Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SIYA AY BUMANGON – AYON SA SINABI NIYA!HE IS RISEN – AS HE SAID! (Tagalog)ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” |
Ako’y pinanganak ng tinatawag ng marami na “Banal na Sabado,” ang araw bago ng Pagkabuhay, Abril 12, 1941, ng 4:00 ng hapon. Sa sunod na umaga dinala nila ako sa silid ng ospital at inilagay ako sa sa mga kamay ng aking ina. Sinabi niya sa akin ito ng maraming beses. Habang hinawakan niya akong malapit sa kanya ng umagang iyon ng Pagkabuhay, tumingin siya sa bintana sa tabi ng Forest Lawn na Sementeryo sa Glendale. Sa ibabaw ng Buhol ng Forest Lawn sa labas ng kanyang bintana nagpakawala sila ng daan-daang mga puting kalapati sa ere ng umagang iyon. Habang hawak ako ng aking ina, pinanood niya ang malaking kawan ng mga kalapati na tumaas sa kalangitan sa itaas. At naisip niya ang pagtaas ni Kristo.
Limampung anim na taon maya-maya tumayo ako sa tabi ng libingan ng aking ina habang isang buldoser ay tumulak sa lupa sa ibabaw ng kanyang kabaong. At ang mga salitang ito ni Kristo ang dumaan sa aking isipan:
“Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya: at ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man” (Juan 11:25-26).
Iniwanan ko ang libingan ng aking Ina habang ang mga salitang iyon ay paulit-ulit sa aking isipan, “Ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya.” Kaya kong paniwalaan ang sinabi ni Hesus dahil alam ko na bumangon Siya mula sa pagkamatay Mismo. Si nanay ay balang-araw na babangon mula sa libingan upang salubungin si Hesus sa himpapawid dahil si Hesus, Mismo ay nakasupil ng kamatayan.
“Hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya” (Marcos 16:6).
“Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” (Mateo 28:6).
I. Una, ito ang mensahe ng Disipolo ni Kristo.
Nakita nila Siyang lahat pagkatapos Niyang bumangon mula sa pagkamatay. Sila’y kumbinsidong lubos na nakita nila Siya, na nasabi ni Lucas,
“Napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw” (Mga Gawa 1:3).
Sa pangaral ngayong umaga ibinigay ko sa inyon ang tatlong mga katunayan na walang pagkakamali ng muling pagkabuhay ni Kristo. Hindi ko uulitin ang mga puntong ito ngayong gabi. Imbes simpleng sasabihin ko na ang mga tagasunod ni Kristo ay naniwala na nakakita sila ng mga “katunayan” na walang pagkakamali na Siya ay bumangon mula sa pakamatay.
Mayroong mga dakilang mga tao na nakakita sa Kanyang buhay pagkatapos ng muling pagkabuhay. Sa I Mga Taga Corinto ibinibigay ng Apostol Pablo ang isang mahabang listahan ng mga saksi.
“Siya'y napakita kay Cefas [pangalan ay Pedro], at saka sa labingdalawa: Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan … Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol; At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin” (I Mga Taga Corinto 15:5-8).
Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay ang sentral na tema ng pangangaral ng mga Aposol. Noong Siya ay ipinako sa Krus at ang Kanyang mga Disipolo ay nagsitakbo sa takot, mukhang katapusan na ng layunin ni Kristo. Ngunit limampung taon pagkatapos ng pagpaako sa krus ang mga kalye ng Jerusalem ay umalingawngaw ng malalakas na mga sigaw noong mga nagproklama na ibinangon ng Diyos si Hesu-Kristo mula sa pagkamatay, at sila ay ang Kanyang mga saksi. Ito ay ang mga Apostol. At ang salitang “apostol” ay nanggagaling mula sa Griyegong salitang “Apostolos” – at ibig nitong sabihin ay “isang mensahero, siya na ipinadala na mayroong mensahe” (Isinalin mula sa Strong’s Concordance, bilang 652). At ang kanilang mensahe ay simple – Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” (Mateo 28:6).
Sinabi ng Apostol Pedro:
“Siya…kayo sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tampalasan ay inyong ipinako sa krus at pinatay: sapagka't hindi maaari na siya'y mapigilan nito” (Mga Gawa 2:23-24).
Tapos sinabi ni Pedro:
“Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat” (Mga Gawa 2:32).
Sinabi ni Apostol Pablo:
“At muling binuhay ng Dios ang Panginoon, at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan” (I Mga Taga Corinto 6:14).
“Ang Jesus na ito'y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat” (Mga Gawa 2:32). Ang mga Apostol, at daan-daang mga disipolo, ay matatapang na mga saksi sa katunayan na nakita nila si Hesu-Kristo pagkatapos Niyang pisikal na bumangaon mula sa pagkamatay! Lahat sila ay nagsabing,
“Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” (Mateo 28:6).
II. Pangalawa, ito ang mensaheng pinagdusahan at pinakamatayan.
Ang lahat ng mga Apostol ay pinahirapan dahil sa pagproproklama ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ang lahat sa kanila maliban kay Juan ay pinatay para sa pangangaral nito – at si Juan ay inilagay sa isang tangke ng kumukulong langis, at halos hindi natakasan ang kamatayan. Pagkatapos niyan, siya’y pinalayas sa Isla ng Patmos, na may mga peklat mula sa kumukulong langis na nagmamarka ng kanyang katawan. Si Pedro ay ipinako sa krus na pabaligtad. Si Pablo ay pinutugan ng ulo. Si Santiago, ang kapatid ni Hesus, ay binato at pinukpok sa kamatayan. Si Santiago, ang kapatid ni Juan ay itinulak sa isang espada. Si Tomas ay pinatay gamit ng isang sibat. Si Thaddaeus ay pinatay gamit ng mga pana, Si Bartolomeo ay binalatang buhay, at tapos ay ipinako sa krus na pabaligtad. Si Lucas ay binitay rin. At si Marcos ay namatay na isang martir sa ika-walong taon ng paghahrai ng Emperor na si Nero (isinalin mula sa cf. Josh McDowell, Isang Handang Depensa [A Ready Defense], Thomas Nelson, 1993, pah. 436). Ang mananalaysay na si Dr. Philip Schaff ay nagsabi na ang kaluwagan ng loob ng mga Apostol na mamatay kaysa itanggi ang muling pagkabuhay ni Kristo ay “isa sa pinaka malakas na ebidensya ng kabanalan at hindi masisirang buhay ng ating relihiyon” (Isinalin mula kay Philip Schaff, Ang Kasaysayan ng Kristiyanong Simbahan [History of the Christian Church], Eerdmans, 1910, kabuuan I, pah. 8). Sinabi ni Josh McDowell na ang mga kalalakihan na ito “isinaalang-alang ang moral at etikal na integridad na mas mahalaga kaysa sa buhay mismo. Ang mga Kristiyanong ito ay hindi mukhang mga mabangis ang paningin na mga panatiko.
O na sila ay simpleng masigasig na tapat sa isang partikular na kaisipan ng buhay. Sila’y mga kalalakihan at mga kababaihan na sa pinaka kaunti ay nagsaabsi sa pamamagitan ng kanilang ibinuhos na dugo, ‘hindi ko maikakait na si Hesus ng Nazareth ay nabuhay, nagturo at namatay, at ibinangon mula sa pagkamatay upang ipakita na siya ay ang Mesiya ang Panginoon at Diyos’” (Isinalin mula kay Josh McDowell, op. cit., pah. 437). Ang Apostol Pablo ay naniwala ng lubos sa muling pagkabuhay ni Kristo na sinabi niya, “Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang” (Mga Taga Filipo 1:21).
Maari mong pagkatiwalaan ang kalalakihan na pinaniwalaan ito ng napakalakas na handa silang mamatay na iprinoproklama na
“Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” (Mateo 28:6).
III. Pangatlo, ang mensaheng ito ay makadadala sa iyo ng pag-asa at kaligtasan.
“Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” (Mateo 28:6).
Ang kapangyarihan ng mga salitang iyan, at ang karanasan ng kaganapang iyan, ay nagbago sa kurso ng kasaysayan, at nagbigay ng pag-asa at kaligtasan sa milyon-milyong mga tao sa lahat ng mga siglo.
Ipinadala ng Diyos ang Kanyang Anak,
Tinawag nila Siyang Hesus;
Dumating Siya upang umibig,
Magpagaling at magpatawad;
Nabuhay Siya at namatay
Upang bilhin ang aking kapatawaran,
Isang walang lamnag libingan ay naroon
Upang ipatunay na ang aking Tagapagligtas ay nabubuhay.
Dahil Siya’y nabubuhay maari kong harapin ang bukas;
Dahil Siya’y nabubuhay ang Lahat ng takot ay wala na;
Dahil alam ko na hawaka Niya ang hinaharap,
At ang buhay ay nararapat na buhayin dahil sa
Lamang na Siya’y nabuubahay.
(“Dahil Nabubuhay Siya,” Isinalin mula sa
“Because He Lives” ni Bill Gaither)
Sinabi ni Hesus,
“Sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo” (Juan 14:19).
Sinabi rin Niya,
“Magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin” (Juan 14:1).
Tapos sinabi ni Hesus,
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6).
Ang Biblikal na ulat ng Kanyang muling pagkabuhay ay nagdadala sa iyong harap-harapan sa nabubuhay na Kristo. Ngayon dapat kang magdesisyon. Pipiliin mo bang magtiwala kay Kristo at maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan Niya? Mararanasan mo ba ang bagong pagka-panganak? O pipilihin mong tanggihan Siya – at mabuhay at mamatay na walnag pag-asa? Ang aming mensahe sa iyo ay simple: piliin si Kristo – at mabubuhay ka magpakailan man!
“Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” (Mateo 28:6).
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral: Juan 11:25-26.
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Solo na kinanta Bago ng Pangaral: “Masgusto kong Magkaroon si Hesus.
“Isinalin mula sa “I’d Rather Have Jesus” (mga salita ni Rhea F. Miller, 1922;
musikang nilikha ni George Beverly Shea, 1909-).
ANG BALANGKAS NG SIYA AY BUMANGON – AYON SA SINABI NIYA! HE IS RISEN – AS HE SAID! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya” (Juan 11:25-26; Marcos 16:6) I. Una, ito ang mensahe ng Disipolo ni Kristo, Acts 1:3; II. Pangalawa, ito ang mensaheng pinagdusahan at pinakamatayan, III. Pangatlo, ang mensaheng ito ay makadadala sa iyo ng |