Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG TEKSTO NA DAPAT KUMAPIT NG MAHIGPIT (PANGARAL BILANG 6 SA ISAIAS 53) A TEXT THAT MUST GRIP YOUR HEART! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral ng Gabi sa Araw ng Panginoon, ika-4 ng Marso taon 2007 “Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5). |
Dalwang Griyegong salita sa Mga Taga Roma kapitulo isa ay maaring magamit para ipakita ang pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaalam tungkol sa isang bagay at pagkakaroon ng lubos na karunungan nito. Tayo ay sinabihan sa Mga Taga Roma 1:21 na ang mga matatanda ay “alam ang Diyos.” Ang Griyegong salita para sa “alam” ay “gnosis.” Nangangahulugan itong alam nila ang tungkol sa Diyos. Ngunit ang Mga Taga Roma 1:28 ay nagsasabi na hindi nila “kinilala ang Diyos,” o “tinandaan ang Diyos sa kanilang dunong.” Ang salitang para sa “dunong” rito ay “epignosis.” Tinatandaan nito ang isang pinalakas na anyo ng gnosis [pagkakaalam], na nagpapahayag ng isang lubos na karunungan na may isang mas higit at makapangyarihang impluwensiya (isinalin mula sa W. E. Vine, An Expository Dictionary of New Testament Words, Revell, 1966, volume II, p. 301). Bagaman ang mga matatandang tao ay alam ang tungkol sa Diyos [gnosis], hindi sila nagkaroon ng lubos na karunungan sa Kanya [epignosis].
Ating namasdan ang tuntunin ng Hapunan ng Panginoon kakaunting minuto ang nakalipas, at ako ay natatakot na iyong dalawang Griyegong salita sa unang kapitulo ng Mga Taga Roma ay naglalarawan ng iba sa inyong nanonood sa aming tumanggap ng Hapunan ng Panginoon, ngunit hindi nakasali mismo. Alam ninyo sa panlabas at sa kaisipan ang ibigsabihin ng Hapunan ng Panginoon, ngunit hindi ninyo alam sa karanasan kung ano kahulugan nito. Mayroon kang isang “karunungan” tungkol rito (isang “gnosis” tunkgol rito), ngunit wala kang lubos na karunungan (epignosis) nito.
At sa gayon ito ay nasa ating teksto. Maaring ito ay karaniwan sa iilan sa inyo, gayong napakakaraniwan na “alam” ninyo ito. At gayon man ang iyong karunungan nito ay “ulong karunungan” lamang, dahil walang kang “lubos na karunungan” nito (Vine, ibid.). Nabasa mo ang teksto ng may “gnosis,” ngunit hindi ng may “epignosis.” Iniisip mong alam mo ang ibigsabihin nito, ngunit wala kang “lubos na karunungan, pagkamalas, pagkakilala” nito (ibid.). Alam mo ang panlabas na anyo ng salita at ang kahulugan nila, ngunit hindi mo nadakot ang panloob na kahulugan, ang lubos na pagkaunawa nito sa paraang “makapangyarihang nakakaimpluwensiya” sa iyo (ibid.). Samakatuwid, layunin kong batakin ang iyong atensiyon sa masmalamim na kahulugan ng teksto, na may pagnanais na ang iyong nauukol sa pag-iisip na karunungan nito ay mapalalim sa lubos na karunungan, alin ay makapangyarihang mapakilos ka para lumapit sa Tagapagligtas na alin ito ay pinag-uusapan.
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Ito ay isang berso na dapat ay kumapit ng mahigpit sa iyong puso. Ipinapanalangin ko na mapakilos ka nito mula sa ulong karunungan sa pagkakaroon ng makapangyarihang impluwensiya sa iyong buhay. Mayroong tatlong pangunahing punto sa ating teksto.
I. Una, si Kristo ay nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang,
nabugbog dahil sa ating mga kasamaan.
Magsitayo tayo at basahin ng malakas ang unang bahagi ng ating teksto.
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan…” (Isaias 53:5).
Maari na kayong magsiupo.
Ang unang salitang “ngunit” ay nagpapakita ng pagkakaiba sa pagitan ng huwad na ideya na inilarawan sa berso apat, na si Kristo ay namatay bilang resulta ng Kanyang sariling mga kasalanan at mga kahangalan, at ang tunay na bagay na Siya ay namatay para bayaran ang ating mga kasalanan. Sinabi ni Dr. Young, “Isa pang diin ay mahahanap roon na ang panghalip na siya ay inilagay muna, sa ganito ay mapapakita, ang pagkakaiba doon sa mga talagang karapatdapat ng kaparusahan, siya ang nagdala ng mga kasalanan ng mga may-sala” (isinalin mula sa isinulat ni Edward J. Young, Ph.D., The Book of Isaiah, William B. Eerdmans Publishing Company, 1972, volume 3, p. 347).
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan…” (Isaias 53:5).
Ang salitang “nasugatan” ay napaka kawiliwili at mahalaga. Sinabi ni Dr. Young na ang Hudyong salita ay nangangahulugang “pinalagpasan sa, at doon ay kasama nito ang kaisipang karaniwang isang pagpapalagpas tungo sa kamatayan” (Young, ibid.). Ang Hudyong salita ay nangangahulugang “pinalagpasan sa,” “bumutas” (ibid.). Ang salitang iyan din ay lumalabas sa Zakarias 12:10,
“Sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan” (Zakarias 12:10).
Ito ay isang malinaw na hula ni Kristo, kaninong anit ay pinalagpasan ng isang korona ng mga tinik, kaninong mga kamay at paa ay pinalagpasan ng mga pako sa Krus, kaninong ang tagiliran ay pinalagpasan ng isang Romanong sibat. Gaya ng sinasabi sa ating ng Apostol na si Juan,
“Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig…upang matupad ang kasulatan…[alin ay] sinabi […], Magsisitingin sila sa kaniya na kanilang pinagulusanan” (Juan 19:34, 36, 37).
At, pagkatapos, sinasabi ng tekstong, “siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan” (Isaias 53:5). Ang Hudyong salita para sa “nabugbog” ay nangangahulugang “naipit” (Young, ibid.). Ang pag-iipit at pagbubugbog ni Kristo ay nagsimula sa Hardin ng Gethsemane, ang gabi bago Siya ay dinakip, noong si Hesus ay,
“nanglulumo…at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Si Kristo ay nabugbog at naipit sa pamamagitan ng mga pamamalo at paghahampas na Kanyang tinanggap ng tuwiran bago Siya ay ipinako sa Krus, at pagkatapos ay pinalagpasan ng isang sibat. Ngunit ang mas malalim na kahulugan ng pag-iipit ay na ito ay nagsasalita ng pasan ng ating mga kasalanang nailagay sa ibabaw Niya, gaya ng sinabi ni Apostol Pedro,
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy…” (I Ni Pedro 2:24).
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan…” (Isaias 53:5).
Ginawang malinaw iyan ni Isaac Watts sa kanyang tanyag na himnong,
Ito ba ay dahil sa mga sala na aking nagawa
Dumaing Siya sa ibabaw ng kahoy?
Dakilang awa! biyayang hindi kilala!
At pagmamahal sa dako pa roong antas!
O sakaling ang araw sa kadiliman ay magtago,
At sarhan ang kanyang mga luwalhati
Noong si Kristo, ang makapangyarihang
May-gawa’y, namatay
Dahil sa tao ang nilalang ng kasalanan.
(“Sa Aba! At Nagdugo Ang Aking Tagapagligtas”
isinalin mula sa “Alas! And Did My Saviour Bleed?”
ni Isaac Watts, D.D., 1674-1748).
II. Pangalawa, si Kristo naparusahan sa ating lugar.
Pansinin ang pangatlong pangkat sa ating teksto,
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya…”
(Isaias 53:5).
Binasa ko ang bersong iyan ng maraming taon nang hindi nalalamang lubos kung ano ang ibigsabihin nito. Isinalin ito ni Dr. Delitzsch, “ang parusang alin ay nagdadala sa ating kapayapaan” (isinalin mula sa isinulat ni C. F. Keil and F. Delitzsch, Commentary on the Old Testament, Eerdmans Publishing Company, 1973 reprint, vol. VII, p. 319). “Ang ating kapayapaan…ang ating karaniwang kaginhawaan, ang ating pagkapalain, alin ay ang mga paghihirap…matiwasay” (ibid.). Ang salitang “parusa” ay nangangahulugang “dusa.” Sinabi ni Dr. Young, “Ang isa ay hindi nagbabasa sa loob ng teksto kung kinakandili niya na ang parusa [ang dusa] na bumaksak kay [Kristo] ay dahil sa layuning pampalubagloob” (Young, ibid., p. 349). Ang katuwiran ng Diyos ay bumagsak sa ibabaw ni Kristo – pinapalubagloob at pinapatahimik ang Kanyang galit laban sa kasalanan. Pumunta si Dr. Gill kung saan maraming mga modernong taga-puna ay takot tumuntong, at ay tamang ginawa niya, noong sinabi niyang,
Ang parusa ng ating kapayapaan ay nasa ibabaw niya; na, ang parusa ng ating mga kasalanan ay pinarusa sa kanya, bilang isang resulta ang ating kapayapaan at pagkakasundo sa Diyos ay ginawa sa pamamagitan niya…bilang isang resulta ang mainam na poot ay napatahimik, ang katuwiran ay nakumporme at ang kapayapaan ay nabuo (isinalin mula sa isinulat ni John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, vol. I, p. 312).
Ang Apostol na si Pablo ay nagsalita ng “pangpalubagloob” ni Kristo sa poot ng Diyos noong isinulat niyang,
“Cristo Hesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24-25).
Ipinaliwanag ni Albert Midlane kung ano ang ibigsabihin ng Apostol sa mga salita ng himnong kinanta ni Mr. Griffith bago ang pangaral na ito,
Walang dila ang makasasabi ng poot na
Kanyang dala, Ang poot na napaka rarapat sa akin;
Ang matwid na disyerto ng kasalanan;
Kanyang dinala itong lahat,
Upang malagay ang makasalanan sa kalayaan
Ngayon wala ni isang patak ang natitira;
“‘Tapos na,” ay Kanyang sigaw;
Sa isang mabisang lagok, Kanyang ininom
Ang tasa ng poot na pawang tuyo
(“Ang Tasa ng Poot” isinalin mula sa
“The Cup of Wrath” ni Albert Midlane, 1825-1909).
Si Kristo ay nagparusa sa iyong lugar, sa ganito ay pinapatahimik ang katuwiran ng poot ng Diyos laban sa iyong mga kasalanan.
“Ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya” (Isaias 53:5).
III. Pangatlo, nagpapagaling ng kasalanan si Kristo sa pamamagitan ng
Kanyang mga latay.
Magsitayo at basahin ang teksto ng malakas, nagbibigay ng maingat na pansin sa huling pangkat, “At sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.”
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Maari nang magsiupo.
Ang salitang “latay” sa Hudyo ay nangangahulugang mga “sugat” (Strong). Ang Apostol na si Pedro ay isinipi ang bersong ito sa I Pedro 2:24. Ang Griyegong salita, na ginamit ni Pedro, ay isinaling mga “latay.” Ang ibigsabihin nito ay “suntok-na-mga-marka” (Strong). Naniniwala ako na ang mga salitang, “sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo,” sa Isaias 53:5 at I Pedro 2:24 ay tumukoy unang-una sa panghahampas kay Hesus, kahit na nagsasalita rin sila ng Kanyang paghihirap sa pangkaraniwan. Ngunit ako ay nahikayat na ang mga salitang iyon ay isang bukod tanging pagbanggit sa paghahampas kay Kristo, na ginawa ng mga sundalo, sa utos ni Ponsiyo Pilato, ang taga Romang gobernador ng Hudea, sa maikling oras bago ipinako si Kristo. Sinsabi ng Bibliya,
“Nang magkagayon nga'y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya'y hinampas” (Juan 19:1).
“Nang magkagayo'y pinawalan niya sa kanila si Barrabas; nguni't si Jesus ay hinampas at ibinigay upang ipako sa krus”
(Mateo 27:26).
Nagpupuna sa Griyegong salitang isinaling “hinampas,” sinabi ni W. E. Vine na ito ay nagsasalita ng “paghahampas na tiniis ni Kristo at isinagawa sa utos ni Pilato. Sa ilalim ng Romanong paraan ng paghahampas, ang tao ay hinuhubaran [nang hubad] at itinatali nang nakabaluktot na tayo sa isang haligi…Ang pamalo [ang latigo] ay gawa sa balat na panali, pinabibigat gamit ng mga matatalim na piraso ng mga buto o tinnga, alin ay pumupunit ng laman ng parehong likod at dibdib. Itinala ni Eusebius (Chronicles) ang kanyang pagkasaksi sa paghihirap ng mga martir na namatay sa ilalim ng pagtratong ito” (isinalin mula sa isinulat ni W. E. Vine, An Expository Dictionary of New Testament Words, Fleming H. Revell Company, 1966 reprint, volume III, pp. 327, 328). Ang salitang “hinampas” ay ginamit rin ni Hesus sa Kanyang hula nauukol sa Kanyang darating na paghihirap, noong sinabi Niyang,
“Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem; at ibibigay ang Anak ng tao [si Kristo] sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba; at kanilang hahatulang siya'y patayin, At ibibigay siya sa mga Gentil upang siya'y kanilang alimurahin, at hampasin at ipako sa krus…” (Mateo 20:18-19).
Ibinigay ni Spurgeon ang mga punahing ito sa paghahampas kay Kristo:
Tumayo ng tuwid, pagkatapos, at tignan [si Hesus] nakalapat [nakatali] sa [isang] Romanong haligi, at pinaglupitang hinampas. Pakinggan ang mga karumaldumal na tama [ng latigo], markahin ang dumudugong mga sugat, at tignan kung paano siya nagiging isang bunton ng kirot kahit na sa kanyang pinagpalang katawan. Tapos pansinin kung paano ang kanyang kaluluwa rin ay hinampas [nabugbog]. Tignan kung paano bumagsak sa ibabaw niya ang latigo sa kanyang ispiritu, hangang ang kanyang nakaloloob na puso ay masugatan ng mga paghihirap, lahat kundi hindi katiis-tiis, alin ay kanyang tiniis para sa atin…mamagitan sa ibabaw nitong taimtim na bagay nang walang isang nag-iisang gumagalang kaisipan, at pinapanalangin ko na ikaw at ako ay maaring makapag-isip nang sabay sa walang kapantay na paghihirap ni [Hesus] hangang ang sarili nating mga puso ay matunaw sa loob natin sa nangingilala ng utang na loob na pagmamahal sa kanya (isinalin mula sa isinulat ni C. H. Spurgeon, “Christopathy,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1976 reprint, volume XLIII, p. 13).
Muli, sinabi ni Spurgeon na ito ay para sa ating mga kasalanan kaya Siya ay naghirap sa pahahampas at pagpapako. Ito ay para sa iyo at sa akin na si Hesus ay nakaranas ng mga latay noong Siya ay hinampas, at noong ang mga pako ay idiniin sa Kanyang mga kamay at paa noong Siya ay ipinako. Sinabi ni Spurgeon,
Siguradong tayo ay mayroong parte sa kanyang mga pighati. O, kaya tayo ay pantay-pantay na siguradong “sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.” Pinalo mo siya, mahal na kaibigan, at sinugatan mo siya; samakatuwid, huwag kang magpapahinga hangang masabi mo nang, “sa pamamagitan ng kaniyang latay napagaling ako.” Dapat tayong mayroong sariling [karunungan] nitong naghihirap na Isang [si Hesus] kung tayo ay papagalingin [mula sa kasalanan] sa pamamagitan ng kanyang mga latay. Dapat nating…ipatong ang ating sariling mga kamay sa ibabaw nitong dakilang sakripisyo, at kaya tanggapin ito bilang [ginawa para sa atin]; dahil ito ay magiging isang hamak [karumaldumal] na bagay na malaman na si Kristo ay [binugbog], ngunit hindi alam na “sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay nagsigaling tayo”…Hindi na mangangailangan ng usapan ukol sa paggaling kung ang kasalanan ay hindi kinikilala ng Diyos bilang isang karamdaman (ibid., p. 14)… “Sa pamamagitan ng kanyang latay ay nagsiagaling tayo.” Ito ay hindi isang pansamantalang lunas; ito ay isang gamot na alin ay [nagdadala] sa ganyang kalusugan na marapat na gawing ganap na [magaling] ang [iyong] kaluluwa, para sa wakas, sa gitna ng mga banal sa harap ng luklukan ng Diyos [sa Langit], na ang tao ay marapat na kakanta kasama [ang marami pang iba doon] “sa pamamagitan ng kaniyang latay ay nagsigaling tayo.” Luwalhati sa nagdurugong Kristo! Lahat ng karangalan, at kadakilaan, at kapangyarihan, at papuri sa kanya magpakailanman at magpasawalang hangan. At pabayaan ang lahat [ng mga iyong nagsigaling mula sa kasalanan] na masabing, “Amen at amen” (ibid. p. 21).
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Ngunit pulos na pagkakaalam ng mga bagay na ito ay hindi makaliligtas sa iyo! Maliban na ang mga katotohanan ng paghihirap ni Kristo sa tekstong ito ay kumapit ng mahigpit sa iyong puso ikaw ay hindi mapagbabagong loob! Pabayaang ang teksto ay makakuha ng kapit sa iyong puso. Pabayaang ang mga salitang ito ay magpakilos ng iyong kaluluwa.
“Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).
Naway ang mga salitang iyan ay makapagpakilos sa iyong lumapit kay Kristo sa pananampalataya, at bumagsak sa harapan Niya, at mapagaling mula sa bawat kasalanan, para masabi mong, “Sa pamamgitan ng kaniyang mga latay ako ay napagaling mula sa pasakit ng kasalanan, ngayon at magpakailanman.” Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Mga Taga Roma 3:21-26.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Tasa ng Poot” isinalin mula sa
“The Cup of Wrath” (ni Albert Midlane, 1825-1909).
ANG BALANGKAS NG ISANG TEKSTO NA DAPAT KUMAPIT NG MAHIGPIT (PANGARAL BILANG 6 SA ISAIAS 53) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5). (Mga Taga Roma 1:21, 28) I. Una, si Kristo ay nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, II. Pangalawa, si Kristo naparusahan sa ating lugar, Isaias 53:5b; III. Pangatlo, nagpapagaling ng kasalanan si Kristo sa pamamagitan ng |