Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA DOKTRINA NG MGA DEMONYO DOCTRINES OF DEMONS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles, Gabi ng “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga” (I Ni Timoteo 4:1-2). |
Sa kanyang pambukas sa aklat ni Dr. Merrill F. Unger, Biblical Demonology (Kregel Publications, 1994 edisyon), si Dr. Wilbur M. Smith ay nagsalita tungkol sa naunang mga Ama ng Simbahan, at kung anong isinulat nila tungkol sa mga demonyo. Sinabi ni Dr. Smith,
Sa unang apat na mga siglo ng Kristiyanong Simbahan, iyong mga makapangyarihang mga teyolohiyano, na marami sa kanila’y nakakitang malalim sa Salita ng Diyos, ay nagsulat ng matindi sa kapangyarihan ng demonyo (Isinalin mula kay Unger, ibid., p. vii).
Isinipi ni Dr. Smith mula kay Justin Martyr (103-165) na iginiit na ang paganong mitolohiya ay nagmula sa demonikong panloloko. Isinipi rin ni Dr. Smith si Lactantius (240-320) na nagsabi na ang mga demonyo ay,
Ang mga imbentor ng astrolohiya, at mga mistiko, at paghuhula…at ang sining ng salamangka, at anonmang masamang pagsasagawa maliban sa mga sinasanay ng mga kalalakihang ito, lantaran man o palihim…Ang mga ito ang nagturo sa taong gumawa ng mga imahen at mga estatwa; na, upang mapatalikod ang mga isipan ng tao mula sa pagsasamba sa tunay na Diyos, ay nagsanhi sa mga [imahen] ng mga patay na mga hari upang maipatayo at benditaduhin, at ipinalagay sa kanilang mga sarili ang kanilang mga pangalan (Isinalin mula kay Unger, ibid.).
Tapos isinipi ni Dr. Smith si Augustine (354-430) na “madalas nagpipilit sa teribleng kapangyarihan ng demonyo sa parehong panahon na nauna at sa mga araw na parating pa lang” (Isinalin mula sa ibid., p. viii). Sumipi si Dr. Smith mula sa The City of God, kung saan itinatanong ni Augustine ang tanong,
Anong espiritu ito, alin ay sa pamamagitan ng nakatagong inspirasyon ay pumupukaw sa mga kurapsyon ng tao, at ibinubunsod sila sa pangangalunya…maliban na lang kung ito’y ang pareho na nakahahanap ng kasiyahan sa ganoong mga relihiyosong seremonya, naglalagay sa mga templo ng mga imahen ng mga diablo…na bumubulong ng palihim ng ilang mga makatuwirang sabi-sabi upang linlangin ang kaunting mabuti, at…upang makakuha ng pag-aari ng milyong mga masasama? [Si Augustine ay nagpatuloy sa pagsasabi na ang Kristiyanismo, ang nag-iisang tunay na relihiyon] ay nakapaghayag rin na ang mga diyos ng mga bansa ay mga pinaka mahalay na mga demonyo, na nagnanais na maisip silang mga diyos…kina-iinggitan ang pagbabagong loob ng mga kaluluwa ng tao sa tunay na Diyos (Isinalin mula kay Unger, ibid.).
Si Dr. Smith ay nagpatuloy na nagsabi, sa kanyang pambukas sa aklat ni Dr. Unger, na ang demonolohiya ay pinaliit, at pati nakalilimutan, sa modernong mga panahon. “Sa ika-19 na siglo ang buong paksa ay inismid ng maraming bilang isang mapamahiing kaisipan” (Isinalin mula sa ibid.). Itinuro ni Dr. Smith na sa pamamagitan lamang ng pagdating ng dalawang pandaigdigang digmaan sa ika-20 na siglo, at ang mabilis na pagtaas ng ateyismo at ng mga kulto, na ang paksa ng demonolohiya ay nagsimulang mapag-usapan muli (Isinalin mula kay Unger, pp. viii-ix). Tapos ay sinabi niya,
Sa oras na tulad nito, hindi tayo matutulungan ng pilosopiyang maintindihan kung ano talaga ang nangyayari sa isipan ng di-napagbabagong buhay na sangkatauhan; at ni ekonomiya, sosiyolohiya, o psikolohiya ay makapagsabi sa atin kung ango parating. [Dapat] tayong tumingin sa oras na ito ng lumalalim na kadiliman sa ilaw ng nagmuumula sa Salita ng Diyos (Isinalin mula kay Unger, ibid., p. x).
Ito’y nagdadala sa atin pabalik sa ating teksto,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga”
(I Ni Timoteo 4:1-2).
“Hayag na sinasabi ng Espiritu,” iyan ay, malinaw, naglalantad ng hindi maaring malaman sa pamamagitan ng pangangatwiran ng tao. At ang ibinubunyag ng Espiritu ng Diyos rito ay na mayroong isang pag-alis o pagtalikod mula sa Kristiyanong pananampalataya “sa mga huling mga araw.” Tapos tayo ay binibigyan ng dahilan para sa pagtalikod sa dating pananampalataya “mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat [mapanloko] at sa mga aral [pagtuturo] ng mga demonio.” Tayo ay sinabihan sa simula ng teksto na ang nakakatakot na pagtalikod sa pananampalataya ay mangyayari sa “huling mga araw.” Ito’y tumutukoy, sa kalahatan, sa buong Kristiyanong dispensasyon, at gayon ibang mga Kasulatan, gayun din ito, ay nagtuturo sa lumalaking inklinasyon papunta sa pagtalikod sa pananampalataya at demonikong pagtuturo, na tumataas ng pirmehan habang ang panahong ito’y papalapit sa isang pagsasara, na maabot ang rurok nito sa loob ng Matinding Tribulasyon, bago ng Pangalawang Pagdating ni Kristo.
Paniniwala ko na ang propesiyang ito ay nagsimulang matupad sa loob ng tinatawag na “Iluminasyon” ng ika-18 ng siglo, noong ang mga kalalakihan ay nagsimulang umasa sa kanilang sariling pagdadahilan kay sa sa Salita ng Diyos. Ito’y nagdala sa isang pagkasira ng teolohiya, at kasama ni C. G. Finney (1792-1875) – na ang kanyang mga panananaw na nahubog ng Iluminasyon kay sa ng Repormasyon – ay dumating ang pagbangon ng “desisyonismo,” na nagpuno sa mga simbahan ng mga di-napagbabagong loob na mga milyon, gayon gumagawa, mula sa mga rango ng mga di napagbabagong loob na mga ito, ng mga kalalakihan na nagturo ng mga liberal na pananaw, na ikinakait ang Banal na Kasulatan na,
“mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo” (Judas 4).
Sa loob ng madaling panahon din, bago ng panahon ni Finney, si Johann Semler (1725-1791) ng Alemanya, ay nagsimulang magturo ng kritisismo ng Bibliya. Alemang kristisismo ng Bibliya, kasama ng “desisiyonismo” ay nagdulot ng matinding pagkalito sa mga simbahan. At sa loob ng panahon ni Finney, at di nagtagal pagkatapos, kakaibang mga kulto at huwad na mga kaisipan ay bumangon – gaya ng Campbellism, Mormonism, Seventh-Day Adventism, ang mga Saksi ni Jehovah at marami pang iba. Ito’y sinundan ng isang panahon sa loob ng huling bahagi ng ika-20 na siglo, noong Silangang relihiyosong mga kaisipan ay nagdagsaan, at “bagong panahong” mistisismo ay naging isang permanenteng bahagi ng Kanlurang sibilisasyon. Naniniwala ako na ibinibigay niyan sa atin ang makasaysayan at eskatokohikal na sakop ng ating teksto,
“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga”
(I Ni Timoteo 4:1-2).
Ngayon ako’y sesentro, sa huling kalahati ng sermong ito, sa paksa ng demonismo at doktrinal na panloloko – o, doktrina ng demonyo. Nagsasalita tungkol sa ating teksto, sinasabi ni Dr. Unger, “Ang mga ‘espiritung mapanghikayat’ ay ang mga mapaglinlang na mga ‘demonio,’ na walang humpay na masigasig sa pagbibigay ng maling kahulugan ng katotohanan at nagdadala…sa mga taong maligaw mula sa tunog ng doktrina” (Isinalin mula kay Unger, ibid., p. 166). Muli, sinabi ni Dr. Unger,
Kahit na ang saktong anyo ng pagkakamali ay ipinalalagay ng mga “doktrina ng mga demonyo” sa partikular na pagkakataong ito [I Timoteo 4:3] ay tila…limitado sa ilang lokal na erehya na…nagbabanta sa…kadalisayan ng simbahan sa panahon, gayon ito’y dapat hindi ipapalagay na ang demonikong panloloko ay limitado sa…asetisismo, pagbabawal ng pagpapakasal, at pagsisimangot sa ilang mga uri ng pagkain. Ang [iba’t-ibang] mga anyo at halos walang katapusang pagkakaiba, na ang maaring ipalagay ng mga “doktrina ng demonyo” ay inilalarawan ng [maraming] kabuktutan ng dalisay na Kristiyanismo…at lalo ng sa pagkakagulo ng Babel ng mga kulto at mga pangkat na nagpapasakit sa modernong mga bansa ng Kristiyano (Isinalin mula kay Unger, ibid., p. 168).
Sinasabi sa atin ng Apostol Juan na ang demonismo ay ang kapangyarihan sa likod ng huwad na doktrina. Lumipat sa I Ni Juan 4:1-3, at basahin ito ng malakas.
“Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay [naparito sa laman ay hindi] sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na” (I Ni Juan 4:1-3) – KJV.
Tayo ay sinsabihan na subukin ang mga “espiritu” sa likod ng mga bulaang propeta. Tayo gayon ay nabibigyan ng pagsubok. Kung ang pagtuturo ay naniniwala na si Hesu-Kristo ay “naparito sa laman” ang pagtuturo ay mula sa Diyos. Sinabi ni Dr. Norman L. Geisler ang pariralang “ay naparito” (eleluthota sa Griyego) ay nasa “Perpektong panahunan, ibig sabihin, si Hesus ay dumating sa laman sa nakaraan at nananatili sa laman” (Isinalin mula kay L. Geisler, Ph.D., The Battle for the Resurrection, Wipf & Stock Publishers, 1992 edisyon, p. 164). Ngunit kung ang pagtuturo ay nagsasabi na si Hesus ay isang espiritu, o ngayon ay isang espiritu (hindi ang nagkatawang-taong Kristo) gayon ang pagtuturo ay nanggagaling mula sa isang demonikong espiritu. Sinabi ni Dr. Unger,
Ang di-kailan mang nabibigong pagsubok upang ipagkaiba ang huwad mula sa tunay ay ang saligang katotohanan ng pagkatawang tao ni Hesu-Kristo…ang masama at manghikayat na mga espiritu ni Satanas ay nagtatago, at binibigyan ng maling kahulugan at tinatanggihan ang maluwalhating katotohanan na ito, tinatanggap, gaya ng pagtanggap nito, ng natapos na pagtutubos na gawain ni Kristo (Isinalin mula kay Unger, ibid., p. 172).
Inililista ni Dr. Unger ang “humanism, Mormonism, ateyismo, agnostisismo, mga Saksi ni Jehovah” bilang mga nagkakaroon ng “iba’t-ibang mga antas ng demonikong panloloko” (Isinalin mula kay Unger, ibid., p. 178). Inililista rin ni Unger ang “Unitarian-modernism, at iba pa [bilang nagpapakita] ng kanilang mahalagang demonikong karakter” (Isinlain mula kay Unger, ibid., p. 178).
Ang modernismo (liberalismo) na lumusot sa dakilang Protestante at Bautismong denominasyon ay nanggagaling mula sa isang demonikong pagtatanggi ng II Timoteo 3:16. Isa sa mga “doktrina ng mga demonyo” ay ang pagkakait sa pagkawalang pagkakamali ng Bibliya, at upang “suplementuhin” ang Bibliya ng mga karagdagang pagsusulat tulad ng Koran, mga aklat sa Tekstuwal na Kritisismo, ang Aklat ng Mormon, literatura ng Saksi ni Jehovah, at iba pa. Naniniwala ako na dalawang demonikong doktrina, higit sa lahat ng iba, ay nakagawa ng katakot-takot na pinsala sa ating mga simbahan – sila’y ang (1) Mas Mataas na Kritisismo ng Bibliya (Isinalin, tignan ang The Battle for the Bible ni Dr. Harold Lindsell, Zondervan, 1976), at (2) Desisyonismo – na pumapalit sa tunay na pagbabagong loob na may mababaw na makataong pagkilos (Isinalin, tignan ang Today’s Apostasy ni R. L. Hymers, Jr. at C. L. Cagan. I-klik ito upang basahin ito online). Paki lipat sa II Ni Timoteo 3:16 at basahin ang berso ng malakas.
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (II Ni Timoteo 3:16).
Bilang resulta ng pagtatanggi ng mga dakilang Protestante at Bautismong denominasyon sa salitang inspirasyon ng Bibliya, “Ang resulta ay isang humina, makamundong Simbahang walang kapangyarihang magbagong buhay, walang kapangyarihang makapag-akit, at di masagot ang namimighating hiyaw ng makasalanang sangkatauhan para sa espiritwal na katotohanan. Isang biktima sa mga nanghihikayat na mga espiritu, isa lamang mahapyaw na muling pagkabuhay ng Espiritu ng Diyos ang makakapigil sa nagpapahayag na Simbahan mula sa pagkahulog ng higit sa…kalagayang iyon, kung saan ang binabantaan ng ating Panginoon na Kanyang ‘isusuka’ ang Laodiceang mga propesor palabas ng kanyang bibig, Apocalipsis 3:16” (Isinalin mula kay Unger, ibid., p. 179).
Kaya nakita natin ang dalawang paraan na ibinibigay sa atin ng Bibliya upang mawari ang doktrina ng mga demonyo (I Ni Timoteo 4:1). Ang unang pagsubok na ating nakita ay nasa I Ni Juan 4:1-3. Itinuturo ba nila na si Hesu-Kristo ay ang nagkatawang taong Diyos na “naparitong nasa laman” (perpektong panahunan)? Ang pangalawang pagsubok ay nakita natin sa II Ni Timoteo 3:16. Sinusundan ba nila ang Kasulatan na hindi nagdaragdag ng karadagang pagsusulat na bumabaluktot ng Kasulatan o nagwawasto ng mga ito?
“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran” (II Ni Timoteo 3:16).
Sinabi ni Dr. Unger,
Sa gitna nitong kakilakilabot na pagkalito ng modernong mga kulto…ang Bibliya, ang nabubuhay na Salita ng katotohanan ng Diyos, ay ang nag-iisang tiyak na proteksyon ng Kristiyano laban sa doktrinal na panloloko…si Satanas at kanyang mga karamihan ay maaring maiwasan ang mga makataong opinion at interpretasyon ng tao, ngunit hindi nila matatagusan ang di magugubong depensa ng Banal na Salita ng Diyos! (Isinalin mula kay Unger, ibid., pp. 179-180).
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Ang nag-iisang paraan ng kaligtasan ay sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo, at ito’y sa pamamagitan ng katotohanan na maari nating masubok ang mga doktrina ng mga demonyo (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, volume V, p. 447; sulat sa I Ni Timothy 4:1).
Paulit-ulit naming sinasabi sa inyong basahin ang Bibliya at makinig sa pangangaral ng Salita ng Diyos. Paulit-ulit naming sinasabi sa inyong magpunta kay Hesu-Kristo ang minsang napako sa krus ngunit ngayon ay bumangong Tagapagligtas. Pakinggan ang Salita ng Diyos. Lumapit kay Kristo. Nakipag-bayad siya para sa iyong kasalanan sa Krus. Siya’y nabubuhay ng kailan man sa kanang kamay ng Diyos Ama. Lumapit kay Kristo at ika’y Kanyang ililigtas mula “sa likong lahing ito” (Mga Gawa 2:40). Sinabi ni Hesus,
“Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8:12).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Timoteo 4:2-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Alam Kong ang Bibliya’y Totoo” Isinalin mula sa
“I Know the Bible is True” (ni B. B. McKinney, 1886-1952).