Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PANGANGARAL SA PANAHON NG PAGTALIKOD
SA DATING PANANAMPALATAYA!

PREACHING IN A TIME OF APOSTASY!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral ng Gabi sa Araw ng Panginoon,
ika-23 ng Sityembre taon 2007 sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles

“Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig. At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila.” (Ezekiel 3:9-11).


Hinggil sa pangatlong kapitulo ng Ezekiel, sinabi ni Spurgeon,

Tiyak na ito ay isang malalang pagkakamali ng kasalukuyang panahon na inisiip ng mga taong ang kanilang mga mangangaral ay takdang maging [mainam at mahinhin-magsalita]. Bakit [ito ba’y totoo] kung ang layunin ay upang bigyang babala ang isang makasalanan na tumakass mula sa poot na darating? Natatakot ako na ang aking mga kapatid [sa pangangasiwa] ay nalilimutan ang kanilang tunay na utos, at nagsisikap na masilaw kung sinong pinadala ng Panginoon para bigyan sila ng babala. Kung ang isang tao ay tulog, at kinailangan ko siyang gisingin, hindi ko kailangang luminang ng isang mainam na tenor na boses alin ay makakantahan siya palabas sa kanyang mga idlip; Kailangan kong tumawag ng ma’y sapat na kalakasan at pagkakaiba hangang sa siya ay masindak (isinalin mula sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “The Message From the Lord’s Mouth,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1972 reprint, vol. XXIV, p. 482).

Sa panahon na itong maraming mga simbahan ang naggugugol ng tatlo-kapat ng kanilang mga paglilingkod sa musika, maari bang dinggin nating muli si Spurgeon, “hindi ko kailangang luminang ng isang mainam na tenor na boses alin ay makakantahan siya palabas sa kanyang mga idlip”! Sa panahon ng malumanay-na-pananalitang “ma-paliwanag na pangangaral,” maari bang dinggin natin ang “Prinsipe ng mga Mangangaral” habang sinabi niyang, “…ang layunin ay upang bigyang babala ang isang makasalanan na tumakas mula sa poot na darating”!

Sa loob ng isang araw ng mainam na “pagtuturo ng Bibliya” maaring tayo’y muling magising upang dinggin ang pinakadakilang Bautistang mangangaral ng panahong nagsabing, “Kailangan kong tumawag ng ma’y sapat na kalakasan at pagkakaiba hangang sa [ang makasalanan] ay masindak”! Amen! Naway ang Diyos ni Ezekiel at Spurgeon ay magpadala ng mga kalalakihang sisindak ng mga tao sa mga simbahan. Hindi mga ministrong naghahangad na kantahan ang isang tao palabas ng kanyang pagkatulog, sa halip ay mga ministrong mangangaral “ng ma’y sapat na kalakasan at pagkakaiba hangang sa siya ay masindak.” Ito ay hindi simpleng malakas na pangangaral. Ito ay dapat mas higit pa riyan. Ito ay dapat “nakasisindak” na pangangaral kung ito na makabubuti sa atin! Kailangang tumagos ito sa konsensiya o ito ay hindi makatutulong sa mga ligaw na mga makasalanan. Iyan ang pangangailangan nitong mapagtaksil na oras!

Sinasabi nilang ito ang “matandang” paraan ng pangangaral. Sa loob ng isang modernong panahon, sinasabi nilang, kailangan natin ng isang masalaysay na pangaral o isang talinghaga, na ang paraan upang mahimok ang “modernong” tao ay magmungkahi, ng napaka malumanay, na mumunting mga “piranggot” ng Ebanghelyo. Kakabasa ko lang ng libro ni Dr. John A. Broadus na On the Preparation and Delivery of Sermons. Isa sa mga kapitulo ay pinamagatang, “Contemporary Approaches to Sermon Delivery.” Ako’y nagulat ng nahanap ko na inirerekomenda ni Dr. Broadus “ang maikling kwentong” sermon,” “ang matalinghagang sermon,” “ang panayam na sermon,” “ang mga tugtugin at mga larawang pantulong,” “mga layong aral,” “madramang palabas,” “drama at pangangaral,” “ang madramang monologo,” “ang dayalogong teknik” at ang “dako ng dambana sa simbahang dayaolgo.” Ang tawag kay Dr. John A. Broadus (1827-1895) ay isang “ulirang mangangaral” sa kanyang panahon. Ang nagpagulat sa akin ay ang bagay na sasabihin niya sa mga pangasiwang mga estudyante na gamitin yoong mga “kontemporaryong pamamaraan.” Hangang sa tinignan ko ang mga tanda sa ibaba at aking natanto na ni isang salita ng kapitulong ito ay hindi isinulat ni Dr. Broadus mismo! Ito ay isang “inayos ng muling” edisyon, at ang kapitulo ay isinulat ng isang bagong-ebanghelikal! Si Dr. Broadus mismo ay hindi kailanman magsasabi sa isang mangangaral na gawin ang mga bagay na yoon sa pulpito ng isang simbahan!

Ngayon tayo’y magpunta sa ating teksto, sa Ezekiel kapitulo tatlo. Anga mga dakilang mga sipi na gaya nito ay nagbubuhos ng matinding ilaw sa kung paano tayo ay dapat mangaral. Dito matutuklasan natin ang tatlong walang pinapanahong mga tanda ng mga tunay na pangangaral.

I. Una, hindi dapat katakutan ng mangangaral ang mga tao.

Maaring magsitayo at basahin ang Ezekiel 3:9 ng malakas.

“Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan” (Ezekiel 3:9).

Maari na kayong pagsiupo.

Sinabi ng Diyos kay Ezekiel, “aking pinapagmatigas ang iyong mukha laban sa kanilang mga mukha” (Ezekiel 3:8). Kanino laban ang mukhang ginawang matigas? Ginawa itong matigas laban doon sa mga “hindi [makikinig na] sangbahayan ni Israel; sapagka't hindi nila ako didinggin” (Ezekiel 3:7). Karamihan ang mga tao ay hindi makikinig kay Ezekiel habang kanyang inihahayag ang Salita ng Diyos. Gumawa ng haka-haka si Mathew Henry na “Si Ezekiel ay likas na mahiyain at matatakutin, ngunit kung hindi siya nahanap ng Diyos na nararapat, gayon man sa pamamagitan ng kanyang biyaya ginawa niya siyang nararpat, na harapin ang pinakamatinding mga kahirapan” (Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson Publishers, 1996, volume 4, p. 601).

Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones na ang mga nakabasa sa Mga Isinulat ni George Whitefield,

Isa sa mga pinakadakilang mangangaral ng lahat ng mga panahon, ay maalala ang kanyang pag-aalinlangan tungkol sa pangangaral. Siya ay binabalaan nito, siya ay nagulat. Ang pangangaral ay napakalaking bagay, at siya ay lumusot sa mapakukundangang paghihirap ng isip at ng espiritu (isinalin mula sa isinulat ni Martyn Lloyd-Jones, M.D., Knowing the Times, The Banner of Truth Trust, 1989, page 262).

Ang ulirat na babala ng mangangaral ay maaring makita sa pamamagitan ng pagbabasa ng isinulat ni Whitefield na Journals at ang dalawang-bahaging gawa ni Luke Tyerman na, The Life of the Reverend George Whitefiled (isinalin mula sa Need of the Times Reprint, 1995). Bilang isang pulos na kabataan ng dalawampu’t isa, sinabi ni Whitefield, “madali kong nahanap ang sarili kong gaya ng isang tupang dinala sa harap ng halubilo ng mga lobong nakasuot ng damit ng tupa; dahil dagling nagsikap upang pigilin ako [pigilin ako mula sa pagiging seryoso] …” (isinalin mula sa vol. I, p. 33). Noong unang nangaral si Whitefield, sinabi ni Tyerman, “Dati’y hindi kailanman na ang isang batang saserdote ng Simbahan ng Inglatera, dalawampu’t limang taon lamang ang edad, [ay gumawa] ng isang kilos na ganito [sa pagsusulat ng isang guhit na ukol sa pagsulat ng kasaysayan ng kabuhayan ng isang tao ng kanyang pagbabagong loob]. Ang mga obispo at mga saserdote, mga diakono at [mga manunulat] ng lahat ng mga paglalarawan ay nayayamot na nagulat, marami ay halos naggigitgit ng mabangis” (isinalin mula sa ibid., page 45)

Para sa isang kaibigan isinulat ni Whitefield, “Bukas ako ay mangangaral sa Crypt [Sta. Maria ng Crypt], ngunit maniwala ka sa akin, mayayamot ang ilan sa akin, sa aking determinasiyong magsalita ng labag sa kanilang mga kapulungan. Kailangan kong sabihin sa kanila ang katotohanan, kung hindi ay hindi ako isang tapat na ministro ni Kristo.” Dumating ang bukas at nangaral si Whitefield ng kanyang unang pangaral. Sinabi ni Whitefield, “Habang ako ay nagpatuloy [mangaral] namataan ko na isang apoy ay sumindi, hangang sa wakas, kahit napaka bata, at sa gitna ng isang madla na kilala ako noong mga araw pa ng kamusmusan, nagtiwala ako na ako ay ikinayang magsalita ng may ilang antas ng awtoridad sa ebanghelyo. Pinintasan [ako] ng ilan, ngunit karamihan sa kasalukuyan ay mukhang nabigla; at yamang narinig ko na isang reklamo ay giniwa sa mga obispo na labinlima ang napainis ko [nang nababaliw]” (isinalin mula sa Tyerman, ibid., p. 50).

Sa ganitong paraan nagsimulang gawin ng Diyos ang ulo ni Whitefield na “parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato” at upang sabihin sa kanya,

“Huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin” (Ezekiel 3:9).

Sinabi ni Tyerman, “Kaya walang pagtataka na isa sa kanyang walang pinagaralang mga tagapakinig ay nagsabing, ‘Nangaral siyang parang isang leon’” (isinalin mula sa Tyerman, ibid., p. 51).

Ang sarili kong unang sermon ay tinanggap ng parehong paraan. Ako ay batang bata pa noon. Tinanong ako ng pastor na magsalita sa isang malaking pulong ng mga kabataan sa simbahan. Marami sa kanila ay mahalay. Humingi ako sa Diyos sa panalangin ko para sa isang tekstong, at ibinigay Niya sa akin ang Santiago 2:20,

“Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?” (Santiago 2:20).

Yan ang naging tema ng una kong sermon. Pagkatapos dinala ako sa labas ng direktor ng kabataan at sinabihan ako na sa wala anomang hindi tiyak na mga hanganan ay hindi kailanmang mangangaral ng katulad noon muli. Alam ko sa aking puso na tinawag ako ng Diyos ngunit napahiya ako ng lubusan na hindi na ako nangaral ng muli ng maraming taon. Tapos, ay unti-unti, aking nadaig ang takot at nagsimulang mangaral ng mga ebanghelistikong sermon.

Maski paano, malimit kong alam na ang mga masikap na sermon ay dapat magsimula sa utos. Yan ay, ang masikap na sermon ay dapat humatol ng kasalanan at magdala ng isang nawalang tao sa kanyang sariling pagkakilala na siya ay makasalanan at wala ng pag-asa. Si Whitefield ay malawakang tinuturing na ang pinakadakilang mangangaral ng masikap na sermon ng lahat ng panahon. Sinabi niya,

Paano sila tatayong [ligtas], sinomang hindi pa kailanman nakaramdam sa sarili nilang hinatulang mga criminal? sinong hindi kailanman nagpasan ng may isang pagiisip, hindi lamang ng kanilang aktwal kundi pati ng orihinal na kasalanan, lalo na ang mga umaalipustang kasalanan ng hindi paniniwala?...Dahil ang pangangaral sa ganitong paraan…nanunugat ang mga ito ng malalim bago ito magpagaling…maingat ang mga itong hindi magpaginhawa ng sobra at lubos iyong mga nakilala na ang sariling pagkamakasalanan (isinalin mula sa Tyerman, ibid., p. 393).

Yan ay isang ganap na kailangan sa tunay na masikap na pangangaral. Ang mangangaral ay dapat manugat ng konsensya ng makasalanan ng malalim kung hindi ay mawawalan ng tunay na pagbabagong loob. Hindi ako sigurado kung bakit, ngunit aking nalaman yan mula sa sandaling ako ay tinawag na mangaral. Hindi ka makakapagpangaral ng masikap ng hindi nanunugat ng tao at naghahatol ng kanilang kasalanan at kanilang mga pinaka-kalikasan, yan ang kanilang angking pinagkaitang mga puso.

Ako noo’y madalas na sinsabihan na isang magaling na mangangaral noon ako ay bata pa. Sinabi sa akin ng propersor ng homelitika (pangangaral) ng Bautismong seminaryo na malayo ang mararating ko, ngunit kailangan kong tumigil mangaral “ng ganoong paraan” upang matupad ito. Sinabihan ako na “hindi naman kailangan ngunit ang mga tao ay mababalisa dahil rito.” Siyempre, ang naisip ko ay lubos na kailangan na sila ay mabalisa! Kung hindi sila magiging balisa hindi sila mapagbabagong loob! Ang buong punto ng masikap na pangangaral ay upang mabalisa ang mga tao – bago ilahad ang Ebanghelyo. Kung ang tao ay hindi magiging balisa sa pangangaral hindi sila makatatakas papunta kay Kristo para sa kaligtasan!

O, alam kong marami ang “magtataas ng kamay” sa katapusan ng isang pag-aaral ng Bibliya o isang malumanay na sermon. Alam kong bibigkas sila ng isang “panalangin ng makasalanan” kung hinggin ng mangangaral na gawin nila. Ngunit alam ko rin na halos lahat na gumagawa ng mga bagay na iyan ay nanatiling hindi napapabagong loob – naliligaw pa rin, pupunta pa rin sa Imperyno. Nang walang pagiging balisa sa kalooban ng sarili walang tunay na pagbabagong loob. Hiling ko sa bawat mangangaral na basahin ang unang dalawang kapitulo ng libro ni Iain H. Murray, na The Old Evangelicalism: Old Truths for a New Awakening (The Banner of Truth Trust, 2005). Inilalabas ni Murray ang isang matinding katotohanan ng may kagilgilalas na kalinawan. Buong puso kong nirerekomenda ang librong ito sa lahat ng mga sinomang mangangaral na interesado sa tunay na pagbabagong loob.

Pagkatapos makipagmatwiran ng maraming taon sa puntong iyan sa malumanay na mga “guro ng Bibliya,” naging tumitinding nahikayat na ang position ni Whitefield ay tama at ang modernong “pangangaral” ay napawi sa kamalian. Ngunit kailangan muna akong ipadpad sa isang lugar ng walang pakialam kung ano ang iisipin ng ibang mga mangangaral ukol sa aking mga sermon. Nangailangang mapadpad ako sa isang lugar ng hindi nangangailangan ng pahintulot – bago ako makapagsalita gaya ng gusto ng Diyos na ako ay magsalita. Kinailangan kong mawala ang lahat ng pahintulot. Kinailangan kong mawala ang maraming mga kaibigan, at aking mga pag-asa at mga pangarap, at yoong mga pinakamalapit sa akin, bago ako makakapangaral sa paraan na gusto ng Diyos na ako’y mangaral. Kinailangan kong pagdaanan ang isang hamak na karanasan ng pagkatanggi at pag-iisa isang gabi sa San Francisco bago masabi ng Diyos sa aking, “Ngayon mangangaral ka para sa akin. Ngayon mangangaral ka kung ano ang gusto Kong sabihin mo, hindi kung ano ang gustong marinig ng mga tao.” Sa loob ng mga oras na ito na nagsalita ang Diyos sa akin mula sa pinaka tekstong binabasa natin ngayong gabi,

“Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin” (Ezekiel 3:9).

Nangaral ako sa ganoong paraan simula ng gabing iyon. Ang Diyos Mismo ang kumukuha ng aking takot sa tao. Panahon at muli, yamang sa gabing iyon, sinabihan ako ng ang mga mangangaral na hindi ako makakapangaral sa “paarang yoon.” Panahon at muli sinabihan nila ako na magaling na magangaral, ngunit masayadong “negaitbo.” Ngunit hindi ko na sila muling pinakinggan, dahil naranasan ko ang Diyos, kung sino ang nagsbi sa aking,

“Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin” (Ezekiel 3:9).

Hiling ko na bawat kabataang mangangaral ay pagdaanan ang karanasang tulad nito – upang iwalay siya palayo sa makataong pagpupuri, at gawin siyang isang instrumento sa mga kamay ng Diyos. Wala ng mashigit na makapangyarihan kesa sa isang tao na nangangaral ng tulad ni Richard Baxter, kung sinong kilalang nagsbing,

“Nangangaral ako gaya ng hindi kailanman tiyak na mangangaral muli, at gaya ng isang taong namamatay para sa mga taong namamtay,”

“Sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila [Makinig man sila o tummanggi man silang makinig]” (Ezekiel 2:5; 3:11).

Ganito, ay naniniwala ako na ang isang karanasang katulad ng kay Ezekiel ay dapat na dumating sa bawat batang mangangaral kung siya ay gagawa ng kahit anong tunay na kabutihan bialng isang ebanghelista, gaya ng isang tagawagi ng kaluluwa, sa kanyang pangangaral. Kung siya ay gagawa ng kahit anong magtatagal na kabutihan sa panahon ng pagtalikod sa dating pananampalataya, dapat hindi siya matakot sa mga taong kinakausap niya.

“Huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin” (Ezekiel 3:9).

Mga pinangakuang pagpapangaral ang nawala dahil rito. Ngunit sinong may kailangan sa kanila? Masmabuti ng mawalan ng mga pinangakuang pananalita kesa sa matakot sa mga makasalanan.

Ngayon ay natanto kong binigyan ako ng Diyos ng isang maganda, kaibig-ibig, puspos magtrabaho at tapat na asawang, si Ileana, na mahal si Hesus at tinunulungan ako sa lahat ng bahagi ng aking pangangasiwa. Mayroon kaming dalawang mabuting lalaking mga anak na nakatapos ng kolehiyo. Isa sa kanila ay isang CPA, na nagtratrabaho para isang mataas na organisasiyon. Ang isa naman ay nag-aaral sa isang Bautismong seminaryo. At mayroon kaming isang kakaibang matibay na simbahan na sumosoporta sa aking pangangaral ng lubos. Kakaunting tahimik, matatakutin na mga mangangaral ay makakasabi ng ganyan din! Ngunit nagbigay na ako ng maraming oras sa puntong ito, bagaman mahalaga ito: ang isang mangangaral ay dapat hindi matakot sa mga taong kausap nila kung hanggad niyang makaligtas ng mga ligaw na kaluluwa mula sa mga apoy ng Imperyno!!

II. Pangalawa, ang mangangaral ay dapat magsalita ayon sa kung ano ang natanggap niya mula sa Diyos.

Maaring magsitayo at basahin ang sunod na berso ng malakas, Ezekiel 3:10 at kahalahit ng berso 11 nagtatapos “sa mga salitang.”

“Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinig. At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios…” (Ezekiel 3:10-11).

Maari ng magsiupo.

Ang mangangaral mismo ay dapat mapakilos ng Salita ng Diyos. Kailangan niyang tanggapin ang Salita ng Diyos sa sarili niyang puso. Kailangan siyang “mag-alab” sa katotohanang siya ay nangangaral. Ang Espiritu ng Diyos ay dapat magbigay sa kanya ng mensahe at umapoy sa kanyang puso! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, sa libro niyang, Preaching and Preachers,

Kapag sinabi kong sikap ang ibig kong sabihin ay na ang isang mangangaral ay dapat maghatid ng impresiyon na siya mismo ay kinapitan ng mahigpit ng anomang sinasabi niya (isinalin mula sa isinulat ni Martyn Lloyd-Jones, M.D., Preaching and Preachers, Zondervan Publishing House, 1971, p. 87).

Linggo-linggo, ang pinakamatinding tungkulin dapat ng mangangaral ay ang tuklasin kung ano ang gusto ng Diyos na sabihin niya sa Linggo. Ang teksto at ang paksa dapat ay kumapit at kumilos sa kanyang sariling kaluluwa, kung hindi, hindi mapapakilos ng sermon ang kahit sino pang makaririnig nito sa Linggo.

Sinabi ng ilan na hindi mo dapat isulat ang iyong mga sermon. Pakiramdam nila na kung isusulat mo ito mawawalan ito ng apoy. Ngunit sa tinggin ko sila ay mali. Kung tinanggap ng mangangaral ang mensahe mula sa Diyos kaya niyang ipangaral ito sa sarili niya habang isinusulat niya ito. Ito ang ginagawa ko. Habang isinusulat ko ang tatlong sermon sa isang lingo, gumugugol ako ng maraming oras sa aking silid aralan nangangaral sa sarili ko, tinatanggap ang mensahe mula sa Salita ng Diyos, pinapangaral ito sa loob ng aking silid aralan, isinusulat ito, ipinapanalangin ito, tapos ibinibigay ito sa Linggo.

Ang pagkukusa ay madalas isang dahilan ng katamaran. Sinabi ni Jonathan Edwards’ “Ang mga Makasalanan na nasa Kamay ng isang Galit na Diyos” (“Sinners in the Hands of an Angry God”) ay itinuturing na pinakadakilang sermon kalian man na ipinangaral sa Estados Unidos. Isinulat ito bawat salita, at binasa ni Edwards sa kanyang kapisanan. Ang Unang Matinding Pagpupukaw ay maaring mabakas sa sulat-kamay na sermon na ito. Habang ginamit ito ng Diyos upang kumilos ang mga tao, ang Unang Matinding Pagpupukaw ay nagsimula.

Katulad ni Edwards, tatanggapin ni Ezekiel ang Salita ng Diyos sa kanyang puso at maririnig ito sa kanyang mga tainga.

“At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan” (Ezekiel 3:11).

Dalawampu’t limang taong gulang si Ezekiel noong siya binihag ng mga taga-Babiloniya. Tatlongpu siya noong tinawag siya ng Diyos upang mangaral. Ang kanyang pangangasiwa ay nagtagal ng dalawampu’t dalawang taon. Isa siya sa mga sampung libong pinuno, kasama si Haring Jehoiachin, na kinuha mula sa Jerusalem patungo sa Babiloniya ni Haring Nebuchadnezzar. Dahil rito sa mga “pagdadakip” na siya ay mangangaral.

Ang gawa ng ebanghelismo ay dapat una sa ating pangangaral. Nasa paggawa ng pagbabawi ng mga ligaw na tao “sa labas ng pagkabihag” kasing lubha ngayon gaya noon. Sinabi ng Aposto Pablo na ang mangangaral ay dapat magligtas ng sila ay

“…makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban” (II Timoteo 2:26).

“Upang idilat mo ang kanilang mga mata, upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios, upang sila'y magsitanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan…”
      (Mga Gawa 26:18).

Iyan ang gawa ng mangangaral na tulad ni Pablo! At bawat mangangaral na tumatayo sa likuran ng pulpito sa Linggo ay inutusan ng Salita ng Diyos na

“Gawin…ang gawa ng evangelista” (II Timoteo 4:5).

Bilang isang mangangaral ng Ebanghelyo, ako ay tinawag ng Diyos. Hindi dapat ako matatakot na sabihin sa iyo ang katotohanan.

Dapat kong sabihin sa iyo ang “ibinigay” ng Diyos sa akin mula sa Kanyang Salita. Dapat kong sabihin sa iyo kung sino ang mga “bihag,” sino ang mga binulag ni Satanas, sino ang hindi nakatanggap ng katotohanan, sino ang nasasawi sa hawak ng Diablo.

III. Pangatlo, hindi dapat maghanap ang mangangaral ng “resulta.”

Tignan muli ang berso 11. Magsitayo tayo at basahin ito ng malakas.

“At yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila” (Ezekiel 3:11).

Maari ng magsiupo.

Sabihin mo sa kanila kung ano ang sinabi ng Panginoong Diyos, “sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila” – sa makikinig man sila o hindi, sa makikinig man sila o magkulang na makinig!

Nagpangaral si Ezekiel sa isang panahon ng matinding pagbabawas at pagtalikod sa dating pananampalataya. Ngayon, nangangaral tayo gaya ng sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “sa isang kalagayan ng kadiliman napaka-pareho nito sa maagang 18th siglo [bago ang Unang Matinding Pagpupukaw]” (isinalin mula sa isinulat ni Martyn Lloyd Jones, M.D., The Puritans and their Successors, The Banner of Truth Trust, 1976 reprint, p. 302). Iyan ang dahilan na dapat basahin at paglinayan ng bawat mangangaral ang pangalawa at pangatlong kapitulo ng Ezekiel. Itataas siya nito sa ibabaw ng mga pagkakamali na nagagawa ng ibang mga tao sa pulpito ngyon.

Isa sa mga hamon sa tunay na pangangaral sa panahong ito ng pagtalikod sa dating pananampalataya ay ang humanap ng “resulta.” “Gumagana” ba ito? Ito ay “pagsasamantala” sa kanyang pinakamasamang anyo. Kung ito ay “gagana” magaling ito, sabi nila. Ngunit yan ang klase ng pag-iisip na hindi dapat pipigil sa isang mangangaral. Hindi dapat niya “babaluktutin” ang kanyang mensahe upang isakto sa “mga teknik ng paglago ng simbahan.” Hindi dapat! Siya dapat ay magsalita “sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila,” sa makinig man sila o hindi.

Sa marinig mo man o hindi, dapat kitang babalaan na ang poot ng Diyos ay darating! Sa pakinggan mo man o hindi, dapat kitang pagsabihang tumakas mula sa Lawa ng Apoy! Sa dinggin mo man o hindi, dapat kitang sabihan ng kabulukan ng iyong sariling kalikasan sa dahilan ng iyong kabuuang kasiraan! Sa dinggin mo man o hindi, dapat kitang pangunahan na ang Espiritu ng Diyos “ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man” (Genesis 6:3). Sa dinggin mo o hindi, dapat kong ihayag sa iyo ang bagay na hindi ka maaring maging Kristyano kung kelan mo lang gusto; at kung sasabihin mong katulad ni Felix, “Kapag mayroon na akong marapat na kapanahunan,” doon ako ay mapagbabagong loob, na ang panahon ay hindi kalian man darating sa iyo, gaya ng hindi kalian man pagdating nito kay Felix (Mga Gawa 24:25). At dapat kong sabihin sa iyo, sa pinakamatapang na posibleng paraan, na ang kaligtasan sa pamamagitan ng sinakripisiyong Dugo ng bumangong Anak ng Diyos ay hindi palaging nariyan para sa iyo kung mag-aantay ka at ipapasantabi ito. Sa didinggin mo man, o sa itatakuwil mo man, ako ay tinawag ng Diyos na sabihin sa bawat hindi napagbabagong loob na kaluluwang,

“Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,

At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan” (Hebreo 6:4-6).

Ito ang babala ko sa iyo, at ito ay babala ng Diyos din, sa didinggin mo man, o itatakwil mo man. Ngunit panalangin ko na didinggin mo ang mensahe ng Diyos mula sa mahinang labi ng mangangaral na ito, at lumiko, at ipatilapon ang sarili sa Anak ng Diyos. Iyan ang daan ng isang napabagong loob. Maaring magsitayo at kantahin ang himno numero 7 sa piraso ng papel ng mga kanta.

Pumarito, mga makasalanan, kawawa at hamak,
   Mahina at sugatan, may sakit at sugatan;
Si Hesus ay handang nakatayo upang iligtas ka,
   Puno ng awa sinamahan ng kapangyarihan;
Kaya Niya, Kaya Niya, Pinagkakaloob Niya;
   Huwag ka ng magtaka!
Kaya Niya, Kaya Niya, Pinagkakaloob Niya;
   Huwag ka ng magtaka!

Lo! ang nagkatawang taong Diyos, napaitaas,
   Ipinapagtalo ang karapatan ng Kanyang dugo;
Magbakasakali sa Kanya ng buong-buo, Huwag mong
   Payagang sa iba tiwala ay manghimasok;
Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, Ang may
   Magagawang mabuti sa mga walang pag-asang makasalanan.
Wala kundi si Hesus, wala kundi si Hesus, Ang may
   Magagawang mabuti sa mga walang pag-asang makasalanan.
(“Pumarito mga Makasalanan” isinalin mula sa Come, Ye Sinners”
      ni Joseph Hart, 1712-1768).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Ezekiel 3:1-11.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Ang Aking Krus ay Kinuha” isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” (ni Henry F. Lyte, 1793-1847).


ANG BALANGKAS NG

PANGANGARAL SA PANAHON NG PAGTALIKOD
SA DATING PANANAMPALATAYA!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ginawa kong parang isang diamante na lalong matigas kay sa pingkiang bato ang iyong ulo: huwag mo silang katakutan, o manglupaypay man sa kanilang tingin, bagaman sila'y mapanghimagsik na sangbahayan. Bukod dito'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, lahat ng aking mga salita na aking sasalitain sa iyo ay tanggapin mo sa iyong puso, at dinggin mo ng iyong mga pakinigAt yumaon ka, pumaroon ka sa mga bihag, na mga anak ng iyong bayan at magsalita ka sa kanila, at saysayin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios; sa didinggin man nila, o sa itatakuwil man nila” (Ezekiel 3:9-11).

I.   Una, hindi dapat katakutan ng mangangaral ang mga tao.
Ezekiel 3:9, 8, 7; Santiago 2:20; Ephesians 1:6; Ezekiel 2:5; 3:11.

II.  Pangalawa, ang mangangaral ay dapat magsalita ayon sa kung ano ang
natanggap niya mula sa Diyos Ezekiel 3:10-11a; II Timoteo 2:26;
Mga Gawa 26:18; II Timoteo 4:5.

III. Pangatlo, hindi dapat maghanap ang mangangaral ng “resulta,”
Ezekiel 3:11b; Genesis 6:3; Mga Gawa 24:25; Hebreo6:4-6.