga simbahan ay nakatayo pa rin hangang ngayon.
Pagkatapos noong 1807 ang Kristiyanismo ay ipinakilala sa Tsina ng pangatlong beses, noong ang Britanyang misiyonaryong si Robert Morrison ay nakarating sa Macao at nagsalin ng Bibliya sa Tsino. Bininyagan niya ang isang Tsinong napagbagong loob bago ng kanyang pagkamatay noong 1834. Walong taon ang nakalipas ang Treaty ng Nanjing ng 1842 ay nagpahintulot ng mga banyagang misiyonaryo na malayang pumasok sa Tsina. Nangangaral mula sa isinalin ni Morrison sa Tsino na Bibliya, ang mga misiyonaryo ay nagsimulang makakita ng maraming pagbabagong loob. Pagkatapos ng dalawampu’t tatlong taon, taon 1865 ang dakilang Britanyang misiyonaryong si James Hudson Taylor ay nagsimula ng pagtatayo ng una niyang 205 na estasyon para sa pangangaral (o mga misiyon) sa kalalilaliman ng loob ng Tsina. Mga 1928 ang bilang ng mga misiyonaryo sa Tsina ay umabot sa 8,325. Libo-libong mga Tsino ay napagbagong loob kay Kristo sa ilalim ng kanilang mapagsakripisiyong pangangasiwa.
Ang mga komunista ay dumating sa kapangyarihan ng taon 1949 at nagsimulang iwaksi ang lahat ng mga banyagang misiyonaryo. Isa sa mga huling umalis ay si Bb. Gladys Aylward, na ang kwento ng kanyang katapangan ay inipakita sa pelikulang pinamagatang “Inn of the Sixth Happiness.” Nagkaroon ako ng pribilehiyong marinig si Bb. Aylward na ibigay ang kanyang testimonyo ng personal ng tatlong oras, sa taong 1962. Yoon ay isang nakakagalaw ng kaluluwang testimonyo, at naalalala ko pa ngayon ang karamihan ng kanyang sinabi, mahigit apat na pung taon ang nakalipas.
Kasama ng pagwawaksi nila ng mga banyagang misiyonaryo mula sa Tsina, tapos ay pinagbawal rin ang pagtatalaga ng mga Tsino mismo. Dito sa panahon na ito ang aking dating pastor, si Dr. Timothy Lin, ay umalis ng Tsina upang aralin ang teologio at Semitic na mga salita sa Estados Unidos. Marami akong nalaman tungkol sa kung ano ang nangyari sa Tsina bago namuno ang mga Komunista mula mismo sa aking pastor, na si Dr. Lin, na ngayon ay nalalapit na 97 na taong gulang. Bago nagpunta at ipinastor ang aming simbahan sa Los Angeles, ay nagturo si Dr. Lin ng teologia sa pagtatapos na departamento sa Bob Jones University ng maraming taon. Pagkatapos si, Dr. Lin ay nagpunta upang ipastor ang aming simbahan sa Chinatown. Ang pangangasiwa ni Dr. Lin ay gumawa ng malalim na impresiyon sa aking buhay noong taon 1960s, alin ako’y kahit magpakilanma’y nagpapasalamat. Tinuruan niya ako na magkaroon ng lubos na pananampalataya sa Bibliya bilang pinaka Salita ng Diyos. Ang ama ni Dr. Lin ay naging isang pastor din, sa lumang Tsina, bago ang rebolusiyon noong taon 1911.
Pinagbawal ng mga Komunista ang kahit sinong Tsino mula sa pagtatalaga sa pangangasiwa mula sa taong 1955 at 1985. Ang pagtatalaga ay dapat isagawa ng palihim sa gitna noong mga lihim na grupo ng “bahay simbahan.” Noong taon 1995 ipinagbawal ng mga Komunista ang tinatawag na “masamang kulto” sa grupo ng bahay simbahan. Ibinigay nila ang pangalan ng mga “masasamang kulto” sa pinakamagaling na mga Kristiyano sa Komunistang Tsina!
Si Jonathan Chao ay mayroong naisulat sa pinakabagong isyu ng Reformation Today (Nobiyembre-Disiyembre 2000) kung saan sinasabi niyang, “Sa Tsina, ang Protestanteng Simbahan ay lumaki ng isang daang beses noong huling limampu’t taon (1950-2000) sa ilalim ng mahirap na panahon at sa isang malupit na kapaligiran. Ang paligid na iyon ay naging isa sa mga pag-uusig ng mga walang pinaniniwalaang diyos [Komunistang] pamahalaan” (isinalin mula sa Reformation Today, Nob.-Dis. 2000, pah. 3).
Nagpatuloy si Chaos sa pagsasabing, “Noong Enero 1950…mayroong 834,000 na mga Protestanteng…miyembro. Ngayon, habang walang mapagkakatiwalaang siyatsatin ang kakinakinabang, ay isang inaral na kuro ang maglalgay sa mga bilang ng mga naniniwala sa malapit sa 85 milyon…70 milyon ay nahanap sa iba-ibang mga bahay simbahang nakakalat sa buong lupain” (ibid.). Tinatapos niya sa pagsasabi ng “Ngayon sa Hilaga at Hilagang-silangang Tsina ang mga balita ay nagpapakita ng mayroong isang simbahan sa bawat barangay” (ibid.).
Sinasabi sa atin ni Chao ang tungkol sa isang katakatakang paglaki ng mga Tsinong simbahan sa ilalim ng masidhing pag-uusig. Bumanggit siya ng mga mapagsampalatayang pastor tulad ni Wang Mingtao (1900-1991) kung sino ay nakulong ng dalawampu’t tatlong taon dahil sa pangangaral ng enbanghelyo; si Yuan Xiancheng ng Beijing, kung sino ay nakulong ng dalawampung taon, at pinastor ang isang simbahan simula noong 1979; Xie Moshan ng Shanghai, kung sino ay nakulong ng dalawampung taon; at si Samuel Lam ng Guangzhou, kung sino ay naggugol ng dalwampung taon sa kulungan dahil sa pangangaral ng ebanghelyo ni Kristo.
Ang mga bukod-tanging mga pastor na ito, at ang libo-libo pang mga ibang lubos na mga dibotong tao ang nanguna sa mga simbahan sa Tsina sa isang pumuputok na muling pagbabangon, ang pinakadakilang muling pagbabangon sa lupa sa huling limampung taon.
Sinasabi ni Jonathan Chaos sa atin, “Bilang isang mag-aaral ng Tsinong pag-aaral ng simbahan, masasabi ko na ang nagaganap sa kasalukuyang paglaganap ng mga simbahan sa Tsina ay pumasa na sa punto ng [Komunistang] pamahalaang kakayahang panghawakan ito. Mayroon ng mas maraming mga Kristiyano kesa mga [Komunistang] mga miyembro ng partido, na ang iba ay lumiliko kay Kristo” (ibid.).
Ang tagumpay ng makapangyarihang muling pagbabangon na ito ay kamanghamangha, lalo na kung maisip mo ang dakilang paghihirap ng maraming Tsinong Kristiyano na kinailangan nilang tiisin. Ang website na religiousfreedomforchina.org/English ay nabigay ng maraming balita na naglalarawang kung ano ang nangyari sa libo-libong iba sa Tsina:
Sa lokal na estasiyon ng pulis, inusig ng mga pulis at pinahirapan sila. Nang may Bibliya sa kanyang kamay na nahanap niya mula kay Yuxi Wei, isinigaw ni Yang Zhang kay Wei, “Saan mo ito nakuha? Sino ang iyong pinuno?” Bago pa man magkaroon ng pagkakataong sumagot, hinampas siya ni Zhang ng maraming beses sa mukha, at pagkatapos ay gumamit ng dekoryenteng pamalo ng pulis upang paluin si Wei sa tengga. Nakikita si Wei na umuungol sa ilalim ng pamalo, sumigaw si Zhang, “Kailangan naming bigyan ka ng paghihirap dahil naniniwala ka sa Diyos.” Pagkatapos ay sinabihan niyang muli ang isang pulis, “Pumunta ka at tignan mo kung ano ang nangyayari kay Xiang. Paluin ninyo siya sa kamatayan kung tatanggi siyang umamin!”
Mga 9:00 ng gabi ng ika-isa ng Hulyo taon 2002, si Zefeng Ma at Junfeng Zhang, ang puno at kasamang puno ng Political Protection Section ng Public Security Department ng Xiangcheng City, Henan Province, kasabay si Yaolin Xue, ang director ng Huancheng Road Police Station ng Xiangchang City, at ang ibang pulis ay pwersahang pumasok sa bahay ng Kristiyanong si Xing-ai Wei. Ng walang pinapakitang legal na dokumento, kanilang minangloob ang buong bahay na parang mga magnanakaw. Pagkatapos ay kinuha si Xing-ai Wei at ang mga himno at mga Bibilya sa Huangcheng Road Police Station.
Sa estasiyon ng pulis, sumigaw si Junfeng Zhang sa kanyang kapatid na si Wei, “Umamin ka na! Saan nanggaling ang mga Bibliya?” Pagkakita na tumangging magsalita si Wei ng kahit ano, hinila ni Zhang ang kanyang buhok at mabagsik niyang hinampas ang kanyang mukha [gamit ang] isang narolyong libro ng ilang sandali, pagkatapos ay sumigaw, “Gaano ka tagal ka nang naniniwala sa Diyos?” Si Wei ay nanatili pa ring tahimik. Pagkatapos ay nawalan na ng pasensiya si Zefeng Ma, at hinila ang kanyang buhok at sinampal siya sa mukha ng masidhi hangang sa ang mukha niya’y namanhid. Pagkatapos ay si Yaoling Xue naman. Hinila rin niya ang kanyang buhok at pinalo ng matindi. Si kapatid na Wei ay mas pinahirapan at inabuso hangang 2:00 am ng gabi.
Hindi sila nakakuha ng kahit ano mula sa kanya, kaya pinadala nila siya sa sentro ng piitan sa lungsod kung saan siya ipiniit ng limang araw sa ilalim ng pamumuno ng “organisasyong kulto.” Pagkatapos na ang pamilya niya’y nagbigay kay Zefeng Ma ng ilang regalo ng 700 RMB (mga $88), siya ay pinakawalan sa pamamagitan ng kabayarang multa na 500 RMB (mga $62).
Mga 7:00 ng sumunod na umaga, dumating si Xian Li, ang direktor partido ng Political Protection Division ng bansa Public Security Department. Gumamit si Li ng balat na sinturon na pinanghampas kay Kapatid na Cai hangang sa madugong mga pasa ang nagkalat sa buong mukha niya at sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Pagkatapos ay hinigpitan nila siya sa isang bangko, at sinundot ng de-koryenteng linya. Hindi matiis ni Kapatid na Cai ang koryente, at sumigaw siya at umulong. Pagkatapos ay sinipa siya sa sahig ni Li, at pinadyakan sa mukha, sumisigaw na, “Puputulin ko ang iyong [maselang bahagi] kung hindi ka aamin na naniniwala ka sa Diyos!”
Si Pastor Richard Wurmbrand ay nagugugol ng labing-apat na taon ng papahirap at paghihirap sa Rumaniang Kumonistang kulungan, kung saan sumaksi siya sa tapang at pagtitiwala ng daan daang mga Kristiyano. Nagkaroon ako ng pribilehiyong makilala si Pastor Wurmbrand ng maiigi. Ang aking asawa at ako ay naghapunan kasama siya at si Ginang. Wurmbrand sa kanilang tahanan maraming taon ang nakalipas. Sa kanyang librong, Tortured for Christ, sinabi ni Pastor Wurmbrand,
Kailangang maintindihan na walang nauukol sa pangalan, hati ang loob, maaligamgam na Kristiyano sa…Tsina. Ang mga halaga ng Kristiyano ay malayong dakila. Ang sunod na puntong kailangang tandaan ay na ang paguusig ay laging gumagawa ng masmaiging Kristiyano – ang isang sumasaksing Kristiyano, isang nananalo ng kaluluwang Kristiyano. Ang Kumonistang paguusig ay bumaligtad at naglabas ng mga seryosong, dibotong mga Kristiyano na hindi na madalas makita sa mga malayang lupain [tulad ng Amerika]. Hindi maintindihan ng mga taong ito kung paano ang kahit sino ay maging Kristiyano at hindi magnais na manalo ng mga kaluluwang masalubong nila [kay Kristo] (isinalin mula sa isinulat ni Rev. Richard Wurmbrand, Tortured for Christ, Diane Books, 1976, p. 105).
Ang mga Kristiyano sa Tsina ay katulad ng Samaritanong leproso, kung sino ay sinabi ni Kristong,
“Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa. At sinabi niya sa kaniya, Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya” (Lucas 17:18-19).
Gusto kong matulad sa mga Tsinong Kristiyano ng mas possible. Ayaw kong matulad sa mga pangkaraniwang Amerikanong “Kristiyano.” Sa umagang ito, mangangako ka ba sa Diyos na susundan mo ang halimbawa ng mga Kristiyanong Tsino, anoman ang kapalit? Mangangako ka ba na laging asa simbahan ng gabi tuwing Linggo – anoman ang mangyari? Mangangako ka ba sa Diyos na tulungan kami ng buong puso, na gawin ang simbahang ito, ang Baptist Tabernacle, na maging kapareho noong mga simbahan sa Tsina kung possible? Kung oo, maaring magpunta sa Pagbibigay Pasasalamat na Linggong ito sa harapan ng simbahan at lumuhod habang kinkanta natin ang, “Nakapagdesisyon na Akong Sundan Si Hesus.” Hindi ko hinihingging lumapit kayo rito sa harapan para sa kaligtasan. Maari nating pag-usapan iyan may-maya kung nais mo. Hinihinggi ko lamang na lumapit ka at iaalay ang iyong buhay sa uri ng Kristiyanismong mayroon sila sa Tsina.
(KATAPUSANG NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Lucas 17:11-19.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mala-sukat ng lupaing mga Diyamante”
(isinalin mula sa “Acres of Diamonds”
[akda hindi kilala].
BALANGKAS NG PAGBIBIGAY PASASALAMAT SA TSINA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At pagsagot ni Jesus ay nagsabi, Hindi baga sangpu ang nagsilinis? datapuwa't saan nangaroon ang siyam? Walang nagbalik upang lumuwalhati sa Dios, kundi itong taga ibang lupa? At sinabi niya sa kaniya, Magtindig ka, at yumaon ka sa iyong lakad: pinagaling ka ng iyong pananampalataya” (Lucas 17:17-19). (Juan 4:9; Lucas 17:15-16) I. Una, binabalewala ng Amerika ang mga biyaya ng Diyos, II. Pangalawa, ang mga inuisig na mga Kristiyano sa Tsina |