Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANONG URI ANG BATA ITO? – ISANG PAMASKONG PANGARAL

WHAT CHILD IS THIS? – A CHRISTMAS SERMON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga sa Araw ng Panginoon ika- 21 ng Setyembre taon 2003

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban” (Lucas 2:12).


Maari ng magsi-upo.

Siya ay ipinanganak sa isang di-kilalang barangay, anak ng isang mahirap na babae. Siya’y nagtrabaho sa isang pagawaa ng pangangarpintero hangang siya ay labin tatlo, at pagkatapos ay sa loob ng tatlong taon siya ay naging isang bumabiyaheng mangangaral. Noong ang biglaang pag-alon ng opiniyon ay bumagligtad laban sa kanya, ang kanyang mga kaibigan ay nagsitakbo. Siya ay isinuko sa kanyang mga kaaway. Siya ay inilitis at hinanapan ng sala. Siya ay ipinako sa isang krus sa gitna ng dalawang magnanakaw. Noong siya ay patay na, siya ay inihiga sa isang hiniram na libingan. Hindi Siya kailan man nagsulat ng aklat. Hindi Siya kailan man nagkaroon ng posisiyon sa gobyerno. Hindi Siya kailan man nagmay-ari ng isang bahay. Hindi Siya kailan man bumiyahe ng higit sa dalawang daang milya mula sa lugar kung saan Siya ay ipinanganak. Hindi Niya kailan man ginawa ang kahit anong mga bagay na karaniwang kasa-kasama ng kadakilaan. Gayon man lahat ng mga hukbo na nagsi-martsa, at lahat ng gobyerno na kailan ma’y naupo, at lahat ng mga haring kailan ma’y namuno, ay hindi nakaapekto ng buhay sa mundo kasing lakas noong Isang Nag-iisang Buhay (isinalin mula sa “One Solitary Life,” may akda hindi kilala).

Sinabi ng tanyag na dalubhasa sa kasaysayang si Dr. Philip Schaff,

Si Hesus ng Nazaret, walang pera’t mga armas, ay sumakop ng mas maraming milyon kay sa ni Alexander, Caesar, Mahomet, at Napoleon.

O ni Lenin, Stalin, Hitler, at ni Mao Tse Tung!

At mayroon lamang tatlong posibleng reaksyon kay Kristo. Sinabi ni C. S. Lewis,

Maari mo Siyang patahimikin tulad ng isang hangal, maari mo Siyang duraan at patayin Siya gaya ng isang demonyo, o kaya bumagsak sa Kanyang paa at tawagin Siyang Panginoon at Diyos.

Dito sa nakamamanghang siping pang Pasko, sa pangalawang kapitulo ng Ebanghelyo ni Lucas, nalalaman natin ang kahirapan ni Kristo. Magsi-tayo tayo at basahin ang Lucas 2:7 ng malakas,

“At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito’y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka’t wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan” (Lucas 2:7).

Sinasabi sa atin ng Bibliya na inilagay ng Espiritu Santo si Hesus sa sinapupunan ni birheng Maria.

“Baba sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios” (Lucas 1:35).

Ngunit ang Anak ng Diyos ay hindi ipinanganak sa isang dakilang palasyo. Siya ay ipinanganak sa isang napaka hirap na kondisyon – sa isang kuwadra. Sinasabi ng Bibliya na Kanyang

“…hinubad […] ito [kanyang reputasyon] , at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao” (Mga Taga Filipos 2:7).

Si Kristo ay ipinanganak sa isang mahirap na kondisiyon upang itago ang kadakilaan ng pangyayari mula sa isang walang pakiaalm at makasalanang mundo, at upang ilantad ang kadakilaan nito doon sa mga espiritwal ang isipan.

Ang sinilangan ni Hesus ay napaka kumbaba at mababa na ito, mismo, ay ibinigay sa mga pastol bilang paraan ng pagkakakilanlan sa Kanya,

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban” (Lucas 2:12).

Ang lampin lang ay hindi isang tanda. Lahat ng mga Hudyong bata, kapag sila ay ipinanganak, ay hinuhugasan ng tubig, pinapahiran ng asin, at pagkatapos ay ibinabalot sa isang pirasong tela, o “lampin.” Hindi lamang Siya nakabalot sa isang piraso ng tela, kundi Siya rin ay nakahiga sa isang “pasabsaban,” sa isang kahon ng dayami na kinakainan ng mga borriko sa isang kamalig. Sinasabi ni Dr. Gill na, “Ang mga tandang ito ay mamumukod sa bagong panganak na Tagapagligtas mula sa lahat” (isinalin mula sa isinulat ni Dr. Gill. D. D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, muling inilimbag taong 1989 ang 1810 edisiyon, komentaryo sa Lucas 2:12). At naobserbahan ni Dr. Lenski na ito ay

Hindi ‘isang tanda,’ ngunit tiyak na ‘ang tanda,’ ang sigurado at tiyak na tanda…May ibang sanggol marahil at ipinanganak sa Bethlehem ng gabing iyon; ngunit dakilang sanggol na ito ay mahahanap ‘na nababalot ng lampin…at nakahiga sa isang pasabsaban’… Ang anyo ng parehong mga pang-uring ginagamit bilang pangdiwang ‘ang tanda,’ at parehong anyo magkasama… Kung saan sa lahat ng mga rehiyon ay ang isang nakabalot na sanggol ay nakahiga sa isang pasabsaban – dahil dito sa isang pasabsaban, hindi sa isang maayos na bahay, at sa isang pasabsaban pati hindi sa kahit anong uri ng kama ngunit sa dayami sa isang pasabsaban? (isinalin mula sa isinulat ni R. C. H. Lenski, The Interpretation of St. Luke’s Gospel, Augsburg, 1946, komentaryo sa Lucas 2:12).

Sinasabi ni Mathew Henry,

Noong nakita naming siyang nakabalot sa lampin at nakahiga sa isang pasabsaban, kami’y natuksong sabihin, “Tiyak na ito’y hindi Anak ng Diyos.” Ngunit tignan ang kanyang pagkapanganak na pupuntahan, gaya nito rito, ng may koro ng mga anghel, at sasabihin nating, “Tiyak ito’y walang iba kundi ang Anak ng Diyos…” (isinalin mula sa isinulat ni Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible, Hendrickson, muling inilimbag taon 1996, komentaryo sa Lucas 2:12).

Isang bagong silang na sanggol, ay nakabalot sa pirasong lampin, nakalagay sa isang sabsaban, isang batyang ginagamit sa pagpapakain ng mga hayop. Kahit itong mga mahihirap na pastol ay hindi pa nakakakita ng isang sanggol na nakalagay sa isang batyang pinagkakainan ng mga baka! “Ito ang magiging palatandaan sa iyo”!

Magpunta sa Betlehem at tigan Siyang kinakanta
   ng mga anghel ang kanyang pagkapanganak
Magpunta’t, samabahin na naka luhod si Kristo
   ang Panginoon, ang bagong silang na Hari.

Tignan sa loob ng sabsaban nakahiga si Hesus,
   Panginoon ng langit at lupa!
Maria, Jose, ibigay ang iyong tulong,
   Kasama naming kumanta sa pagkapanganak ng ating Tagapagligtas.
   (“Mga Anghel Na Nadinig Namin sa Itaas” isinalin mula sa
      “Angels We Have Heard on High,” di-kilala ang pinanggalingan).

Malayo sa isang sabsaban, walang duyan pang higaan,
Inihiga ng maliit na Panginoong Hesus ang Kanyang matamis na ulo,
Ang mga bituin sa maliwanag na ulap ay tumitingin kung saan Siya nakahiga,
Ang maliit na Panginoong Hesus, natutulog sa dayamo,
   (“Malayo sa isang sabsaban,” isinalin mula sa
      “Away in a Manger,” di-kilala ang pinanggalingan).

Si Hesus ay bumaba mula sa kaluwalhatian ng Langit upang maipanganak sa isang sabsaban at mailagay sa isang maduming dayami ng batyang pinagkakainan ng baka.

“[…] Hinubad niya ito [kanyang reputasyon], at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus” (Mga Taga Filipos 2:7-8).

Ang Anak ng Diyos, ang Panginoon ng kalikhaan, ay ipinanganak sa isang sabsaban. Binuhay Niya ang Kanyang buhay sa kahirapan. Siya hinubaran, at ipinako sa krus. Bakit pinayagan Niya ang Kanyang sariling dumaan sa ganoong pagpapahiya? Ipinaliwanag ito ng malinaw ni Apostol Pablo noong sinabi niyang,

“Sapagka’t nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma’y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo” (II Mga Taga Corinto 8:9).

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban” (Lucas 2:12).

Ito’y isang kakaibang palatandaan kung alin ay upang kilalanin ang isang ipinanganak sa isang mataas na tungkulin at karangalan, na Siya…hindi tulad ng anak ng pinaka mahirap na [tao], ay nakahiga sa isang sabsaban. Pamamahiya ay isang tanda ng kadakilaan, ang lalim ng pagpapakumbaba, isang testigo ng taas ng kaluwalhatian. Ang duyan na napakadukha para sa isang anak ng isang taong nababagay para sa Anak ng Diyos (isinalin mula sa The Preacher’s Homiletic Commentary, sulat sa Lucas 2:12).

Anong uri ang batang ito, naka higa nagpapahinga,
   Sa kandungan ni Mariang natutulog?
Bakit Siya nakahiga sa isang nakayayamot na lugar
   Kung saan kumakain ang mga baka at boriko?
Kung siono’y binabati ng mga anghel ng matatamis na awiting papuri,
   Habang ang mga pastol ay nagsisinood?
   (“Anong Uri ang Batang Ito?” isinalin mula sa
      “What Child Is This?” ni William C. Dix, 1837-1898).

Anong uri ng bata ito?

Ating ilipat sa Juan, kapitulo isa, berso isa. Manatiling nakaupo at basahin ito ng malakas.

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya”
      (Juan 1:1-3).

Maaring magsitingala. Sinasabi ng mga bersong ito sa atin na si Hesus ay “ho logos” – “Ang Verbo [Salita].” Si Hesus ay ang pangalawang Tauhan ng Santisima Trinidad. Sinasabi ng berso isa na si Hesus “sumasa Diyos” at “ay Diyos.” Mula sa walang hanganang nakaraan, Siya ay laging kasama ng Diyos at laging ngang kasama ng Diyos, kapwa-nabubuhay kasama ng Ama.

Bukod rito, sinasabi ng berso tatlo sa atin na “Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.” Nilikha ni Hesus ang mundo.

Ngayon tignan ang berso sampu. Magsitayo tayo at basahin ito ng malakas.

“Siya'y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan”
      (Juan 1:10).

Nilikha ni Hesus ang mundo, gayon noong Siya ay pinanganak na sanggol, hindi Siya kinalala ng mundo bilang Tagapaglikha at Panginoon. Ngayon basahin ng malakas ang berso labin apat.

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan”
      (Juan 1:14).

Maaring ng magsi-upo. “At nagkatawang-tao ang Verbo [Salita], at tumahan sa gitna natin.” Iyan ang pagkakatawang tao. Ang Diyos Anak, ang Pangalawang Tao ng Santisima Trinidad, ay ginawang katawan sa sinapupunan ng birheng, Maria. Siyang gumawa ng mundo ay ipinanganak sa isang kuwadra sa Betlehem.

Ang Salita ng Ama, ngayon ay nagkatawang nagpapakita;
O halina’t sambahin Siya, O halina’t sambahin Siya;
O halina’t sambahin Siya, si Kristo ang Panginoon
   (“O Halina, Lahat Kayong Nananampalataya,” isinalin mula sa
      “O Come, All Ye Faithful,” isinalin ni Frederick Oakeley, 1802-1880).

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban” (Lucas 2:12).

Si Hesus ay bumaba mula sa Langit sa lupang ito. Ngunit hindi Siya dumating sa paraang inaasahan nila. Hindi Siya dumating gaya ng isang dakilang hari. Dumating Siya bilang isang munting sanggol. Siya’y ipinanganak sa pinaka mababang kondisiyon. Inihiga nila Siya sa isang dayami, sa gitna ng mga baka’t boriko.

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban” (Lucas 2:12).

Ipinapakita nito na si Hesus ay lubusang tao. Siya sabay na lubusang Diyos at lubusang tao. Sinabi ni Dr. McGee,

Siya’y dumating sa pinaka posibleng mahinang paraan, bilang isang sanggol. Inilagay ni George Macdonald ng ganito:

Silang lahat ay naghahanap ng isang Hari
   Upang patayin ng kanilang mga kalaban at maitaas
   silang mataas:
Siya’y dumating, isang munting bagay na sanggol
   Na nagpa-iyak ng isang babae.

Ito ang paraan ng pagdating ng Tagapagligtas sa mundo. Hindi Niya ipinasantabi ang Kanyang kabanalan; isinantabi Niya ang Kanyang kaluwalhatian. Nagkaroon dapat mas higit pa sa kakaunting mga pastol at anghel na sumalubong sa Kanya – ang lahat ng inilikha ay dapat sana’y naroon… [Ang Emperor ng Roma] si Caesar ay dapat naroon sa Betlehem upang sambahin Siya. Kaya siyang puwersahin ni Hesus na gawin iyon, ngunit hindi Niya ito ginawa. Isinantabi Niya, hindi ang Kanyang Kabanalan, kundi Kanyang karapatan sa kanyang kabanalan. Dumating Siya isang munting bagay na sanggol (isinalin mula sa isinulat ni J. Vernon McGee, Thru the Bible, Nelson, 1983, volume IV, page 253).

Ang mga arko’y nagsi-kalembang noong ang mga anghel ay nagsikanta,
   Prinoproklama ang Kanyang marangal na uri;
Ngunit sa mababang kapanganakan Siya’y dumating sa lupa,
   At sa dakilang pagkakumbaba.
   (“Iyong Iniwan ang Iyong Trono” isinalin mula sa
      “Thou Didst Leave Thy Throne” ni Emily E. S. Elliott, 1836-1897).

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban” (Lucas 2:12).

Ang mahirap at mababang pagkapanganak ni Hesus sa kuwadrang iyon ay pangitain ng Kanyang na hihiyang mababang kamatayan. Dinakip nila Siya dahil sa pangangaral ng katotohanan. Tinakpan nila ang Kanyang mata at hinampas ang Kanyang mukha. Dinuraan nila Siya, at bimunot ng mga piraso ng Kanyang balbas. Muntik na nila Siya pinatay sa pagkabugbog noong nilatigo nila ang Kanyang likod. Hinubad nila ang lahat ng Kanyang damit at ipinako Siyang pulos na hubad sa isang krus Nakabitin Siya roong namamatay sa pagitan ng dalawang karaniwang criminal, na ipinako, isa sa bawat tabi Niya. Para sa kompletong paglalarawan ng kasuklamsuklam na pagpapahirap at kamatayan na pinagdaanan ni Kristo, ilipat natin sa Marcos 15:16-20. Magsitayo tayo at basahin ito ng malakas,

“At dinala siya ng mga kawal sa looban, na siyang Pretorio; at kanilang tinipon ang buong pulutong. At siya'y kanilang dinamtan ng kulay-ube, at nang makapagkamakama ng isang putong na tinik, ay ipinutong nila sa kaniya. At nagpasimula silang siya'y batiin, Aba, Hari ng mga Judio! At sinaktan nila ang kaniyang ulo ng isang tambo, at siya'y niluluraan, at pagkaluhod nila, siya'y sinamba. At nang siya'y kanilang malibak na, ay inalis nila sa kaniya ang kulay-ube, at isinuot sa kaniya ang kanyang mga damit. At siya'y kanilang inilabas upang ipako siya sa krus” (Marcos 15:16-20).

Bumaba sa berso dalawam pu’t apat. Basahin ito ng malakas.

“At siya'y kanilang ipinako sa krus, at kanilang pinaghatihatian ang kaniyang mga damit, na kanilang pinagsapalaran, kung alin ang dadalhin ng bawa't isa. At ikatlo na ang oras, at siya'y kanilang ipinako sa krus” (Marcos 15:24-25).

Bumaba sa berso tatlom pu’t pito.

“At si Jesus ay sumigaw ng malakas na tinig, at nalagot ang hininga. At ang tabing ng templo ay nahapak na nagkadalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba. At ang senturiong nakatayo sa tapat niya, nang makitang malagot ang hininga niya, ay kaniyang sinabi, Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios”
      (Marcos 15:37-39).

Maari ng magsi-upo.

Noong ako’y maliit na bata pa madalas kong nagpupunta sa isang Katolikong simbahan halos bawat hapon. Lagi nilang iniiwang bukas ang mga pintuan noon. Lagi ako nagpupunta sa parehong lugar, sa isang mistulang buhay na estatwa ni Hesus na buhat ang Kanyang Krus sa lugar ng pagpapako sa krus. Dugo ay tumutulo sa Kanyang mukha mula sa korona ng tinik sa Kanyang ulo. O, alam ko na ang mga Katoliko ay gumagawa ng maraming diyos-diyosang imahe tulad niyon. Ngunit nagbigay ito ng matinding pakiramdam sa akin isang maliit na bata. Inisip ko ng paulit-ulit, “Bakit nila ginawa iyon sa Kanya? Wala nama Siyang ginawang masama. Bakit nila Siya pinatay? Hindi Siya mapanganib at Siya’y mabuti. Bakit nila Siya pinahirapan at pinatay? Hindi ko kailan man nalaman ang sagot. Walang makasagot sa akin. Ngunit isang larawan ng kakila-kilabot na pagpapahiya at kamatayn ni Hesus ay nanatili sa aking musmos na isipan at hindi kailan man ako iniwanan. Iniisip ko ito ng madalas noong ako’y tumatanda, “Bakit nila ginawa iyon sa Kanya? Bakit nila Siya pinatay?”

Maya maya’y dinala ako ng mga kapit bahay naming, sina Dr. at Gng. McGowan sa isang Bautismong simbahan, at natuklasan ko ang sagot mula sa Bibliya. Paki lipat sa Isaias, kapitulo limam pu, berso anim. Sinabi ni Hesus sa paghuhulang ito. Basahin ito ng malakas.

“Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).

Ngayon lumipat sa Isaias 53:4-5. Ito ang dahilan kung bakit nila Siya pinatay. Basahin ito ng malakas.

“Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:4-5).

Bumaba sa berso labin isa. Basahin ito ng malakas.

“Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng aking matuwid na lingkod ang marami; at dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan” (Isaias 53:11).

Nahanap ko ang sagot sa mga tanong ko noong aking kabataan, “Bakit nila ginawa iyon sa Kanya? Bakit nila Siya pinatay?” Si Hesus, ang Panginoon ng Langit at lupa, ay nagdusa sa pagkapako sa krus upang bayaran ang multa ng aking mga kasalanan at upang pangatwiranan ako at iligtas ako mula sa poot at paghahatol ng Diyos. Sa araw na ako’y naligtas kinakanta namin ang kanta ni Charles Wesley.

Iniwan Niya ang trono ng Kanyang Ama sa itaas,
   Napaka malaya, walang katapusan ang Kanyang biyaya;
Ibinuhos Niya ang lahat ng Sarili maliban sa pagmamahal,
   At nagdugo para sa mahinang lahi ni Adan;
Itong lahat ay awa, malaki’t malaya; Dahil,
   O ang aking Diyos, ito’y nahanap ako.
Nakamamanghang pagmamahal! papaano ito Na Ikaw, aking Diyos,
   ay narapat mamatay para sa akin.
   (“At Maari Ba Ito?” isinalin mula sa
      “And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Si Hesus ay pinahiya at namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng aking mga kasalanan. Alam ko ito, nagtiwala ako sa Kanya, at iniligtas Niya ang aking kaluluwa.

Sinabi ni Dr. Watts,

Noong ineksamen ko ang nakamamanghang krus,
   Kung saan ang prinsipe ng luwalhatian ay namatay,
Ang kayamanan ko ay lumaki binilang ko ngunit nawawala,
   At nagbuhos ng galit sa lahat ng aking kayabangan.
   (“Noong Aking Ineksamen ang Nakamamanghang Krus” isinalin mula sa
      “When I Survey the Wondrous Cross” by Isaac Watts, D.D., 1674-1748).

Iyan ang isa sa mga paborito kong kanta noong ako’y bata pa, at ito pa rin hangang ngayon. Kapag naiisip ko ang kasuklamsuklam na paghihirap at napakasakit na kamatayan ni Hesus, ang Anak ng Diyos, “Ang kayamanan ko ay lumaki binilang ko ngunit nawawala, at nagbuhos ng galit sa lahat ng aking kayabangan.”

Lumapit ako kay Hesus ay iniligtas Niya ako. Kaya mong gawin ang bagay ring ito.

“At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban” (Lucas 2:12).

Wala Siya sa sabsaban ngayon. Wala Siya sa Krus ngayon. Sa Pasokong Linggong ito Siya ay bumangon – pisikal mula sa pagkapatay. Siya ay umakyat sa kanang kamay ng Diyos, sa kaluwalhatian ng Langit sa itaas. Maari kang lumapit sa Kanya, tulad noong mga pastol. Maari kang yumuko sa harap Niya at Kanyang pawawalang bisa ang iyong mga kasalanan at bibigyan ka ng malinis na talaan, at ililigtas ang iyong kaluluwa.

Lalapit ka ba at magtitiwala kay Kristo, ang Anak ng Diyos? Maliligtas ka sa Kanya mula sa kasalanan, kamatayan at sa hukay? Tatanggapin mo ba ang walang hangang buhay mula sa Kanya?

Minsan sinabi ng dakilang Tagapagbagong si Martin Luther,

Walang pera si Kristo, o kayamanan, o makamundong kaharian, dahil magkakatulad ang ibinigay Niya sa mga hari at prinsipe. Ngunit nag-iwan Siya ng isang bagay na kakaiba sa Kanya, na walang taong nilalang o anghel ang makagagawa – ito ay ang sakupin ang kasalanan at kamatayan, ang diablo at Impiyerno, at sa gitna ng kamatayan upang dalhin at iligtas sila na sa pamamagitan ng Kanyang Salita’ya maniwala sa Kanya.

Sinabi ni Apostol Pablo,

“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan” (Mga Gawa 16:31).

Maniniwala ka bas a Kanya ng lubusan? Ipagkakatiwala mo bas a Kanya ang iyong buhay? Maliligtas ka ba sa Kanya?

At sana’y maglaan ng oras para sa Kanya nitong Pasko. Bumalik sana kayo ngayong gabi para sa Paskong Linggong piyesta ng 6:00. At siguraduhung maglaan ng oras para sa Anak ng Diyos sa Gabi ng Pasko, ang gabi bago ng Pasko, dito sa simbahan. Ibigay ang iyong buong puso sa Panginoong Hesu-Kristo, at ipakita ito sa pamamagitan ng pagigigng kapiling ng Kanyang mga tao dito sa simbahan parehong ngayong gabi at sa Gabi ng Pasko! Bakit mag-iisa? Umuwi – sa simbahan! Bakit maging nawawala? Umuwi kay Hesu-Kristo – ang Anak ng Diyos!

Magpunta sa Betlehem at tigan Siyang kinakanta
   ng mga anghel ang kanyang pagkapanganak
Magpunta’t, samabahin na naka luhod si Kristo
   ang Panginoon, ang bagong silang na Hari.
(“Mga Anghel Na Nadinig Namin sa Itaas” isinalin mula sa
   “Angels We Have Heard on High,” di-kilala ang pinanggalingan).

O halina’t sambahin Siya, O halina’t sambahin Siya.
O halina’t sambahin Siyang, Kristo ang Panginoon.
   (“O Halina, Lahat Kayong Nanampalataya,” isinalin mula sa
      “O Come, All Ye Faithful,” isinalin ni Frederick Oakeley, 1802-1880).

(KATAPUSAN NG SERMON)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 2:8-12.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Anong Uri Ang Bata Ito” isinalin mula sa “What Child Is This?”
(ni William C. Dix, 1837-1898).